SPOT 17: THAT ARENA

874 34 21
                                    

Mention your Wattpad friend...

MACTHARA.

LUMIPAS ang apat na araw at nakapag-ipon na rin ako ng pambayad sa miscellaneous ko. Mukha yatang tuloy-tuloy ang suwerte ko sa mga customer ng GC at may tatlong mayayaman na lalaki ang bumili sa akin ng kotse.

Hulog yata iyong mga tsong ng langit.

Sa susunod na dalawang linggo na ang pagkakaroon ng pinal na eksaminasyon at marami pa sa mga topic ang hindi pa natatalakay. Nais ko ngang kotongan ang mga guro ko para magsimula na sila sa mga diskusyon.

Pero kahit ganoon ay minamabuti kong nakapagbabasa ako kaagad para maging handa sa tuwing tatanungin ako ng isang terror na guro. Hindi naman mukhang aswang iyang si Madame Clinta kaya walang problema sa asignatura niya. Renaissance lang naman ang katapat niyon pero itong isang guro ay pang-etiko.

Iyong si Barbadan.

Palagi kong kaaway iyon sa klase lalo na kapag nakikipagdebate pa. Mas may laman pa nga ang mga sinasabi ko kaysa kanya. Tanungin ba naman ako patungkol sa importansya ng buhay, ang ika ko ay ako. Tsk, ang bagal pagproseso ng utak niya.

Katatapos lang ng ika-anim na asignatura namin at lunchbreak na kaya naka-linya kaming pumunta sa Canteen Three. Ganito kami kapag maglalakad roon sapagkat pababalikin kami sa kuwarto kapag putol-putol ang linya.

Ang arte ng ERU.

Saktong may dumaan na isang estudyante na nagkabit ng isang karatola sa pader. Unang nahuli ng paningin ko ang bola ng Softball kaya umalis muna ako sa linya at hinayaang mauna ang babae sa likuran ko.

"Hey, Macthanga, where are you going? Aren't you aware about line rules?" boses iyon ng pabibong si Nefeah na may oras pang tumigil para lang magpapansin sa akin.

"Macthanga?" napangiwi na lang ako sa kung anu-anong pumapasok sa utak niya.

"Yeah, Macthanga ka!" sigaw niya at napabulong ako.

"Oo at buninashet ka." saka ko siya minura. Nainis pa siya pero hindi pa rin umaalis. "Oh, ano pang kailangan mo?"

Para namang hindi matalino ang isang ito at nagawa pang matakot sa kakayanan ko. Isa ba akong banta sa grado niya kaya ganoon na lang ang pagbabantay niya sa akin?

"You're not allowed to break your line, remember?" paalala niya at walang gana akong nakapamewang.

"Salamat sa pag-aalala mo. Tumagos 'yon sa puwetan ko." biro ko ngunit hindi siya natuwa.

"EW."

"Odi, parehas pala tayo." nanunuyang usal ko saka itnuro ang mga kaklase namin sa malayo. "Masdan mo, isang tanga. Iniwan ka na ng linya."

"Oh, shit."

"Odiba, ang tanga-tanga? Talagang shit."

"W-whatever, bye." pahuli ng pabibo pagkatapos akong pang-ikutan ng mata.

Pakain kita ng karayom, gusto mo?

Tumalikod na nga lang ako para humarap sa pader. Siyempre, hinablot ko iyong karatolang nakapaskil dun na natanggal pa iyong pandikit nito.

Ayos, jackpot.

Binasa ko iyong naka-imprinta roon at buo na ang desisyon ko para sa paglalaro ng isports na ito.

============

! ! ! Earl the Regal ! ! !
S O F T B A L L T E A M
! ! ! T R Y O U T S ! ! !

SPOT HIM BEHIND (the Spot Saga: Season 1)Where stories live. Discover now