SPOT 14: UPCOMING

866 52 53
                                    

Promote your story here...

MACTHARA.

MAKALIPAS ang dalawang araw ay tuloy-tuloy ang naging trabaho ko sa GC. Tinanong ko na rin kay Gole kung bakit magkaiba sila ng apelyido ni Isela ngunit wala siyang matinong sagot puwera na lang kung dadalo ako sa kaarawan ng kanyang kapatid na babae.

Odi, 'wag.

Nasa harap ang line manager at nasa pinakahuli akong linya ng mga babae sa aming section. Sa tangkad ko ba namang ito, aywan ko na lang kung sa harap pa ako ilalagay.

"Vote for me, okay?" baling ni Nefeah, ang kalaban ko sa unang rank, na nasa harapan ko.

Tinitigan ko lang siya at ganoon rin ang ginawa niyang paghihintay sa sagot ko pero wala siyang napala.

Manigas ka.

"Whatever, Macthara..." irap nito at nakipag-usap na lang sa katapat.

Tumunog kasi iyong school bell at kailangan naming pumunta sa ERU Auditorium para sa iba pang mga anunsyo. Sa tingin ko ay tungkol ito sa nalalapit na eleksyon.

Mukha yatang tatakbo itong si Nefeah kaya ganun na lang ang pagkukumbinsi niya sa akin. Bahala siya diyan, ayaw ko ang pamamalakad niya. Tsk.

Naging tahimik naman ang linya noong papasok kami sa madilim na pasilyo na tila isang daan papuntang cinehan. May guro ring nakatayo sa bawat baitang kaya nasusuway iyong mga nagbubulungan.

Pagkapasok namin sa auditorium ay pina-upo kaming mga graduating student sa pinaka-harap. Napunta naman ako sa ika-limang hagdan ng mga upuan at saktong katapat ko ang gitna ng stage na may podium sa gilid na bahagi nito.

Napuno ng mga estudyanteng nasa kolehiyo ang buong sulok. Ang mga tinawag kasi rito ay ang mga nasa ika-labindalawang baitang kung saan kasama ako at ang mga third-year college student. Posible ito para sa mga matitira rito sa ERU.

Parang isang arena itong auditorium. May mga pulang upuang gawa sa foam. Siyempre, malamig rin sa loob. Mabuti na lang at dito ako nag-aaral. Napakagara at nararapat lang ang antas ko rito. Odiba, pa-bida na naman ako.

"Hey, Sergeant, vote for me!" yuko ni Nefeah sa katabi kong si Sarge.

Pinagitnaan kasi nila akong dalawa at pareho silang nakakarindi sa tainga. Isama mo pa ang ibang estudyanteng nagbubulungan at ang mga technician na sinusubukan kung gagana iyong mikropono.

"Oo naman, Nefie! Iboboto kita, gusto mo i-pamahagi pa kita sa kanila, pero ang aga naman yata ng pangagampanya mo! Hehehe!" tugon ni Sarge at ang lakas ng boses niya ah.

"Of course, bro'! I think Macthara's gonna run, too!"

Nilingon ko nga ang mayabang na ito saka nagkomento, "Pagod ako, mars, ayaw kong tumakbo. Pero... kung ang maglakad, puwede pa."

"Sheesh! I mean is for the elections. Kalaban pa naman kita sa ranking pero your utak is sorta walang skin ah. Ang hirap mong kausap."

"Bakit? Kailan ako naging madali para sa inyo? Tsk." ayun na lamang at umupo na ako.

Mabuti na lang at nakita ko si Allende sa gitnang bahagi ng hagdan at kasama niya iyong mga first-year college students. Mukha pa yatang may kaaway siyang babae. Si Cersylla siguro, iyong impokrita na inaway siya noong isang araw.

Siyempre, mawawala ba sa eksena iyang si Gole na kanina pa sumisilip sa linya namin mula sa itaas. Nakakayamot iyang pagmumukha niya kaya hindi ko na lang pinansin.

SPOT HIM BEHIND (the Spot Saga: Season 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon