Kabanata 1

873 34 0
                                    

I was 10 when I met him. When I first glanced at his appearance. When I first feel his presence.

"Oy 'yong bola natin,"

"Nasaan na? Sinipa mo kasi sa malayo eh,"

Naghanap hanap kami sa paligid ngunit wala kaming makita. Saan kaya napunta 'yon? Parang kanina lang pinaglalaruan pa namin tapos ngayon, bigla nalang nawala.

"Oo nga eh. Ayan tuloy nawawala na. Papagalitan ako ni mommy kapag sinabi kong nawawala. Kakabili palang niya kasi no'n," paliwanag ng kalaro namin na siyang may ari ng bola.

Hindi namin alam kung saan 'yon napadpad gayong dito lang naman ito napunta sa gilid ng mga puno. Tapos ngayong pinuntahan namin ay hindi na namin makiya.

"Huwag ka nang malungkot. Hahanapin natin 'yong bola mo ngayon para huwag ka ng pagalitan ng mommy mo," pagpapatahan ko sa kaniya.

"Oo nga mahahanap natin 'yon. Hmm, baka nandoon sa parteng 'yon?"

Tinuro naman ng isa naming kalaro ang parte ng pinaglalaruan namin kung saan nakakatakot pumunta. Bukod kasi sa madilim na ro'n ay pinalilibutan din ito ng malalaki at matataas na puno.

"Sigurado ka ba? Imposible naman na mapunta 'yon doon bigla,"

Oo nga, parang imposible naman at saka isa pa nakakatakot sa parteng 'yon at may iba rin akong nararamdaman dito. Batid kong kahit sila ay natatakot na lumapit sa parteng 'yon pero malakas din ang kutob ko na baka roon nga napunta ang nawawala naming bola.

"Kaya nga titingnan natin eh. Hindi naman natin mahanap dito sa malapit. Baka lang naman napunta talaga roon, hindi lang natin namalayan," pagpapaliwanag naman nito.

May punto nga naman siya pero kasi...

"Hala! Eh sinong titingin doon? Nakakatakot naman. Basta ako, ayoko. Natatakot kasi ako,"

"Ako rin, ayoko. Baka maihi lang ako sa shorts sa takot,"

"Hmm, ikaw na lang kaya tutal ikaw naman nakawala ng bola niya eh,"

Tinuro ng isa naming kalaro ang isa pa na siyang sumipa ng bola dahilan upang ito ay mawala nalang.

"Ayoko 'no at tsaka baka may mumu pa akong makita riyan. Ayokong makakita ng mumu. Maggagabi na kaya,"

Mumu mumu eh hindi naman 'yan totoo. Ba't kayo naniniwala sa mga ganyan eh hindi naman 'yan totoo. Ginagawa lang naman nilang panakot 'yan sa mga bata na katulad natin eh.

Pinasadahan ko naman ng tingin ang kalaro naming may ari ng bola. Nagsisimula na siyang umiyak kaya kailangan na talaga naming mahanap 'yon. Baka mahalaga talaga sa kaniya ang bola na 'yon at isa pa, takot siyang mapalo ng nanay niya.

"Uy 'wag kang umiyak baka pagalitan din kami ng mommy mo. Baka sabihin nun eh inaaway ka namin," pagpapatahan ko sa kaniya.

Palakas nang palakas ang iyak niya kaya mas lalo kaming nag aalala sa kaniya. Asan na ba kasi 'yong bola na 'yon? Ang layo naman ng narating no'n kung hindi pa namin nakikita.

"Ako na lang ang maghahanap doon." Pagboboluntaryo ko.

Baka abutan kami ng gabi kung hindi pa kami kikilos para maghanap. Sigurado akong pagagalitan din ako ni dad nito kapag nagkataon.

Dapat kasi ganitong oras eh nakauwi na ako. Uwian na kasi namin galing iskwelahan at naisipan naming maglaro muna rito dahil may bagong bili nga na bola ang kasama namin.

Ang bilin sa 'kin ni dad eh pagkatapos ng klase namin eh umuwi agad ako dahil delikado. Pero ewan ko ba, nae-engganyo rin akong maglaro ngayon.

Puro kasi ako aral sa bahay kaya siguro nasasabik din akong maglaro sa labas. Masyado naman kasing istrikto si dad sa akin simula noong nawala si mommy.

The Untold Story Of Us (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon