SPOT 40: VIAL

518 27 6
                                    

MACTHARA.

HULING YUGTO na ng programa kaya nagkalat ang mga bata sa harapan. Nagpapalobo ng bubble gum, tutok at nanunuod sa pagmamahika ng dalawang clown.

Pinuno nila ng tawanan ang buong sulok habang nagyayabangan ang kanilang mga magulang tungkol sa kagalingan ng anak. Hindi ko man marinig, iyon ang ipinapakita ng ekspresyon nila.

Naiwan kami sa mesa ni Gole noong nagpaalam ang sina Ninong Eligio at Tita Vale na kukumustahin ang ilang mga bisita. Tapos na kami sa pagkain kaya kinuha na ng mga waiter ang mga plato't pinalitan ng desserts. Dalawa lang ang naibigay sapagkat umalis din ang maldita. Mabuti 'yon dahil malapit ko nang makalmot ang pagmumukha niya!

"Gusto mo pa?" tanong ni Gole noong maubos ko ang isang slice ng mocha cake.

"Hindi na. Sa iyo na 'yan..." sabi ko at inusog ang platitong nilagay niya sa tapat ko. Pinunasan ko ang gilid ng labi ko ng table napkin. Napatingala si Gole nang tumayo ako.

"Where will you go?" tanong niya.

Itinuro ko ang mesa sa kabilang hilera. "Sa kapatid ko."

"Then, call her."

"Saglit lang ito, dito ka lang. Ubusin mo na 'yang cake. Sige..." nagpaalam ako saka naglakad papunta sa mesa ng mga kasosyo ni Mamma.

Tahimik at tuwid na nakaupo sa tabi ni Leone si Mori habang masayang nakikipagkuwentuhan ang ina sa mga kakilala. Malungkot ang matang pinapanuod niya mula roon ang mga batang nagtatawanan. At kahit gusto niyang makisama, hindi niya magawa dahil nakabakod ang ina. Kanina ko pa siya sinusulyapan kaya nasaksihan ko rin ang pagbabanta sa mata ni Leone.

Kaya iyon ang layunin ng paglapit ko sa mesa nila. Ang kunin at igala ang kapatid kong kinokontrol niya. Kaarawan ito at natural lang na magsaya ang bata ngunit iba naman yata ang rason ng pagpunta niya.

Ginamit pang alibi ang anak para makabisita rito. Hanggang saan aabot ang kakapalan ng mukha niya't nagawa pang maimbita sa okasyon. Ang bilis naman nitong nalimot ang kasalanan!

Ibinuka ko ang bibig para tawagin si Mori noong tuluyan akong napamura sa isang batang nakabangga sa akin. Naiiyak itong nakatingala habang hawak ang sorbetes.

"Bad ikaw..." aniyang malapit nang umiyak.

Nanlaki ang mga mata ko't mabilis na lumuhod para lumebel sa mata niya. "Papalitan n-natin..."

"Ayaw ikaw."

Sinubukan kong ngumiti. "Kukuhanan k-kita ng bago."

"Pero, ako g-gusto ito."

Napapikit ako saka hinarap at inakbayan ang bata. "Intsik ka ba?"

"Bad ka!" Sinubukan akong itulak ng bata pero hindi niya iyon nagawa. Sinamaan ko siya ng tingin at nakititig iyon, pinagmamasdan ako.

"Mama mo..." ube macapuno. Nagulat iyong bata!

Bilis at maluha-luha itong tumakbo, dala-dala ang ice cream. Pinanuod ko ang paggalaw ng puwet niya habang papunta sa ina. Bigla niya akong tinuro at kaagad akong tumalikod noong lumingon sa gawi ko ang babae.

Nagsisimulan pa lang ako pero tinakasan agad ako? At nagsumbong pa?

Tumayo ako't namomroblemang sinulyapan ang gown na namantsahan niya. Napangiwi ako sa lagkit. Ako dapat ang may ganang magalit, hindi siya. Kung pumapatol lang ako sa bata, baka nakutusan ko na iyon. Pero dahil hindi, nilisan ko ang hall saka sinundan iyong arrow patungong restroom.

SPOT HIM BEHIND (the Spot Saga: Season 1)Where stories live. Discover now