SPOT 24: YES WAY

781 26 6
                                    

MACTHARA.

SA NARIRINIG kong mga hiyawan ng mga estudyante ay nais kong ulitin ang pangyayari kanina kung saan hindi na lang dapat ako naging atat para hindi ko nasipa nang aksidente ang binti ni Gole. Malay ko ba na susulpot siya bigla. Parang multong hindi nais makikita pero nagpapakita para manggulo.

Pakiramdam ko tuloy ay sinadya niya talagang maki-singit para magkaroon kami ng penalty. Mas nakakatakot pa yata siya kaysa multong inilalarawan ko.

"He's really the King of Goals! I did actually expect that he'll hit the net."

"Isang goal lang ang kailangan para maging draw, pero sa tingin ko'y lalaban pa si Gole. Look, he's so happy while looking at her!"

"I bet he'll finally get the date that he wants, if ever na manalo siya. Waaaaaah!"

Hahayaan ko bang mangyari 'yon? Asa kayong lahat.

Napatalon si Gole at niyakap siya ng mga ka-grupo niya. Naki-sama rin si Sarge at ginulo ang buhok nito. Tila napuno ng ngiti ang paligid ko. At siyempre, hindi ako natutuwa roon sapagkat tapos na ang unang laro. Isang puntos na lamang ay magiging pantay na ang laban ngunit kapag nagpatuloy ako sa pagiging mainitin ang ulo, tiyak wala na. Wala na talaga.

Tapos na't magdidiwang ang gago. Tsk.

Bigla namang nahagip ng mata ko ang mata ni Gole. Magkaibang-kaiba ang reaksyon naming dalawa sapagkat mukhang dragon na tiningnan siya ng mga mata ko. Habang siya'y nag-aanyong maamong pusang napakain na ng kaniyang amo.

Inirapan ko siya at tinalikuran para magpahinga nang kaunti sa bench. Medyo sumasama ang kalamnan ko at kailangan ko ng nakakaginhawang panenermon ni Yendi. Ngunit imbes na siya ang sumalubong sa akin ay sumulpot sa harap ko ang impokrita.
.
Malapit nang maabot ng kilay niya ang langit sa pambabadtrip sa akin. Ngunit wala sa tamang katinuang tinitigan ko lang ang pumuputok niyang mukha. Oo, alam ko. Kilala siya sa unibersidad na ito pero hindi para sa akin. Kung reyna siya sa paningin nila, isa lang siyang oripun sa mga mata ko. At hindi mababago iyon.

"I guess you'll lose the next round, Mactha. Hell, yeah!" sinubukan niya akong asarin pero hindi ito naging sapat para sindakin ako.

I guess I'll beat your ass the next round. Hell yeah, hypocrite!

Nilagpasan ko nga siya saka binangga ang mapayat na balikat niya. Kung puwede lang sana, binali ko na ito sa harap ng maraming estudyante.

Sinalubong ako ni Yendi sa pamamagitan ng pagtapos ng face towel sa mismong mukha ko. Padabog ko itong tinanggal saka ipinampunas sa batok ko.

"Nyeta, napasok niya pa 'yong bola. Baka ganoon na lang kahusay ang gago. Kaya sa susunod, Macky, magtimpi ka para hindi ka ma-ungusan." talak ng kawayan habang naka-krus ang brasong pinapayuhan ko. Pero mas naging sermon pa ito na naging paborito ko nang marinig. "Baka nalimot mo, Macthara. Isa sa mga problema mo sa ugali ay 'yang pagiging iritada mo. Kulang na lang, sa isang kalabit ng tao sa 'yo ay tusukin mo na ito ng milyo-milyong karayom. Suwerte na nga lang nila kapag wala kang dalang patalim."

Iyan rin ang isa sa mga gusto ko sa mga payo mo. Iyon bang pagmumukhain mo 'kong isang nakatatakot na tao. Tsk, tsk.

"Tsamba niya lang 'yon, huwag kang praning." paninigurado ko.

"Sigurado ka?" tanong niyang parang mas lumalim ang boses.

"Oo nga, ang tanga kaya ng sipa ng gago. Tsk, walang panama sa akin 'yon." sagot ko habang patuloy na nagpupunas ng pawis.

SPOT HIM BEHIND (the Spot Saga: Season 1)Where stories live. Discover now