Kabanata 20

238 16 0
                                    

Kinabukasan ay maaga akong nagising at nauna pa nga ako magising kesa sa alarm clock ko. Ang sarap ng tulog ko kagabi. Iba talaga kapag masaya at inlove hehe. Mainggit kayo please? Chos!

Inunat unat ko pa ang dalawang kamay ko at napasadahan ko ang isang bulaklak sa may study table ko. Napangiti naman ako sa naisip. Improving siya ha dahil hindi na sa labas ng bintana nag iiwan ng bulaklak.

As usual, kinuha ko naman iyon at inipit sa libro. Halos lahat na ata ng libro dito sa book shelf ko eh punong puno na ng mga bulaklak na nakaipit. Ayoko namang itapon ang mga bulaklak kahit iisang klase lang 'yon kasi binigay niya 'yon eh and I treasure it so much. Sinisigurado kong maayos itong matutuyo.

Nagdesisyon na akong bumangon at dumiretso sa banyo para mag ayos ng sarili. Pagkababa ko ay naabutan ko si manang na kakalabas lang din ng kwarto niya at mukhang kakagising niya rin lang.

"Good morning, manang." Bati ko sa kaniya. Ang ganda ng mood ko ngayon kaya todo smile ako sa kaniya.

"Good morning din, Cassey. Ang aga mo naman ngayon ha. Mukhang mahimbing ang tulog mo kagabi ha," ani manang.

Hindi lang mahimbing, sobrang himbing manang kung alam mo lang. Nangingiti naman akong dumiretso sa ref at nagsalin ng gatas doon habang inaalala ang pangyayari kagabi.

"Sobra manang. Ang ganda ng tulog ko kagabi," sagot ko bago uminom sa baso.

"At bakit naman? Lumabas lang kayo ni Cedrix, naging maganda na ang tulog mo," pang aasar niya.

Bigla naman akong nabilaukan sa sinabi ni manang.

"Naku! Ayos ka lang ba?" Nataranta naman si manang sa naging aksiyon ko.

"O-Okay na ho ako." Sagot ko nang mahimasmasan na.

Ghad! Si Cedrix na naman kasi ang akala niya. Iba na naman ang iniisip nito ni manang. Ano ba 'yan!

"Naku! Hindi po si Cedrix, manang. Nga pala, ano pong lulutuin niyo?" Pag iiba ko ng usapan. Baka kasi mapahaba pa ang usapan tungkol kay Cedrix at mapunta na naman sa kung saan.

"Magsisinangag ako at magpiprito ng isda para sa umagahan natin," sagot niya habang sinisimulan na ang paghiwa sa bawang at sibuyas.

Tumango naman ako sa kaniya at akmang aakyat na ulit sa kwarto nang may maalala ako. Bumaling ulit ako kay manang.

"Uhm manang..."

"Hmm?"

"Pwede po ba Adobo ang ulam natin mamayang gabi?"

Gusto ko kasi matikman din ni Rendon ang paborito kong ulam sa lahat.

"Oh sige. Mukhang namiss mo na ang paborito mong ulam ha," ani manang.

Kung alam mo lang manang. Kaka-Adobo palang namin noong isang gabi. Baka isipin ni manang na ang bilis ko namang makamiss.

"Opo at saka po pwede pong magluto pa po kayo ng ibang putahe? Like sinigang, kare-kare at paksiw na bangus!" Binibilang ko pa ang mga iyan sa daliri ko habang nagsasalita.

"Bakit napakadami naman yata? Tayo lang naman ang kakain dahil wala namang balita ang dad mo na uuwi siya," aniya.

Oo nga nagtaka na si manang kung bakit napakadami. Ano naman kaya ang sasabihin ko? Hindi ko naman pwedeng sabihin na may bisita ako mamaya 'di ba? Bahala na nga.

"Uh...w-wala lang ho. Gusto ko lang po tikman ang iba pang mga putahe. 'Wag po kayong mag alala, ako na po ang mamimili sa sentro ng mga kakailanganin," pagboboluntaryo ko. Baka kasi iniisip niya na paano niya 'yon bibilhin sa dami ng request ko. Malayo pa naman ang sentro rito.

The Untold Story Of Us (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon