SPOT 34: ANGAS

702 24 16
                                    

MACTHARA.

HINDI ko aakalaing ganito nakatataba ng puso ang suportang iginagawad ni Gole. Matapos niya akong dalhan ng pagkain at inumin ay pinabalik ko na siya sa itaas. Maging ako ay nagtungong muli sa loob ng field nang tinawag kami ng dalawang coach.

Palihim na nakipag-apir si Zede nang nagporma kami ng semi circle. Nasa gitna ang dalawang coach. Sa kanan si Coach Meg na katabi rin sa gilid ang former captain. At pumuwesto sa huling kaliwa si Zede na katabi ang lalaking moderator. Pinasadahan ni coach ng tingin ang mga nakahilerang players, hinihintay ang mga umiinom sa bench.

Nang nakumpleto na'y hinarap niya kami. "I am very much satisfied with your performances. My expectations were so high that I'm glad you exceeded. But never get too relaxed. This next category will be the last and, as y'all know, the driver of the game. Without it being thrown properly, no one is allowed to hit or catch."

Tumango-tango ang mga katabi ng coach at sinang-ayunan iyon ng mga kapwa ko manlalaro. Diretso lang ang aking tingin, nakikinig at nagoobserba.

"Before we announce the qualifiers. Here is Sydney, the former captain of this team. She will act as the batter for this game. While Clauzedette, your co-captain, will be the catcher." imporma ng coach na nilingon tig-isa ang mga kapitan. "This category will measure your pitching skills. Remember to swing your arms underhand. This is Softball, players. Never confuse it with Baseball."

Tinanong niya kung handa na ba kami. "Yes, coach!"

Bumalik sa coaches box ang dalawang taga-turo habang kaming mga players ay naka-standby sa bench. Nakasuot na ng protective gears ang mga kapitan. Parehong naka-helmet ngunit ang pinagkaiba'y hawak ni Zede ang bat, samantalang naka-softball gloves si Sydney.

Naka-puwesto na ang dalawa sa kani-kanyang mga kahon. Nasa harap ng catcher ang batter, na kasalukuyan ay parehong naka-squat. Pumito si Coach Meg at tinuro ang babaeng nangunguna sa aming linya. Lumapit ito sa kanya at may isinulat ang babaeng coach sa record book. Pagkatapos ng usapan nila'y tumakbo ang player sa pitcher's plate. Ito ang rectangular white plate kung saan magpipitch ang manlalaro.

Naupo ako para manuod ng laro. Naka-handa na ang lahat kaya anumang oras ay magsisimula na. Hawak ng pitcher ang bola't naka-posisyon ang katawan. Sa isang pito ng Coach Meg, ini-ikot ng player ang kaniyang braso. Hinakbang nito ang kaliwang paa saka pinadausdos ang dulo ng kanang sapatos sa lupa. Ini-hagis niya ang puting bola pailalim at mabilis na nilandas ng naturang bagay ang ere.

Isa itong pakikipagsapalaran para sa dalawang players na binatuhan ng bola. Kung masasalo ba o matatamaan, iyan ang desisyong ipinataw ni Zede. Tumama ang softball sa bat nang paluin niya ito. At muling naglakbay ang bagay sa himpapawid. Kung tao lamang ito, isinusumpa niya na ang taglay na galing ng mga manlalaro.

"Walang kupas ang Clauzedette." bulong ng katabi kong katatapos lamang uminom ng tubig.

Nangisi ako sa sinabi niya habang sinusundan ng tingin ang kilos ni Zede. May taga-pulot na player sa outside field ngunit hindi ito pinaglaro. Hindi man lumipad sa bakod ang bola'y tiyak makatatakbo pa rin ang batter sa isa o dalawang base. Ang kaso'y hindi muna siya pinatakbo dahil ang layunin ng laro ay ang paghahanap ng mahusay na pitcher. Iyon bang malilito ang batter kung saan ipupuwesto ang bat.

May isang tyansa lamang ang manlalaro para itama ang pagkakamali sa pagbato. Bibigyan ang bawat isa sa amin ng tatlong round para magpitch. Natapos ang unang pitcher auditionee  kaya tinawag na ang kasunod. Nagpatuloy ang ganoong set-up hanggang sa sumabak na ang pangalawa sa huli.

"Alondra, next. Position!" matigas na sigaw ng babaeng coach.

Taas-noong pumasok sa field ang babaeng binanggit nila. May kung anong kakaibang awra ang bumalot sa kaniyang paligid dahil kung bakit napaabante ako. Hindi katulad ng akin, kulot ngunit maikli ang buhok niya. Morena at mas payat pa kaysa kay Yendi. Kung magkakatabi sila, halos magkapareho lamang sila ng tangkad.

SPOT HIM BEHIND (the Spot Saga: Season 1)Where stories live. Discover now