SPOT 16: BUSY

856 33 36
                                    

Comment the most heartbreaking Wattpad line here...

GOLE.

ITO NA NAMAN ako at tumititig sa katigasan ng katawan ni Macthara habang nasa ikatlong base na at malapit na sa Home Run.

Grabe siya, Dong!

Kanina talaga ay nasa unang base pa lang siya ngunit noong sumunod iyong babae niyang kasama sa pagbabat ay nasa malayo na si Mactha ko. Halos mabali na ang leeg ko sa pagtunghay sa bolang lumilipad nang ilang metro.

Aba, malay ko ba na ganoon na lang kabilis ang takbo ng paa ng empleyado ko. Parang sumasali siya sa Track and Field kung saan maraming mabibilis tumakbo.

Naku, Dong!

Parang lumalambot na talaga ang puso ko para kay Macthara. Ang sabi ko sa sarili ko ay hindi na muna ako iibig ngunit parang may iba akong nadarama.

Crush ko na yata siya, Dingdong!

Ano ba naman iyan, crush? Pang-elementary ang peg ko, samantalang nasa kolehiyo na ako. Sa law school pa ako pumunta, ang tanga lang.

Pati feelings ko para sa kaniya, hindi ko ma-justify.

Eeeeeeee! Malandi ako kapag nakatalikod siya, pero kapag naman nakaharap na si Mactha ko, wala na pokpok na ako. Iba talaga ang lakas ng appeal niya!

Natapos ang laro nila at mabilis akong tumakbo palapit sa bakal na harang para kumaway sa kanya sa ibaba.

"Mactha ko!" sigaw ko at kinalabit naman siya ng kalaro. Ang ingay ko talaga kahit kailan.

"MACTHARA! WUHOOOOOO!" hiyaw ko pa ulit sa pagkakataon na ito ay tiningala na niya ako sa wakas.

Nagsalubong pa ang kanyang kilay at parang mas hindi natuwa na may isang Gole Dantes na kumakaway sa kanya. Ang arte talaga!

Parang lalake na nakapamewang pa at akala mo kung sinong itinuro ako. May sinasabi yata siya pero hindi ko marinig. Ang hina kasi ng boses, lagi na lang bumubulong kapag ako ang kausap. Ang bastos talaga!

"Ano 'yon, Mactha ko?!" pasigaw ba tanong ko pa at mas inilapit ang tainga sa ibaba.

"Tarantado ka, bumaba ka rito!" ang sakit naman niyang mang-utos at nainis nga ako dun.

Nginusuan ko siya at padabog na bumaba ng hagdan. "H-hindi man lang nagpasalamat na pinanunood ko siya! Tsk!"

Pabida siya, akala niya siguro magpapa-alalay ako sa kanya!

"Ito na nga, bababa na nga, Mactha ko!" kunwari ay napapasunod niya talaga ako. "Ang yaman-yaman ng angkan ko tapos para naman akong utusan nito!"

Tsk.

Umikot pa nga ako para lang makapasok sa diamond field. Sagabal kasi itong cyclone wire kaya napaghihiwalay kami ni Macthara. Nasa kabilang dulo pa kasi ang entrance.

Tingnan mo ito, ako pa ang lumalapit sa kanya!

Habang tinatamad na naglalakad ako ay napako pa rin ang aking paningin kay Mactha ko at sa oras na makapasok ako sa field ay hinintay ko siyang lumapit naman sa akin. Hindi iyong puro ako na lang, 'no.

Nakatayo lang ako sa tapat ng entrance at ilang segundo pa ang itinagal ko roon bago niya ako nilapitan. Sinuot pa niya talaga ang kaniyang puting cap at nagpupunas ng pawis habang papunta sa akin.

Hindi man lang nahiya sa bango ko!

"H-hi, Mactha ko." bati ko pa at aywan ko ba kung bakit nauutal na naman ako.

SPOT HIM BEHIND (the Spot Saga: Season 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon