SPOT 41: ANSWER

476 25 4
                                    

MACTHARA.

ISANG NANUNUPOK na apoy ang tingin ni Leone sa akin noong pigilan ko siya sa pag-inom. Pero wala na akong panahon pa para makipagbangayan sa taong muntik nang makita si Kamatayan.

Halos mabasag ang wine glass sa higpit ng pagkakahawak namin. Ngunit mas maiipit kami sa situwasyon kung nagpatuloy ang mag-ama sa kanilang binabalak.

Masakit sa loob ko ang titigan siya, lalo na't hawak ng kinilala kong ina ang aking pagkatao at ng aking pinagmulan. Kung mamamatay siya ngayon, hindi ko na makikilala ang totoong ako. Magiging isa akong palaboy na hindi kailanman nakilala ang totoo niyang mga magulang.

Kinamumuhian ko man siya. Si Leone pa rin ang ina ng mga kapatid ko. At bilang ang kanilang Ate, responsabilidad ko ang protektahan sila. Ang ilayo sila sa kapahamakang binuo ng nagsilang sa kanila.

Para sa dalawa, handa akong itaya ang buhay ko. Huwag lang ang kalungkutan nila ang kapalit. Huwag lang silang lumaking may itinatanim na galit.

Pinagmasdan ko ang kasulok-sulukan ng mata ni Leone hangga't sa sumalamin sa aking harapan ang nakaraan.

Sa isang kurap, nanumbalik ako sa gabi ng kaguluhan. Napako ang mga paa ko sa entamblado habang pinapanuod ang mga taong nagkakandarapa sa takot at pag-aalala.

"Call an ambulance! Now!" iyon ang paulit-ulit na sigaw ng mga tao.

Tumutok ang spotlight sa katawan ni Ninong Eligio na binubuhat ng ilang kalalakihang naka-uniporme. Nasaksihan ko ang paghulog ng kanyang kamay at pagbagsak ng ulo. Umaagos ang dugo sa bibig nito at napahawak ako sa dibdib nang makita iyon.

Hindi lang basta insidente iyon. Nasisiguro kong hindi aksidente ang nangyari sa matanda. Naging alerto ako't iginala ang paningin sa paligid. Tiyak hindi pa nakakalayo ang salarin. Isa lang ang naiisip kong makakagawa niyon.

Mula sa entamblado, sinipat ko ang bawat isa sa mga serbedor na naroroon. Maging sila'y gulat sa kaganapan. Puwera sa isang lalaki mula sa masukal na daan. Mabilis iyong naglalakad habang lumilingon sa likod. Tila may naghahabol sa kanya pero nang tingnan ko'y wala naman.

May isang ibig sabihin lang iyon at ako ang unang makakaalam.

Dali-dali akong bumaba ng entamblado habang ang mata'y nakabantay sa makipot na daang tinahak ng salaranin. Ngunit isang kamay ang humila sa braso ko't napatingala ako sa kung sino iyon.

"Fermare, sorella," nag-aalalang pigil ni Malvon. Mas humigpit ang hawak niya. "Don't get yourself involved."

"I have to check on something-"

Umangat ang kanyang panga. "You don't have to. Sila na ang bahala sa mga bisita. Come with me."

Hindi nakuha ni Malvon ang nais kong ipahiwatig at mas lalong sumakit ang ulo ko. Iginiya niya ako sa kung saan pero nagpumiglas ako.

"Bitaw, Malvon." Sinusubukan kong bawiin ang aking braso mula sa kanyang gapos. "This is urgent. I need to make sure."

"No. Get inside." Utos niyang nakalimutan kung sinong mas matanda. "For once, don't be too stubborn."

"I'm not playing any games here nor striking any poses!" sigaw ko at itinulak ang dibdib niya. "I'm doing what's utterly right!"

"And who knows what's right in this current situation?" sarkastikong tanong niya. "Everyone happens to be wronged. Each of us here is a culprit."

"I'm no captive, so release me!"

Napapikit siya nang mariin, hindi kinakaya ang asal ko. "No, Ate. Listen to me..."

SPOT HIM BEHIND (the Spot Saga: Season 1)Where stories live. Discover now