SPOT 55: PIAZZA

97 12 0
                                    

MACTHARA.

NAPAGKASUNDUAN naming maglibot-libot muna sa school grounds. Kahit alam kong marami akong maaalala sa bawat sulok, pinahintulutan ko pa rin ang sarili kong bisitahin ang mga 'yon.

Kung masama o maganda man ang maidudulot nito, bahala na. Hindi ako sigurado. Ngunit kahit ano man ang maramdaman ko, hindi ako magpapadala. Maaalala ko lang. Hindi na babalikan.

Kumakalatok ang takong ko sa maliliit na bato sa times square ng university. Malapit 'yon sa malawak na hardin. Sa pagtangay ng hangin sa buhok ko at sa maliliit na dahon mula sa puno, tila nilipad na rin ako sa mismong lugar kung saan nabuo ang lahat.

"Isn't it ironic?" saad ko habang nangunguna sa paglalakad.

Nakatitig ako sa paligid. Nalagpasan ko ang ilang light post at metal benches sa gilid ng mas makipot na driveway. Kahit 'di ko tingnan, nasa likod si Duez at nakasunod. Dinig ko ang pagyabag ng kanyang sapatos sa bato.  

"Hmm?" Si Duez. 

"We're back at the place where it all started..." panimula ko saka tumigil sa tapat ng black metal lamp post. 

Isinukbit ko ang dalawa kong kamay sa suot kong brown trench coat. Maingat akong sumandal sa poste, habang ang isang paa ay nakataas. Nilingon ko si Duez. Nag-ooberba ang mga mata niya. Hindi ko maiwasang maging sentimental. Tinumbasan ko ang mga titig niya at nagtagal 'yon bago ko mahanap ang dila ko.

"We became friends exactly on this spot. We fought and reconciled here..." pahayag ko. "This spot... the specific, special spot that witnessed everything about us. It heard all our confessions and whispers of love."

"You're right..." sang-ayon ni Duez at naupo sa metal bench na tabi ng poste. "The whole story is in fragments without this special piece."

Pareho kaming nakatingala sa school cathedral. Nasa itaas na bahagi ang kinaroroonan namin, habang nakatanaw sa ibaba ng green field. Mula sa malayo, makikita ang linya ng mga cherry blossoms sa gilid ng driveway.

Malalaki ang structural buildings ng university. Dirty white na may halong gray. Magkakahiwalay ngunit pare-pareho ng disenyo. Parang nasa sinaunang panahon lang ang tema.

Marami ding nakahilerang metal benches at lamp post dito sa 'ming tinatambayan. Ngunit espesyal ang puwestong ito.

Ito lang ang puwestong may nakatayong fire tree. Kulay kahel na mga dahon, na kung titingnan sa malayo ay tila nasusunog. At ang mismong fire tree ay tinutupok si Duez.

"But do you know what's aching?" bigla ay tiningnan ko siya, habang ang likod ng ulo ay nakasandal sa poste. "We're back here, apologizing to the fire tree..."

"The fire tree..." usal niya sa kawalan.

"Yes... Like our young love..." patuloy ko.  "Burning, wild, free, and flammable. But never thought we were brittle like its branches and bark. We broke ourselves like we broke our promises... to stay together no matter what. We became friends exactly on this spot... then lovers... and back to being friends."

Nakatigilid ang mukha ni Duez, tumutusok ang ilong at hinahangin ang buhok. Malalim ang iniisip ng kanyang mga mata habang ang pokus ay nasa berdeng tanawin. Napaiwas ako ng tingin. Napatungo ako.

Nagpaiwan lang ba ako sa Italy para magbalik-tanaw? Pumunta ba ako rito para masaktan? Pero sinabi kong hindi ako magpapadala sa anumang emosyon. At heto ako ngayon. Nagsisimula ng dahilan para saktan ang sarili ko.

O para saktan siya?

Para isampal sa kanya ang mga nasayang na sandali? Hindi ba't parang marahas 'yon? Hindi ba't binigyan ko na siya ng pagkakataon para maging kaibigan ko ulit?

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Oct 07, 2021 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

SPOT HIM BEHIND (the Spot Saga: Season 1)Where stories live. Discover now