SPOT 49: M IS BACK

172 20 2
                                    

MACTHARA.

ISANG LINGGO na ang nakalipas simula noong araw ng aming pagtatapos sa high school. Nagwakas ang programa sa huling pagkanta ng ERU Hymn at pagsayaw ng napiling musika para sa graduation.

Nanuod rin si Duez at nagkumustahan ang dalawang pamilya ng Sartre at De Troy. Masaya sina Tito Stroau at mga magulang ko para sa aming dalawa. Maikli lang ang palitan ng mga salita dahil noong gabing 'yon, kumain kami sa isang restawran na ni-reserve ni Pappa para sa aming lima.

Apat na araw nang nakakaraan, nagdiwang ang aming seksyon para sa graduation ball. Nagpaalam ang magkakaibigan sa isa't isa at nagbigayan ng remembrance. Nagpasalamat din kami sa teachers at mga magulang namin saka nagsayaw ng party dance.

Sa huli, nagprisinta ng videos ang klase tungkol sa mga naganap sa buong taon. Hindi mapigil ang tawanan ng mga kaklase ko lalo na sa mga sleepovers na nauwi sa puyatan at inuman na naging sukaan.

Mamimiss naming lahat 'yon. Napagusapan din sa aming mesa kung saan kami mag-aaral sa college. At nang tinanong ako, hindi ko pa sigurado kung saan. Maraming iskolarship ang naghahabol sa akin at pag-iisipan ko pa kung saang unibersidad ako. Pero may plano akong naiisip. Naiiba sa lahat.

Sa mga nakalipas na araw, gumala lang kami ni Allende. Nakipag-inuman at nagparty sa restobar. Si Yendi ang nagyaya pero may napapansin akong kakaiba sa kanya.

Nang tanungin ko ayos lang ba siya pero kung anu-ano ang palusot niya. Kung hindi pa niya gustong pag-usapan, hahayaan ko muna siya. Maghihintay ako kung kailan siya handa. Ngunit naiisip kong isa ring rason siguro ang pag-alis ko.

Dahil dumating na ang araw na kukunin na ako ng mga Sartre. At ito ang araw na 'yon. Kahapon pa ako nakapag-impake pero kaunti lang ang dinala ko. Iiwan ko ang ibang gamit sa bahay ni Yendi para sakaling lumayas uli ako, alam ko kung saan ang titirahan.

"Yendi, buksan mo 'to..." utos ko.

Kanina pa ako katok nang katok sa kuwarto ni Allende pero ayaw pa rin niyang lumabas. Nakabihis na ako at lahat pero 'di pa rin siya tumutugon.

"Yendi, ihahatid mo ba 'ko o hindi?" tanong kong may pagbabanta. "Hoy! Isa..."

Hinihintay na ako ng mga tao ni Leone para bumaba. Sasakyan ni Malvon at tatlong itim na kotse ang nakaparada sa harap ng bahay. Naibaba na ng mga kasambahay ang mga maleta ko. Si Yendi na lang ang hindi nagpaparamdam. Kagabi pa siya ganito.

"Yendi..." tawag ko uli sa loob habang pinipihit ang door handle kahit walang kasiguraduhang mabubuksan 'yon. "Kung ayaw mo 'kong ihatid kahit sa labas man lang, aalis na ako."

Naalala ko ang araw na nagkakilala kami. Dito mismo sa bahay niya. Nagising na lang akong si Yendi na ang nag-aalaga sa akin. Noong iwan ko si Duez sa gubat, inaapoy na ako ng lagnat niyon.

Ang kuwento ni Allende, natagpuan niya ako sa kalye. Hindi na niya sana ako pupulutin kasi mukha raw akong mayaman. Nakakalat ang bag at walang gas ang motor, namumulot ako sa lamig noong gabing 'yon. Pero dahil sa awa, kinupkop niya ako kahit 'di niya kakilala.

"Kung wala kang matutuluyan, dumito ka na lang muna," alok ng isang payat na babaeng may kahabaan ang buhok. Hawak nito ang isang balde ng tubig saka naupo sa tabi ng kama.

Sinubukan kong tumayo pero agad din akong bumagsak sa unan. "K-kailangan ko nang umalis-"

"Hindi ka pa magaling..." nag-aalalang aniya saka inayos ang pagkakahiga ko. "Puwede kang tumira dito pansamantala. Punyeta. Mukhang naglayas ka, eh. Magpahinga ka na. Mataas pa ang lagnat mo..."

SPOT HIM BEHIND (the Spot Saga: Season 1)Where stories live. Discover now