SPOT 5: DEPARTURE

929 80 5
                                    

MACTHARA.

NOONG sumenyas na ang bell para sa dismissal time ay agad akong tumakbo mula sa Building Two hanggang sa ERU Parking Lot para umangkas sa motor ko at paandarin ito nang mabilis.

Medyo naghati ang dalawang ulap at bumungad ang silaw ng araw. Meron pa akong ilang oras para maka-uwi pagkatapos kong bisitahin ang importanteng tao. Kahit maitim pa ang mga ulap, hindi nito ako mapipigilan.

Sabik na sabik na akong makita silang muli at sana hindi ko makita ang isang taong naging dahilan kung bakit wala ako sa tirahan na iyon.

Tumatama sa aking mukha ang malakas na hagpis ng hangin at nakababingi ang ugong ng makina. Sinusubukan kong makalusot sa trapik habang inuungusan ang magagarang sasakyan ng Earls, tawag sa estudyante ng ERU. Mga sports car ang mga ito subalit wala silang panama sa motor ko.

Masisilayan mula sa itaas ang paliko-likong pulang sasakyan. Minamabuti kong sakto lang ang tama ng hangin sa katawan ko. Ayaw ko yatang masilipan ng isang manyak.

"Oh, magandang hapon po, Signorina Sartre!" masayang bati ng guwardiya mula sa kanyang silungan noong tanggalin ko ang aking helmet. "Napabisita po kayo! Babalik na po ba kayo?"

Tumango lamang ako saka itinuro ang matayog na gate na papasok sa Villa Markos pero tila tinitigan niya lang ako.

"Dito na kayo ulit titira?" ulit niya at napikon naman ako dun.

"Ahh..." napapailing kong tugon sabay sineryosohan siya ng mukha. "Sabihin nating wala akong balak bumalik."

"Ay... eh..." nailang pa ang guwardiya sa akin. Makatanong naman parang sobrang dali ng sagot. "Mag-iisang t-taon na simula nung umalis kayo ah..."

~BROOM BROOM~

Gigil na pinihit-pihit ko ang manibela at nagpekeng ngiti na lamang. Kung papatagalin ko pa ang pakikipagkuwentuhan sa taong ito ay tiyak maabutan ako ng dilim.

"May hiling sana ako, Comandante Quel..." nagpipigil na habol ko at pinalapit ko siya gamit ang isang kaway.

"Ano po?" tanong niya. Nang ipahiram niya ang kanyang tainga ay bumulong ako.

Sigurado ako na mapagkakatiwalaan si Comandante Quel. Simula nang dumating ako dito noong apat na taong gulang pa lang ako ay siya na ang nagbabantay sa gate ng Villa Markos.

Dito sa villa na ito, nakapanliliit ang tawag sa iyo. Kung pulis ka sa labas, guwardiya ka lang dito.

Kakagaling pa lang namin sa Italy noon. Ilang taon kaming nanirahan dun pero noong tatlong taon na ang pangalawa kong kapatid ay bumalik kami sa Pinas.

"Huwag mong ipapaalam kahit kanino na bumisita ako. Puwede ba iyon?"

"Ha? Bakit naman? Dumito na kasi kayo, Signorina Sartre!"

"Bakit ka ba nagtatanong ha?" matalim na tingin ko sa mata niya at naiiwas naman niya ito.

"Masusunod po..." tugon niya ngunit hindi pa siya sigurado kaya nagtanong ulit. "Sinong kanino ba?"

"Kahit aso."

Naintindihan naman na niya sa wakas ang utos ko at pinagbuksan na niya ako ng gate. Pagkaandar ko ay lumitaw sa harapan ko ang malalaking bahay na kung tawagin nating mansyon.

Ang pangharap na lote ay pinapaupahan ng mga Sartre. Sa tuwing huling araw na ng buwan ay higit sa milyon ang nalilikom nila. Sa laki ba naman ng espasyo na pinagtayuan ng malalaking bahay nila, hindi puwede ang maliit na bayad para sa pamilya ko.

SPOT HIM BEHIND (the Spot Saga: Season 1)Where stories live. Discover now