Kabanata 35

142 15 2
                                    

Rendon's POV

Ayoko sa lahat ay ang pinapapili ako dahil kahit hindi ako papiliin, siya at siya pa rin ang pipiliin ko kahit anong mangyari. Alam kong hahantong sa ganito na may mga makakaalam ng tungkol sa amin.

Alam na alam ko ang kahahantungan ng mga pangyayaring 'to pero hindi ko ito maaaring pigilan dahil maaaring mas malala pa ang mga mangyayari sa hinaharap kapag pinigilan ko ito

"Tama ba, Rendon? Alam mo na hahantong sa ganito ang lahat hindi ba? Now, choose. Us or her?" Ani Dilan, ang kapatid kong pakialamero.

Alam kong sinusubaybayan niya ang kilos ko noon pa man. Nababasa ko sa isipan niya iyon at ngayon nandito siya sa harapan namin ni Cassandra, he's trying to threat me by his words. Akala niya siguro natatakot ako sa mga salita niya, ha! Nagkakamali siya. Wala akong ibang kinatatakutan except her.

Nang tanggalin ko ang pagkakahawak niya sa braso ko ay naramdaman ko agad ang pakiramdam na nasasaktan. Nasasaktan siya ngayon sa ginawa ko dahil akala niya hindi siya ang pipiliin ko. Akala niya kaya ko siyang talikuran kapag pinapili na ako ng demonyo kong kapatid.

Akala niya siguro ay ganoon lang kababaw ang pagmamahal ko sa kaniya. Akala niya lang 'yon pero hindi. Siya pa rin ang pipiliin ko kahit talikuran ko pa ang lahat ng mayroon ako. Ang trono, ang mga kasamahan ko, ang pagiging bampira ko ay wala akong pakialam. I can risk everything just for her.

"I haven't decided yet."

Natigilan si Dilan sa sinabi ko. Hindi niya siguro inaasahan na tatalikuran ko sila para sa isang tao, para sa babaeng mahal ko. Simple akong napangisi dahil hindi niya nabasa ang iniisip ko kanina. Iniba ko kasi ang iniisip ko dahil alam kong babasahin niya ito.

"I will choose her." Dagdag ko pa.

I will choose her over everything. I will always choose her no matter what it takes, no matter what I risk.

Kitang kita ko ang galit sa mga mata ni Dilan. Now, come here brother. I will surely kill you.

Naglaban kaming dalawa. Alam kong ang labanang ito ay hindi lang tungkol sa trono at sa babaeng minamahal ko.

Matagal ko nang alam ang inggit na nararamdaman ni Dilan sa akin noon pa man. Ako palagi ang napapansin ng mga magulang namin noon. Ako ang mas sa paningin nila at hindi nila nakikita si Dilan. Kaya lumaki nang lumaki ang galit at inggit ni Dilan sa akin.

Mas lalong lumaki pa iyon nang marinig niya ang pag uusap ng mga magulang namin na isa sa 'min ang magiging susunod na hari at alam niyang malaki ang posibilidad na ako 'yon.

Ipinagsawalang bahala ko nalang iyon dahil wala naman talaga akong pakialam sa trono. Nagkaroon lang ako ng pakialam nang malaman ko ang totoong pakay ni Dilan kung sakaling siya ang iluklok na hari ng mga bampira.

Lulusubin niya ang mga lugar dito. Iisa isahin niya ang mga kabahayan at magpapakasawa siya sa dugo ng nga tao. Maghahari harian siya sa buong mundo at siya ang katatakutan ng lahat. Iyon ang plano niya at ayoko 'yon mangyari.

Ramdam ko ang pinagkaiba ng lakas at bilis ko noon kaysa ngayon. Para akong nahihirapan sa tuwing binubuhat ko si Dilan. Ramdam ko rin ang pagkabawas ng liksi at bilis ko.

Alam kong dahil ito sa mga kinakain ko. Hindi na ako nakakainom ng kahit anong klaseng dugo kaya humihina na ang mga kakayahan ko ngunit nang marinig ko ang sinabi ni Dilan, parang may kung anong dumaloy sa buong katawan ko.

Nagagalit ako. Nagagalit ako sobra sa sinabi ni Dilan kaya hindi na ako nag aksaya pa ng oras at agad kong sinugod si Dilan. Mariin kong hinawakan ang leeg niya at itinaas sa ere. Nababasa ko sa isipan niya ang pagmamakaawa sa akin na bitawan ko siya dahil nasasaktan siya pero parang wala akong naririnig. Tanging ang nasa isip ko lamang ngayon ay ang patayin siya.

The Untold Story Of Us (COMPLETED)Where stories live. Discover now