SPOT 53: ROME

94 18 1
                                    

MACTHARA.

IBINABA KO ang linya ng cellphone matapos kong ipaalam kay Allende na ngayong madaling araw na ang biyahe namin papuntang Italy.

"Are all aboard?" tanong ni Malvon sa katapat kong seat.

"Wala pa si Tadi," sagot ko.

Inaantok ang mga mata ng kapatid ko kaya mas nadagdagan lang ang inis niya nang ilang minuto na kaming pinaghihintay ng mga De Troy. Nagchat si Duez sa 'kin. Si Stallah na lang ang matagal kumilos.

Ang private plane ng pamilya nila ang gagamitin sa paglipad. Mayroon din ang mga Sartre niyon, ang kaso'y may dadaluhan sina Mamma at Pappa sa ibang bansa kaya bawal gamitin. Hindi rin sila pumayag na magpabook ng ticket sa airport.

Umupo ako malapit sa bilog na bintana ng eroplano. Maganda ang pagkakadisenyo rito. Mas ginawang kumportable at maka-bahay ang loob. Pinindot ko ang button sa armrest at automatikong bumaba ang sandalan.

Dinig ko ang bulungan mula sa bukanan ng pinto. Hindi ko man tingnan, ramdam kong sina Duez at Stallah ang papaakyat sa eroplano. Siguro dahil na rin sa kuryosidad, napatingala ako para silipin ang magkapatid.

Nakatalikod si Tadi habang ang atensyon nasa labas. Samantalng may kausap si Duez sa cellphone. Tila isang negosasyon 'yon base sa kung papaano niya galangin ang nasa kabilang linya. Ngunit nang bumaba ang tingin niya sa 'kin, agad na nagpaalam si Duez sa kausap.

"Matulog ka na," aniya at lumapit sa tapat kong upuan. "Did I wake you up? Is it cold? Do you have a blanket? Should I raise the temperature?"

"Kumportable ako, 'wag kang mag-alala," tugon ko at mas inilubog ang sarili sa malambot na airplane seat. Lumingon ako sa kanya. "Ano? Nagpaalam ka na ba kay Tito Trau na... you're staying there for two weeks?"

"I did but how about you?" balik niya sa tanong.

"Not yet..."

"Let me guess..." Inilagay niya ang siko sa sandalan ng upuang nasa harap ko. Sinasakop  ako ng kanyang anino. "You're nineteen. Takot ka pa ring magpaalam sa magulang?"

"Oo rin," natatawang saad ko at inalala ang gabi ng pag-alis ko. "Akalain mo nang naglayas ako, sila pa ang naghatid sa 'kin sa gate."

"Crazy. Ipagpapaalam na lang kita..."

"Huwag na. 'Di rin lang naman papayag 'yon," tanggi ko. Malaman lang niyang magkasama kami ni Duez, tumutunog na ang radar niya. "And one thing, I got no business there. Walang rason para magtagal tayo ro'n sa Italy."

"Then, I'll create more reasons for you to stay with me," pahayag niyang tinatakpan ang ilaw.

"Osige, i-submit mo 'yang essay mo mamaya sa 'kin..." biro ko. "Paano mo 'ko kukumbinsihing magbakasyon sa Italy?"

"What's your trip again?"

"Oo, 'yan ang tanong!" Pumikit ako at inayos ang pagkakahiga sa upuan. "Baka bagsak ka agad. Kung gano'n ang nangyari, lalaitin kita!"

"So you won't stay longer?"

Iwinaksi ko ang palad ko. "Alis na! Gagawa ka pa ng sanaysay, remember?"

"Ewan ko sa 'yo..." aniya.

Hindi ko na siya pinansin kahit na nagdadabog na. Sinara na ang ilaw sa eroplano at pinalitan ng mas hindi nakakasilaw. Sinilip ko kung saan nagtungo si Duez at natanaw siya ng mga mata ko sa seat na tapat ni Malvon.

SPOT HIM BEHIND (the Spot Saga: Season 1)Where stories live. Discover now