SPOT 50: CRUISE

156 21 5
                                    

MACTHARA.

INABOT KO ang kamay ni Malvon habang papaakayat kami cruise ship.

"Watch your footsteps..." paalala niya.

Sumasampal sa aking mukha ang buhok ko. Hinawi ko ang takas na hibla sa likod ng tainga ko para makapokus sa hagdan. Ang asul na floral beach dress na suot ko'y nagpapasuntok sa bugso ng hangin. Nagmamadali akong umakyat para makaabot sa kanila sa itaas.

Tirik na tirik ang araw kaya itinalukbong ko ang big brim hat sa 'king ulo. Bukod sa pagsulyap sa dinaraanan, hindi ko maiwsang tingnan ang tanawin. Tumama sa mata ko ang natural na ilaw at napapikit ako. Inilabas ko ang black shades mula sa 'king rattan purse saka dahan-dahang isinuot 'yon.

"Pappa's business is booming," nai-komento ko nang matanaw ang mahabang linya ng mga tao sa main entrance.

"That's not all," tugon ni Malvon habang sinisilip ako sa ibaba. "They limited the number of passengers."

Limitado. Kasalanan ng valedictorian kung bakit nagkaganoon. Sa laki ng transportasyon, halos maduling ako sa laki ng letrang nakapinta sa pader ng barko. Sa pula at asul, nakapalatanda ang ngalan ng cruise ship.

El Mar Drift. Ang 'el mar' sa Espanyol ay 'the sea'. The Sea Drift. Ipinangalan ni Pappa ang barko sa kanila ni Mamma. Tugma ang kahulugan nito sa kanilang negosyo.

Nang makarating sa tanggapan ng cruise ship, nasa tabi ng front desk sina Mamma at Pappa, tila may kinakausap. Base sa suot ng lalaking nakaputing uniporme at may hawak na sailor cap, isang kapitan ang kinakamayan nila. Itinaas ko ang shades sa ulo ko dahil hindi na maaraw.

"I can't wait to explore the ship!" maligayang bungad Mori nang mauna sa nag-aalaga sa kanya. Nakasunod sa likod nito parati ang yaya kaya hinarap niya 'yon. "Yaya Agnes, please enjoy your vacay while I stroll around. This is your day-off. Enough with the babysitting, okay?"

"Don't listen to her, Manang. Just walk behind her." Si Malvon na sumingit sa kanilang usapan.

Binitawan niya ang kamay ko. "I'll leave you here, sorella..."

"It's okay. Go ahead."

Umalis si Malvon sa tabi ko saka nakihalubilo sa matatandang nag-uusap sa tanggapan. Pinanuod ko sila at nakitang inakbayan ni Leone ang anak. Mukhang ipinapakilala siya sa may-edad na kapitan. Hindi ko makita ang reaksyon ni Malvon dahil nakatalikod siya.

Ang nasubaybayan ko lang ay nagkamayan sila. Sa ngiti ng kapitan, tuwang-tuwa siyang nakilala nila ang isa't isa. Ganoon din ang katabi niyang binata. Naka-uniporme ding tulad niya pero iilan lang ang linya sa may balikat.

Habang nagoobserba, lumapag ang tingin ko kay Pappa na sinesenyasan akong lumapit. Sinunod ko ang utos niya at nakisama sa bilog. Hinawakan ni Pappa ang likod ko habang nasa kapitan ang mata.

"Gentlemen, please..." pagkuha niya ng atensyon. "This is our daughter, Macthara Sartre."

Kaunti akong yumuko para magbigay-galang sa kapitan ng barko. Bumilog ang bibig niya at nagningning ang mga mata.

"Oh! You're the Sartre valedictorian," puri niya at nagagalak akong makilala. "Ho, ho! The reason of this celebration and the one Markos is talking about. Congratulations, Hija. You did very well!"

Masyado akong nailang sa kung papaano niya ako purihin. Tinitigan ko lang siya hanggang sa madama nila ang pagkadismaya ko. Palihim akong siniko ni Leone kaya pumanaw ang pag-iiinarte ko. Sumulong ako nang bahagya para kamayan ang matanda.

SPOT HIM BEHIND (the Spot Saga: Season 1)Where stories live. Discover now