SPOT 11: TRIGGER

850 61 25
                                    

MACTHARA.

NGAYON ay araw ng Sabado at sinusubukan ko pa ring makahanap ng putek na trabaho ngunit sa lahat ng pinapasukan ko ay mukhang binayaran ni gagong Gole kaya wala pang tumatanggap sa akin ni isa.

Makakasakal na talaga ako rito!

Kaninang umaga pa naka-alis si Allende sapagkat may aayusin siya sa kanyang kompanya. Malapit na raw maayos ang lamat nito at pinangako niyang siya na ang magbabayad ng miscellaneous ko sa mga natitirang buwan at sa susunod na taon.

Ganoon siya kayaman kaya labis na lang ang pag-alok niya pero labis rin ang pagtanggi ko. Ako na nga itong nakatira sa pamamahay niya, ipapasagot ko pa sa kanya ang pang-edukasyon ko.

Pa-bida ako kaya baka mabawasan ang ka-astigan ko kung pumayag ako sa simpleng kwarta na maaring pag-ipunan. Hindi naman puwede iyon.

Dumaan ang tanghali at alas-kuwatro ang oras ngayon. Naghahanda ako sa iba pang interbyu na dadaluhan ko kaya mabilis akong nagbihis.

Hindi ko inaasahan na sa pagbaba ko ng hagdan ay naka-upo ang isang sopistikadang babae sa sofa. Maarte itong humihigop ng kape at nakikipagtalo ang kulay itim na pinta nitong kuko sa maputing tasa.

Nakadekwatro siya at lumilitaw ang pagka-bata ng kanyang katawan kahit pa na may edad na ito.

Nakita ko pa ang dalawa niyang tauhan na naka-suit sa tapat ng pinto at mula sa labas ng bintana ay mas marami pa siyang guwardiya na nagbabantay sa gate.

Dalawa ang kotseng naroroon at nagtaka naman ako sa kanyang pagbisita. Naka-itim man siyang magarang damit ay kumikinang ito sa karangyaan. Hindi ko maiwasang mainis nang sa lingunin niya ako na may matatalim na mata.

"L-Leone..." hindi ko nais na ma-utal pero kasi bigla siyang tumayo.

"Ciao, Figlia..." bati niya saka nilapitan ako.

Tinitigan ko ang matulis niyang mga mata at hindi nagpa-apekto sa awtoridad na mayroon siya. Kasing-kinang ng mata niya ang tunay na perlas na suot niya.

"Anong ginagawa mo rito?" matigas na tanong ko at bigla naman siyang natawa.

"Oh, how lovely the way you greet me, Macky..." aniya at inilapag ang tasa sa mesa. "How are you, my dear daughter?"

Nais pa niyang hipuin ang buhok ko pero sinagi ko ito. "Ang sabi ko, anong ginagawa mo rito?"

"You, brat!" daing niya at sinamaan ako ng tingin.

"Hindi mo 'ko anak kaya umalis ka na rito." utos kong inialay ang pinto.

Tumawa ulit siya. "Ikaw naman, Macky. Siyempre, anak pa rin kita."

"Bakit ka ba nandito ha?"

"Hindi naman masamang bumisita lalo na't hindi mo pamamahay ito, hindi ba?" nginisian niya ako at sumakit ang aking sintido sa narinig ko.

"Diretsuhin mo na lang ako, Mamma."

"Oddio!" tila namangha siya sa kanyang narinig. "Ngayon mo na ulit akong tinawag nang ganyan simula noong lumayas ka sa mansyon."

"Dalawang minuto." babala ko at mas lalo siyang natawa.

"Hindi mo ba gustong makita ang kapatid mo?" sarkastikong tanong niya.

"Nagpunta na si Malvon rito at bakas ang pang-iipot mo sa ulo niya." ika ko at mas lalong sumama ang kanyang tingin sa akin

Sumenyas siya sa tauhan niya sa pinto. Noong tumango naman iyong may malaking katawan ay biglang bumungad ang mukha ni Mori.

SPOT HIM BEHIND (the Spot Saga: Season 1)Where stories live. Discover now