PROLOGUE

2.6K 124 54
                                    

April 15, 2017

WILL WE ever be satisfied when justice has been served? Ika nga ni Franklin, "Justice will not be served until those who are unaffected are as outraged as those who are."

Nilingon ko ang lalaking naka-maskara. Matipuno ang kaniyang pangangatawan at kagalang-galang ang suot niyang business suit. Hindi ko aakalaing makikilala ko ang lalaking tutulong sa aking paghahanap ng hustisya.

Matapos nila akong ikulong at pahirapan. Matapos nilang ibunyag ang mga bagay na hindi ko dapat malaman. Matapos kong saluhin ang saksak at mabagsakan ng nagbibigatang bakal at semento. Ngayon pa ba ako aatras?

Abot ko na ang inaasam ko. Ako pa lang ang unang taong nakakakita sa totoo niyang pagmumukha, na pilit niyang itinatago dulot ng mapait na nakaraan. Ang peklat sa kaliwa niyang mata ay tila pinagdiskitahan at hiniwa.

Kumumot ang dilim. Isang transaksyon ang magaganap. Lumapit siya. Tatlong hakbang. May kapangyarihan man siya'y hindi ako nasisindak. Nagdulot lang ito ng galit.

Isang galit na mapupunta sa pagkamuhi, na magbubunga sa paghihirap.

"What are you here for? Nothing is to be feared. Now, tell me what is it that you wanted to tell..." bulong niya at tumaas ang mga balahibo ko.

"Ang nakaraan ko."

Nilagay niya ang kamay sa balikat ko at marahan itong hinaplos. "He whom you have deprived of trust must lose it to himself."

"And, it's your turn. How could I spot the man behind it?" tanong ko at binigyan niya ako ng nangungumbinsing tingin.

"Simple. Give me your vow." isang kilabot ang umakyat sa likod ko. "As an exchange, I can make you a sole founder."

Ang pangarap na mamuno at pamunuhan ang mga tao. Napatingin ako sa liwanag na nagmumula sa bumbilya. Isang kirot ang pumiga sa puso ko.

"Let us give a round of applause to our CEO! Four decades and six, he still looks young and fresh." sabi ng emcee.

Puno ng nalamuti ang okasyong ito. Kaarawan ni Tito Stroau, ang ama ng aking nobyo. Sosyal ang lahat ng narito. May gintong chandelier sa centro ng kisame, at karamihan sa suot ng mga bisita ay humihiyaw karangyaan. May lumilibot ding mga waiter para magbigay ng wine sa mga bisita.

Sa bandang kanan ay naroroon ang mga musikero. Todo sa pagwawagayway ng stick ang kanilang maestro para ituro ang musika.

Napabuntung-hininga ako. Nakahilera man ako sa mesa ng mga importanteng bisita, iisa lamang ang nakapanhuli ng interes ko. Ito ay ang balisang mukha ng nobyo ko sa taas. Nanghimutok na naman ang pag-aalala ko.

Katabi niya ang babae niyang kapatid na sige sa pagsasalita. Si Auntie at Uncle naman ay masayang nag-uusap sa likod ng kumikintab na mesa.

Tatayo na sana ako para sakaling tawagin si Duez pero nauna siya, dali-daling bumaba ng stage. Nasa pagitan ng tainga at balikat niya ang cellphone at mukhang natataranta.

Agad akong tumayo saka nilagok ang wine sa harap ko. "Ma, aalis muna ako."

Nagtaka si Mamma. "Any problem? Where will you go?"

"Nothing. Susundan ko lang si Duez," sagot ko rin sa tanong niya at yumuko para siya'y yakapin. "I love you, Ma."

Napaawang ang labi niya't tinapik ako sa pisngi. "Sudden sweetness, my dear."

SPOT HIM BEHIND (the Spot Saga: Season 1)Où les histoires vivent. Découvrez maintenant