SPOT 9: NO JOB

864 68 16
                                    

MACTHARA.

PAGKARAAN ng gabi ay nangako akong magsasabay kami ni Allende ngayong araw. Sinigurado niya talagang hindi ko siya iiwan at ilang beses niya akong pinilit maghapunan kagabi kahit pa nababadtrip ako.

Sa totoo lang, hindi talaga maganda ang pakiramdam ko sa mga inaasal ni Malvon. Para talagang mas paniniwalaan niya ang kanyang ina. Ni wala siyang ideya sa tunay na pag-uugali nito at ako pa ang magmumukhang masama sa pamilya namin.

Mas tatanggapin ko na sana ang pang-iinsulto mula sa aming ama ngunit kung sa nanay lang pa ang pinagmulan niyon ay sumasakit ang ulo ko. Pati ang dibdib ko ay naninikip sa tuwing maaalala ko ang pagbabanta niya sa akin.

Bumalik ako sa realidad noong makababa na si Yendi mula sa kwarto niya. Tapos na kaming mag-umagahan at hinintay ko lang siyang kunin ang susi ng kanyang sasakyan sa taas.

"Oy, tignan mong mabuti..." tawag ko saka tumayo mula sa sofa. "Baka burara ka na naman at may nalimutan ka."

Tinignan niya ako at nanguna sa pinto. "Wala na, nyeta."

"Minumura mo ba ako?"

"H-hindi. Nyeta naman, Macky. Tara na nga!" bulyaw nito saka lumabas.

Sinundan ko siya patungong garahe at bigla naman niyang binato ang helmet ko. "Oh, salo!"

"P-putek!" mura ko sa oras na mahawakan ito. "Pabigla-bigla ka. Umaga pa, Yendi, pinapainit mo ang ulo ko."

"Sumakay ka na lang." aniya at sinenyasan ang guwardiya. "Paki-bukas na 'yong gate, Kuya."

Sinunod ko siya at naglakad ako sa harap ng aking motorsiklo. Pinunasan ko muna ang tangke nito at upuan bago umangkas. Binuksan na rin niya ang kanyang kotse at pinalamig muna ang loob.

"Saglit lang, babalik ako." saad niyang umikot sa bahay.

"Oy, saan ka na naman ba pupunta?" tawag-tanong ko saka nayayamot na tinignan siya. "Kapag ako na-late, totodas ka sa 'kin."

"Nyeta, saglit nga!" tugon nito at tuluyang pumasok sa loob.

Habang wala pa siya ay ibinuwelo ko ang aking motorsiklo. Umugong pa ito na parang tunog sa isang karera. Mabuti na lang at hindi ako naka-pitis kundi jogging pants na kulay ng paaralan ang suot ko sapagkat Minor Class lahat ng klase ngayon.

Hindi nagtagal ay nakabalik si Yendi dala ang isang makapal na folder. "O, ano 'yan?" takhang tanong ko.

"Ipapasa ko kay Doc mamaya, nakalimutan ko eh..." paliwanag nito saka pumasok sa kotse.

"Burara..." sambit ko.

Ibinaba niya ang bintana saka inabot ang nakatiklop na kulay asul na papel. "Tanggapin mo..."

"Ano 'yan?" takhang tanong ko at napagtanto kung ano iyon. "Hindi ko kailangan 'yan."

"Pandagdag lang sa bayarin mo. Sige na, Macky..."

"Bakit ka ba makulit?" naiiritang tanong ko saka pinaandar ang motor. "Hindi ko tatanggapin 'yan. Mauna na 'ko."

Iniwan ko siyang sumisigaw sa likod at hindi naglaon ay sumunod rin siya sa kalsada. Ilang minuto lang ang layo ng eskuwelahan mula rito kaya agad kaming nakarating sa ERU Parking Lot.

Dating gawi ang nangyari at nakasilong muli ang aking motor sa tabi ng kotse ni Yendi. Hindi ko siya sinabayan sa paglakad at pumasok sa ENTRANCE ng ERU.

SPOT HIM BEHIND (the Spot Saga: Season 1)Where stories live. Discover now