SPOT 28: INK OF LUCK

756 25 6
                                    

GOLE.

KINABUKASAN.

Hindi pa ako nakapag-aaral at nakapagbabasa ng mga aralin ko. Wala nang mapiga sa utak ko at tuyong-tuyo na ito. Bukas na ang Final Exam at nalulungkot pa rin ako. Pinapatay ako sa sakit! Makalipas kasi ng ilang araw ay hindi pa rin ako pinapansin ni Macthara. Hindi ako iiyak! Iniiwasan niya yata ako nang dahil sa mga ipinagtapat ko. Kasalanan niya, hindi siya maniwala!

Bahala ka, Dong!

Durog na naman ang aking puso. Hindi ako makakain. Hindi ako makatulog. Nalulutang ako baka dahil maling-mali ang ginawa ko. Dapat pala ay pinigilan ko na aking nararamdaman para sa kaniya, ngunit heto ako't marupok na naman. Ang dali-dali kong bumigay pagdating sa babaeng iyon.

Ayaw niya ba talaga sa akin? Hindi ba niya ako naalala?

Mas lalong pinipiga ang puso ko dahil wala man lang siyang ideya sa nakaraan namin. Parang nagka-amnesia siya at ako ang hindi niya matandaan. Kahit pa na itutok ko ang mukha ko sa kaniya at ipalobo ito para magmukhang mataba ay wala pa rin itong saysay. Burado na talaga ako sa buhay niya o sadyang wala siyang kainte-interes sa akin.

Ngunit, sa bagay, ilang taon siyang namalagi sa Italya at baka nga hindi niya ako mamukhaan. Dumadalaw naman ako sa bahay nila pero kapag nandoon naman ako'y wala siya roon. Kung madatnan ko man siyang umuwi sa kanilang mansyon ay pawis na pawis ito at hindi mamansin. Lagi na lang parang galit ang itsura niya. Pasalamat nga siya't malapit lang din sa mansyon nila ang pamamahay namin dahil kung hindi'y mauubusan ako ng gasolina.

Pero hindi ko pa rin siya matiis, Dong!

Balik sa nangyari noong mga nakaraang araw ay binalewala ko na lang ang nararamdaman kong kalungkutan. Habang nakapamulsang naglalakad sa hallway ay hindi ko maiwasang mangiti. Kinikiliti ang puso ko at nanginig pa ang buo kong katawan habang nakatungo sa kulay purple na pahabang box na hawak ko.

Nakarating ako sa Building Two at katutunog lang ng elevator. Aba siyempre sa paglabas ko'y isa-isang tumunghaw ang mga babae. Parang domino ang naging epekto nito dahil isa-isa silang nangiti sa pagdaan ko. Ngunit hindi iyan ang makapagpapasaya sa akin ngayon. Medyo kinakabahan ako sa magiging reaksyon ni Macthara kapag naibigay ko na itong regalong nais kong ibigay noon pa man.

Kung hindi niya ito tatanggapin ay ikamamatay ko ito!

Sana'y magustuhan niya ito dahil matagal kong pinag-isipang ibigay ito. May parte kasi sa akin na gusto rin ang bagay na ibibigay ko, e kaso mas kakailanganin niya ito para bukas. Natitiyak kong susuwertihin siya kapag ginamit niya ito. Baka nga kusa itong gumalaw at isulat ang mga tamang sagot sa test paper niya.

Nasasabik na ako, Mactha ko!

Nakagat ko tuloy ang ibaba kong labi sa sobrang kilig. Malarawan ko lang ang ngiti niya sa isip ko'y nahihimatay na ako, paano pa kaya kung sa aktwal na harap ko na siya ngumingiti at tumatawa? Akala niya ba'y nagbibiro ako, mukha ba akong manggagantso. Mas klaro pa sa crystal itong nararamdaman ko. Hindi niya lang alam pero lagi ko siyang sinusubaybayan magmula bata pa kami. Epal lang talaga iyong kalaro niyang naka-salamin na sunod-sunod sa kaniya. Hindi tuloy ako makaporma!

Saan na kaya 'yong lalaking iyon?

Ang payatot at kulang na lang ay ilipad na ng hangin. Wala iyang panama sa taba ko. Matangkad siya pero nagmumukha namang kawayan. Aaligid-alagid pa kay Macthara iyon. Minsan nga ay nakikita ko silang nag-uunahan sa isang linyang ginuhit nila. Ang lakas ng loob ng lalaki para makipagtagisan kay Mactha ko!

Napapansin ko minsan na kunwari ay hihingalin itong lalaki para mabigyan siya ng tubig ni Macthara. Pero asa siya, hindi madaling maawa ang babaeng kalaro niya. Iyon ang pagkakakilala ko sa kaniya noon at hanggang ngayon. Ngunit ang sarap ding batukan nitong si Macthara dahil nagawa pa niyang magpakumbaba sa lalaking iyon.

SPOT HIM BEHIND (the Spot Saga: Season 1)Where stories live. Discover now