Kabanata 16

223 20 0
                                    

Dalawang araw na ang nakalipas simula no'ng mangyari 'yong pag amin niya. Pagkatapos kong mahimatay ay nagising nalang ako na nasa kama na ako at may isang bulaklak na nakalatag doon. Agad naman akong naiyak no'n dahil alam kong sa kaniya ito galing. Siya lang naman ang nagbibigay ng bulaklak sa 'kin eh.

Maraming mga ideyang pumapasok sa isipan ko pagkagising ko. Iyong pag amin niya sa akin noong gabing 'yon. Mas maraming namumuong napakaraming tanong sa isipan ko tungkol sa kaniya.

Kung bampira siya, eh bakit hindi niya ako nagawang saktan? Hindi niya akong nagawang patayin? Oh baka naman naghahanap lang siya ng tiyempo para maging biktima niya ako. Gano'n ba 'yon?

Sa loob ng dalawang araw eh, nagkulong lang ako sa loob ng kwarto. Ni hindi ako lumalabas ng kwarto at hindi rin ako nakakakain nang maayos. Minsan hinahatidan ako ni manang sa loob ng kwarto pero hindi ko 'yon nagagalaw. Parang hindi ako nagugutom sa mga nalaman ko.

Ngayong araw ay naramdaman ko ang pagkulom ng sikmura ko kaya nagdesisyon na akong bumangon. Sa tingin ko kailangan kong kumain kahit konti lang para naman lumakas ang katawan ko kahit papano. Napasadahan ko ng tingin ang relo sa gilid ng kama ko. It's already 4:37 PM.

Tiningnan ko rin ang sarili kong repleksiyon sa salamin. Pumayat nga ako at medyo lumalim ang mga mata. Ikaw ba naman ang hindi kumain sa loob ng dalawang araw at wala pang maayos na tulog? Hays. Kapag nakita ako ni dad na ganito ay siguradong papagalitan ako no'n. Mabuti na lamang ay hindi pa siya umuuwi.

Bumaba na ako at dumiretso sa kusina. Nagulat pa si manang sa presensiya ko pero nang sinabi kong nagugutom ako ay agad siyang naghanda ng makakain. Mas lalo akong nagutom nang makita ang Adobo sa mesa. My favorite!

Habang kumakain ako ay panay ang titig at tanong ni manang sa akin pero hindi ko siya magawang sagutin dahil punong puno ng pagkain ang bibig ko. Pakiramdam ko ay isa akong preso na nakatakas sa kulungan sa sobrang gutom ko ngayon.

"Oh siya sige, kumain ka lang para naman bumalik na sa normal ang katawan mo. Ang payat mo na, Cassey. Ano ba kasing nangyayari sa 'yo iha?" Nag aalala si manang sa tono ng boses niya.

"Wala ho manang. 'Wag niyo na ho akong alalahanin." Patuloy pa rin ako sa pagkain ko.

"Oh siya sige. Basta kung kailangan mo ng kausap eh nandito lang naman ako. 'Wag kang mahiyang lumapit at magkwento," aniya. Tumango naman ako sa kaniya bilang tugon.

Nang matapos na ako kumain ay bumalik agad ako sa loob ng kwarto ko. Kinuha ko ang laptop ko at may tinype doon. Isisearch ko kung anu-ano ba ang mga katangian ng mga bampira para makasiguro ako tungkol sa mga gano'ng nilalang. Pagka enter ko ng tinype ko ay napakaraming lumabas. Pumili naman ako ng isa roon para basahin.

Characteristics of Vampires.

Vampires are creatures which primary characteristic is feeding on blood using their fangs. They also have pale, cold skin and heightened senses. Aside from that, they are also immortal unless they are killed. They avoid sunlight because their skin would automatically burn into flame.

Pagkatapos kong basahin ang mga lumabas na information doon ay napapaisip ako. Bawat katangian ay tumutugma sa kaniya.

Pale skin. Sobrang puti ni Rendon na akala mo ay wala na siyang dugo sa sobrang lamti. Akala ko normal 'yon sa isang tao pero hindi pala.

Coldness. Unusual ang pagkakalamig ng kamay niya. Ang clueless ko lang kasi bakit hindi ako nagtaka na kahit mainit ang hangin sa gabi, eh malamig pa rin ang kamay niya at hindi ito nagbabago.

Heightened senses. Kaya ba no'ng time na pinagalitan ako ni dad ay pumunta siya sa kwarto ko dahil narinig niya ang pagtatalo namin?

Inisip ko pa noon na nandoon lang siya sa labas kaya narinig niya ang pagtatalo namin ni dad that time pero hindi ko inisip na ano naman ang gagawin niya sa labas that time? Madilim na no'n noong makauwi kami ni dad eh at wala akong napansin na tao malapit sa paligif namin. Parang ngayon lang sa 'kin nagdudugtong dugtong ang lahat.

The Untold Story Of Us (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon