SPOT 18: ERU

865 32 20
                                    

Comment a meme...

DUEZ.

HINDI talaga ito isang espesyal na araw. Walang okasyong magaganap o pagdiriwang na maaari kong daluhan ngunit ang hindi ko lang maintindihan sa sarili ko ay kung bakit mas purmadong-purmado ako ngayon kaysa noong mga nakaraang araw.

Shit. So weird.

Maong lang naman ang isinusuot ko noon ngunit mas masikip naman yata ang napili ko ngayon. Imbes na kulay asul lamang ito ay mas pinili ko ang itim na pantalon. Ang kakaiba pa ay nagawa kong magsuot ng leather jacket, hindi inaalintanta ang mainit na panahon tuwing pagsapit ng Abril.

Dati-dati ay hindi naman gaano karami ang ipinapahid kong gel sa buhok ko ngunit sa pagharap ko sa salamin ay blanko ang mukha kong nakatulala lang rito, iniisip kung ano bang dapat na istilo ang gawin ko. Parang mas daig ko pa ang mga babae pagdating sa pag-aayos.

Now I am panicking!

Habang inililiko-liko ang bitnit ng mga buhok ko ay naalala ko ang aking sarili nitong huling linggo. Lagi na lang akong nakatulala sa harap ng desk ko, binabasa ang bawat letra at iniintindi ang bawat salita sa ipinadalang reviewer ng sekretaryo ni Chief.

Bantay-sarado pa rin iyong kapatid ko at kung makalabas man ay nais pa niyang sumama pero nakukulit ko naman siya minsan kaya pumapayag rin na umalis akong mag-isa. Kung hindi sa mansyon ni Fonso ay sa tahanan nila Lomar ako tumatambay. Kung si Stad ang bantay ko sa estate, ako naman ang bantay sa pag-aaral niya.

He just can't take the exam without knowing a single thing about it.

Hindi pa rin ako nakakaalis sa salamin hanggang sa bumukas ang pinto at wala na akong nagawa kung hindi abutin iyong shades ko. Doon ko na lang namalayan na trente minutos na akong nakakulong sa kwarto noong hindi pa pumasok itong dalawang ito.

"Naku naman, bods! Ang bango-bango natin ah, naligo ka ba sa tubig na puno ng rosas? Kakaiba ang amoy mo ngayon, hindi masyadong mabantot hindi tulad ng dati ah. Hahahahaha!" bunganga na naman iyon ni Lomar na nakadekwatrong nahiga sa kama nang walang paalam. Nakasandal pa ang kanyang ulo sa palad na animong isang model ng mamahaling brand ng boxers. "Eksam lang naman ang pinunta natin doon pero hindi ako na-inform na rarampa pala tayo sa mamanahin kong eskuwelahan. Hahahahaha! Ang garbo-garbo mo naman!"

Nginiwian ko nga siya. "Shut the hell up, my world's turning pitch dark while looking at you."

"Mukha namang timang ito. Tanggalin mo kaya 'yang salamin mo, 'no, para lumiwanag iyang mundo mo." bigla ay singit ni Fonso na dumiretso rin naman sa salamin at pina-usog pa ako. "Tabi ka nga riyan at mag-aayos rin ako. Mamaya mo na 'yan isuot kapag nandoon na tayo. Masyadong out-of-place 'yan ngayon kasi nasa loob ka ng kuwarto."

Sinunod ko na nga lang siya saka tinanggal ang shades ko. Hindi natatapos roon ang ginawa ko sapagkat sininghalan ko rin siya. "Now look who's more idiot--Hey! That's mine!" sigaw ko matapos niyang isuot ang iba ko pang shades saka nagpaguwapo sa harap ng salamin. "Akala ko ba mamaya na natin 'yan isusuot kapag nakatapak na tayo roon? You're so excited!"

Tsk, tsk.

"Hahahahahaha! Kayong dalawa ang sabik na sabik na! Hindi pa kayo umamin, eh halata naman sa mga itsura niyo na hindi niyo hahayaang laitin kayo ng mga ex niyo! Ang gusto niyo ay 'yong magmukha kayong cool na parang walang nangyari. Baka nakalimutan niyo na sa una pa lang ay kayo ang nang-iwan. Naku! Hahahaha!" napakadulas talaga ng dila ni Lomar at sabay nga namin siyang sinamaan ng tingin. Nakapikit pa siyang tumatawa habang hawak ang tiyan ngunit natigilan siya nang dahil roon.

SPOT HIM BEHIND (the Spot Saga: Season 1)Where stories live. Discover now