SPOT 7: THE MAN

899 80 7
                                    

MACTHARA.

Bahay ni Yendi.

KATATAPOS ko lamang maghilamos at handa na akong humilatag sa kama. Suot ko na ang paborito kong pyjama na may mukha ni Naruto at ramdam ko ang lambot nito na dumadampi sa binti.

Subalit kahit pa na komportable ang pakiramdam ko sa aking suot ay hindi ko nagawang ipikit ang mga mata ko. Wala naman na akong nakalimutang gawin ngayon.

Tapos na rin ako magsipilyo at naihanda ko na ang uniporme ko para bukas. Nakapagbuklat na rin ako ng aking mga libro at naaral ko na ang bawat paksa run. Pakiramdam ko tuloy ay naiinitan ako sa kwarto ko kahit pa na nakabukas ang aircon.

Binuksan ko ang pinto ng balkonahe at dinala ang tasa ng gatas na nakatayo lang sa tabing mesa. Sinandalan ko ang baranda saka tumingala sa madilim na kalangitan.

Malamig ang simoy ng hangin at nangangamoy ang lupa sa hardin. Natanaw ko pa ang repleksyon ng buwan sa putik na dinaluyan ng tubig ulan. Sa ilalim ng mga ningning ng bituin ay ang pagkalas ng mga dahon sa kanilang tangkay.

Kaagyat na napaisip ako sa mga binanggit ni Yendi. Ang mga babayarin ko at ang ambag ko sa bahay na ito na pinilit ko talaga kahit pa nag-alok siyang manirahan ako nang libre.

Sumagi rin sa akin ang itsura ni Mori at ang pagkakatuklas ni Malvon na nagkikita kami. Napailing na lang ako sa mga bagay na pilit kong iniiwasan habang makapitong tinatanong ang mga bituin sa mga solusyon para dito.

Ngunit kahit anong titig ko sa mga ito ay tanging kindat ang sinusukli nila sa akin kaya para saan pa ang pagmumukmok na ganito.

Dun ko na lamang namalayan na tumulo ang natatanging luha mula sa mata ko. At sa oras na iyon ay wala sa kahit saan na sumulpot ang mukha ni De Troy sa utak ko.

Kung magpapaapekto ako sa mga ganitong bagay ay tiyak dehado na naman ako at wala sa bokabularyo ko ang salitang 'pagkabigo'.

Nilagok ko ang gatas sa tasa saka tinulak ang pinto sa kwarto. Lumikmo ako sa harap ng kompyuter at naghanap ng mga puwedeng pagtrabahuan dito sa siyudad.

Pagkapindot ko ay maraming lumitaw at nakapaskil sa bawat alok. Sa pagkakakuwenta ko ay hindi pa rin sakto ang bayarin.

Sa totoo niyan ay isang akong iskolar ng ERU ngunit hindi pa rin sapat ang bayad ko sa miscellaneous. Isa lang ang naiisip ko kundi ay paghanap ng dalawang trabaho.

Hindi ko na iniisip ang pagod sapagkat mas malaki ang sisingilin ng pamilya ko sa oras na humingi ako ng tulong sa kanila.

Lumipas ang ilang oras ng paglilista ko hanggang sa mahulog ang panulat sa kamay ko at maramdaman ang gumegewang kong siko.

ALLENDE.

/ah-YEN-di/

Lumipas ang gabi at malamang umuga na. Oras na para sabay kaming pumasok ni Macky sa ERU ngunit nang hanapin ko siya roon at nanguna sa garahe ay tanging ang dilaw na kotse ko ang nakaparada.

"Ma'am, umalis na nga pala si Miss Mactha. Tulog pa raw kayo kaya hindi na niya kayo nahintay." bumaling ako sa guwardiyang nasa tapat ng gate.

Wala nga ang kulay pulang motor na may nakasisilaw na tanke noong sinilip ko ito.

Isa lang ang ibig sabihin niyan, iniwan na naman niya ako at hindi man lang nagpaalam ang babeng iyon. Kung sinabihan na lang niya ako na hindi siya makapaghihintay, hindi na sana ako nagmadaling maligo.

~WENGK~WENGK~

Tinanguan ko ang manong guwardiya at pinatunog ang kotse. "Sige, Kuya Dolfo, pakibukas na lang at aalis na rin ako."

SPOT HIM BEHIND (the Spot Saga: Season 1)Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt