SPOT 2: KNOWN

1.1K 92 11
                                    

MACTHARA.

UMUPO ako sa tapat ng malaking bintana saka inilabas ang mala-tabloid na blueprint ng isang building na kahapon pa namin pinag-aaralan ni Allende.

Pinagmasdan ko ang mga pulang linya sa blueprint saka ko binilugan ang isang kwarto na sa tingin ko ay mali.

Nilingon ko ang kulay berde na damo at sinilip kung may try-out na sa larong Softball pero mukhang wala pa.

Bumalik ako sa paglilinya ng blueprint hanggang sa wala na akong makitang pagkakamali. Inilabas ko ang seal mula sa bag ko para tatakan ito ng J. O. na ibinigay lamang sa akin.

"Natapos ka rin sa wakas." Wika ko na humugot ng malalim na hininga.

Eksaktong alas-dose nang dumating si Yendi na puno ng pawis at nangangamoy galit.

"Masaya ka na? Alam mo bang hindi ka marunong tumupad sa usapan," bungad niya. "Ilang minuto akong naghintay sa kantina pero wala ka ro'n. Sinabi ko na nga ba at nandito ka... Alam mo ba ang sinapit ko sa kamay ng impokritang 'yon, iyong si Cersylla? Binasa niya ako."

Nakakagulat ang boses niya dahil may pagka-lalake ang lalim nito. Isabay mo pa ang mahinahon niyang pagsasalita. Nagtagpo ang kilay niya at kung makatayo siya ay parang kawayan sa payat.

"Teka lang, ha," hinahon ko sa kanya. "Sinasabi mo bang isa ako sa may kasalanan na basa ka ngayon? Yendi naman!"

Hindi pala pawis, tubig pala.

Mabuti na lang at malayo ang lamesa ni Ms. Antaradar kundi mapapalabas kaming dalawa dito at mapipilitang maghanap ng bagong tambayan dahil hindi na kami puwedeng makita pa ng guro.

Pinunasan ni Allende ang sarili niya gamit ang kamay. "Hindi naman sa ganon, Macky. Nadismaya lang ako kasi hindi ko nabawian ang babaeng 'yon. Kung wala lang ang mga alipores niya...tiyak!"

"Sira ka, no?"

Napakunot-noo siya. "Hindi. Bakit ba?"

"Hindi mo ako tinawagan kaya ka naging baliw," tusok ko sa noo niya. "Ano bang nangyari? Paanong hindi mo naiwasang mabasa, ha? Puwede ka naming umilag."

"Wala ka bang pasensya sa akin at hindi mo man lang natanong kung ayos lang ba ako?"

"Basa ka lang, hindi ka pa patay."

Kinuha ko ang panyo sa bag ko saka itinapon sa kanya.

"Oh, salo! Magpunas ka bago mo mabasa ang blueprint na tinapos ko."

"Salamat, ha... Iba ka talaga, Macky. Buwiset." Nagdadabog niyang tinanggap ang panyo saka pinunasan ang sarili at umupo sa kabilang upuan. "Makita ko lang sa susunod ang babaeng 'yon, hindi lang buhok niya ang gugupitin ko pati sinulid ng buhay niya."

"Hahaha! Siguraduhin mo lang na magugupit mo, ha," paalala ko saka itinulak ang blueprint para makita niya. "Hayaan mong apiin ka nila. Oh, kabisaduhin mo."

"Ano 'yan? Oh sige, ako'ng bahala dito."

"Hmm. Dapat lang," pamuli ko at inagaw ang kopya sa kanya para itago ito sa bag ko. "Tumayo ka na diyan, may pupuntahan tayo."

"Ano? Saan na naman? Masdan mo ang itsura ko, ang dungis ko pa. Sira!" Turo niya sa katawan niya nang tumayo. "Kung hindi ko lang inisip ang mga bilin mo, nasapak ko na ang bobitang 'yon. Ang tagal kong nagtimpi sa paliligo niya sa akin sa harap ng maraming tao. Mabuti na lang at dumating iyong Head Patron."

SPOT HIM BEHIND (the Spot Saga: Season 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon