SPOT 27: ROSE

778 28 5
                                    

MACTHARA.

KINABUKASAN.

Hindi ko inaasahang mas may ilalala pa pala ang araw ko ngayon kaysa kahapon at noong isang araw. Hindi dahil sa maraming bayarin ulit kundi dahil sa mumunting sticky note na nakadikit sa mismong desk ko.

Pangkaraniwan lang naman ang buhay ko rito sa Earl the Regal University. Isa pa, pumapasok ako nang maaga. Umuuwi rin ako sa tamang oras. Aaminin kong minsan ay nagagabihan ako sa trabaho ngunit para iyon sa kinabukasan at sarili ko.

Parati akong nagbabasa ng mga librong mas advance pa sa mga topic ng isang grade twelve student. Kasalukuyan ko ngang pinag-aaralan ang etika sa iba't ibang larangan ng pag-aaral. Kapag naman may takdang-aralin ay naipapasa ko ito bago dumating ang due date.

Suki na rin ako ng LLC. Ang tanging kaibigan ko rito sa unibersidad ay si Allende. Hindi ako madaldal at sumasagot lang ako kapag kinakailangan. Aktibo rin ako sa mga sports activity. Taas rin ako nang taas ng kamay sa klase. Sa katunayan, kalipikado ako sa pagiging Valedictorian ng buong baitang.

Saan ako nagkamali?

Hindi naman ako maharot. Hindi naman ako papansin. Wala akong tinatapakang tao at mas lalong walang puwedeng yumurak sa aking pagkatao. Wala akong Facebook at ibang social media app. Contacts lang at numero ng mga kakilala ko ang nasa selpon ko. At lalong wala akong ka-text, ka-chat, o kung ano man ang tawag nila riyan.

Saan nga ba ako nagkamali? Saan sa mga kilos ko ang maaaring nagpahumaling sa taong ito?

Tumingala ako mula sa pagkakapako ng tingin sa mesa saka ko sinuri muna ang paligid kung may tao bang nakatago rito at hinihintay akong basahin ito o kung may estudyante bang kalalabas lang ng pinto. Ngunit nabigo ako, wala pang tao roon maliban sa aking maagang pumasok.

Holyshit. Sinong malandi ba ang nagbigay nito at may nais na guluhin ang buhay ko?

Noong wala akong makitang ni anino ay dinekwat ko ang sticky note na muntik ko nang mapunit. Medyo marami-rami ang nakasulat rito kaya ibinaba ko muna ang bag ko sa upuan para mabasa itong nang mabuti.

"With the moon at night; No clouds to shield the sky that the stars wield their lights. Without the morning dew, my intentions for you are like crystals polished. Definite and clear." 

Kumunot ang noo ko saka nagtaka sa sulat na ito. Napaka-mais man sa pandinig ay sinuri ko muna ang mga pang-uring ginamit niya. Pikit at ngiwi agad kapag pumapag-ibig ang isang tao ngunit mangmang sa simpleng gramatika. Sa katunayan, kinusot ko ang papel saka ito ibinulsa. Alam ko kasi sa sarili kong hindi para sa akin ang sulat. 

Baka naligaw lang ito ng landas at napagkamalang ako ang hinahanap niya. Kung sinusubakan nila akong prankahin, hindi ito umubra sa akin. Ito pa ang isa, ang panget ng pagsulat niya. Inaamin kong medyo hindi kagandahan ang akin ngunit iyong sa kaniya ay pilit. 

Kunwari ay kinaykay ito ng manok pero ang totoo'y iniiwasan niyang malaman ko ang tunay niyang pagkatao. Kung ganiyan na lang palagi'y ayaw ko ng mga mapagpanggap na tao. Huwag siyang torpe, maging diretso siya. Sumayaw siya ng strip dance sa harap ko at sabihing gusto niya ako. Dahil kung hindi, pasensya na lang sa lahat.

Unti-unti nang dinadagsa ang silid-aralan namin kung kaya't noong sumapit ang alas-otso ay nagsimula na ang flag ceremony. May ilang minutong ehersisyo sa gym pagkatapos ng pambansang awit at dumiretso na kami ulit sa kuwarto. Medyo walang mga anunsyo, pagsusulit, at takdang-aralin sa araw na ito kaya, sa wakas, tumunog na rin ang dismissal bell. 

"Alright, make sure to review for the up-coming exams. Ayaw ko ng bagsak sa asignatura ko!" lumuluwa ang matang banta ni Madame Clinta na siyang titser namin sa Kasaysayan. Isinukbit na niya ang Louis Vuitton leather bag sa braso niyang animong isang modelo ng popular na brand. Imbes na tawagin siya guro ay naging FLEXER siya sa aking paningin. "Kapag may kalawit ang grado sa eksam, nasisiguro kong magkikita tayong muli sa susunod na taon. You will not graduate!"

SPOT HIM BEHIND (the Spot Saga: Season 1)Where stories live. Discover now