SPOT 22: THIRD DEAL

818 28 7
                                    

Kindly suggest an anime movie here...

MACTHARA.

TINAWAG kaming dalawa ni Gole ng referee sa center spot. Iyon ang puwesto kung saan magsisimula ang laro. Sa buong field, para itong isang maliit na tuldok. Ito 'yong pinaka-sentrong bilog na makikita ng mga tao sa mataasang lugar. Ngunit bago iyon ay naglabas muna siya ng barya. Dito kasi nakasalalay kung saan mapupunta ang bola.

Hindi ako masyadong naglalaro ng soccer at kadalasan ko lang itong napapanood sa telebisyon. Minsan ay nakikihiyaw na lang ako kapag nakaka-iskor ang kalaban pero dumating rin ang panahon na makapaglalaro ako nito noong nakatungtong ako sa high school.

Ito rin kasi ang isports ni Malvon kung kaya palagi niya akong tinatawag para subukang nakawin ang bola mula sa kaniya. Natuto rin naman ako ngunit hindi gaano ka-eskperto rito. Mas gusto ko ang larong Softball sapagkat magandang mamokpok ng tao gamit ang bat. Pero biro lang, siyempre.

Sisipain lang naman ang bola rito papunta sa goal ngunit hindi ganoon kadali iyon kapag maraming alituntunin at kalabang humaharang sa iyong daan. Kung puwede lang talaga ang pisikalan ay tiyak tumba ang lahat ng kakampi ni Gole. Kung puwede lang talaga ang kamay, binato ko na ito sa net.

"Tibay ah..." namamanghang komento ko sa referee na ini-hire ng gago para lang matuloy ang larong ito. "Ganoon na ba 'ko ka-espesyal at gumastos ka pa para mapapayag ako? Hanep ka talaga, 'tol. Kulang na lang ay mahulog na 'ko sa mga bitag mo. Tsk, tsk."

Napahalakhak si Gole roon at palihim ring napangisi ang referee sa tabi namin, na para bang naiintindihan niya ang sarkasmong ginamit ko.

"Ano ka ba naman, Mactha ko..." nakapamewang na tugon niyang nais baguhin ang sinabi ko. "Hindi ito isang bitag, 'no. Paraan ko ito para malaman ang kakayanan ng magiging girlfriend ko. Titingnan ko kung mas magaling siya kaysa akin para sa tuwing mag-aaway kami ay alam ko na ang gagawin ko."

"Osige nga. Ano?" hamon kong hindi nasisiyahan.

"Itatago ko na ang bola. Baka sipain mo 'ko eh. Hahahahahaha!" inirapan ko ang pamumulang pagtawa niya sapagkat umiiral na naman ang pagka-assumero niya.

"At bakit ko naman isisipa sa 'yo ha?" naiiritang tanong ko at siya ay napanguso roon. Iyong ngusong parang aso.

"Hmm... kasi ikaw ang future girlfriend ko?"

Napangisi ako. "Hindi ka sigurado, 'no? Ba't may halo pang tanong?"

"Sa susunod ko na kasi tutuldukan 'yan, Mactha ko, kapag tayo na." ngumiti siya nang pagkalawak-lawak at naki-singit rin iyong referee na mas daig pa ang magjowang kinikilig. Bahagyang naglaho ang mga ngisi sa labi ko at gusto kong resbakan ang sinabi niyang iyon ngunit natameme talaga ako. Natameme.

Buninashet... nadale ako niyon ah.

"Nice, serr..." ani Manong na mas ikinainis ko. Hindi naman kami magkakilala ng taong ito pero akala mo kung sinong gatungan ang pang-aasar sa akin ng gagong Gole. Nais ko ngang kalmutin iyong ngiti sa mga labi nila sapagkat nawawala ang ka-astigan ko.

"H-Hindi mo pa ba paliliparin 'yan?" bigla ay nauutal na tanong ko sa referee, tinutukoy iyong baryang atat na sa susunod na mangyayari, at para mabago ko ang paksa. Ayaw ko yatang pagtawanan ako ng mga loko-lokong ito. Tsk. "Paliparin mo na 'yang piso. Baka gusto mong palapagin ko 'yan ng isang milyon."

"He he he... Pasensya na, ma'am. Sige ba, magsimula na nga tayo." nahihiyang nag-iwas siya ng tingin mula sa akin saka ini-handa ang barya sa pagitan ng daliri. Tinanong niya kung, "Lupa o krus."

SPOT HIM BEHIND (the Spot Saga: Season 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon