Kabanata 18

204 16 0
                                    

"We hunt vampires and kill them."

Parang paulit ulit tumatakbo sa isipan ko ang mga katagang binitawan ni dad. Kahit anong pilit kong gawin para hindi 'yon maalala ay tila yata itong sirang plaka na paulit ulit dumadaan sa isipan ko. Hindi ko ito napipigilan at kahit ayokong maniwala, ay sapat na para sa akin ang mga nakikita ko sa paligid para kumpirmahan na hindi nga siya nagsisinungaling.

Pagkatapos naming mag usap ni daddy ay umakto akong parang normal lang para sa akin ang mga nalaman ko. I wanted him to believed na parang wala akong alam, na parang ito ang unang pagkakataon na nalaman ko ang tungkol sa kanila.

Ayokong magduda siya lalo pa't mayroon akong koneksiyon sa mga itinuturing nilang kalaban. I don't want to sacrifice kung ano man ang nalalaman ko just for the sake of them, lalo pa't mahalaga sa akin si Rendon.

Hindi naman na ako nagtagal sa lugar na 'yon at nagsinungaling nalang ako kay daddy na masakit ang ulo ko para payagan niya akong umalis na siyang gumana naman.

Pagka uwi ko ng bahay ay agad akong nagkulong sa kwarto, ni hindi na nga ako kumain ng tanghalian. Tinanong pa ako ni manang kung kumusta ang naging lakad namin pero hindi ko siya sinagot dahil wala ako sa mood makipag usap ngayon. Gusto ko munang mapag isa para makapag isip-isip. Parang hindi ko na kasi kayang i-stock sa utak ko ang lahat.

Sobrang binabagabag ako ng mga katotohanang nalaman ko kanina at hindi ko ma-process nang maayos. Parang ang hirap kasing paniwalaan na totoo lahat ng 'yon. Nananaginip ba 'ko? Nasa isang teleserye ba ako? Pero hindi eh, totoong totoo ang lahat.

After all this time, ang trabaho pala ni dad ay isang commander sa Vampire Hunter's Community. Ang grupo na 'yon ay ang siyang nagpupuksa sa lahi ng mga bampira at lahat ng mga miyembro nito ay sinusunod kung ano ang sinasabi ng daddy ko. Dad has the power to control everything.

Sumagi bigla sa isip ko si Rendon. Alam ba niya na may ganitong grupong nag i-exists para maubos ang lahi nila? Hindi ako sigurado kung alam niya ang nangyaring trahedya rito sa lugar namin kaya nabuo ang grupo. Should I tell him about them? Pero...para namang tinatraydor ko si dad kapag ganoon ang ginawa ko.

Hays, ang hirap! Ang gulo! Anong gagawin ko? Para akong naiipit ngayon sa dalawang sitwasyon na mahirap solusyunan. Napamasahe nalang ako sa sentido ko para maibsan kahit papa'no ang bigat ng ulo ko.

Pagkatapos ay kinuha ko nalang ang diary ni mommy at nagbasa basa pa ako. Balak ko talaga 'tong ubusing basahin lahat ng nakasulat dito tutal malapit na rin naman ako sa katapusang pahina. Masiyado akong curious sa naging buhay ni mommy lalo na't 'yong pagmamahalan nila ng isang bampira.

Nasa kalagitnaan na ako ng pagbabasa nang biglang tumunog ang cellphone ko. Binasa ko naman agad ang text doon.

From: Shrell
Hey. Kumusta? Anong ginawa niyo roon?

She's referring to Cedrix. Nagtype naman agad ako ng isasagot sa kaniya. Sigurado akong iba na naman ang iniisip ng babaeng 'to.

To: Shrell
Wala. We just went to dad's workplace.

From: Shrell
Really?! Then how was it?

To: Shrell
Great.

Hindi na rin naman nagreply si Shrell kaya ibinaba ko na ang cellphone ko. I wonder if alam ba ni Shrell ang trabaho ng daddy niya? Sa tingin ko ay hindi at wala naman akong balak na sabihin sa kaniya ang tungkol sa mga nalaman ko. Mas mabuti nang wala siyang iisipin. Mas okay na 'tong ako lang ang nagdadala mag isa kesa naman makadamay pa ako ng ibang tao.

Ibinalik ko ang atensiyon ko sa pagbabasa at ipinagpatuloy ang pag imagine sa mga isinulat ni mommy doon. Pakiramdam ko, nararamdaman ko rin ang bawat emosyong naramdaman ni mommy sa pagkikwento ng pinagsamahan nila.

The Untold Story Of Us (COMPLETED)Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora