Kabanata 9

224 18 0
                                    

Naalimpungatan ako sa sunod-sunod na katok sa labas ng pintuan ng kwarto ko. Sino bang katok nang katok? Natutulog pa ang tao eh.

"Sino 'yan?" Sigaw ko habang kinukusot kusot pa ang mga mata.

"Cassey, bangon na riyan," ani manang sa labas ng pintuan.

Nanatili pa rin akong nakahiga at inunat unat ang mga kamay ko habang nakapikit pa rin. Inaantok pa talaga ako. Ang sarap pang humilata sa kama.

"Cassey," pagtawag ulit nito.

"Five minutes manang, promise," ani ko habang nakapikit pa rin. Hindi na rin naman siya nagsalita kaya siguro umalis na 'yon.

Ipinagpatuloy ko ang naudlot kong tulog ngunit ilang saglit pa ay nakarinig na naman ako ng mga katok. Nabuhay ang diwa ko dahil masiyado itong mabibilis at malalalim.

"Inaantok pa 'ko,"

Si manang talaga ang kulit. Bakit niya ba ako ginigising ng maaga eh bakasyon naman ngayon? Sa susunod na buwan pa naman ang pasukan.

Patuloy lang ang pagkatok sa pintuan at akmang tatakpan ko sana ng unan ang mukha ko nang magsalita ang nasa labas na siyang ikinagukat ko.

"Cassey, bumangon na riyan. Kanina pa ako katok nang katok! Hindi mo ba naririnig?!"

Agad akong napamulat nang marinig ang boses ni dad. Ghad! Bakit siya nandito? Himala ata at anong meron?

Dali-dali akong pumunta sa may pintuan at binuksan ito. Bumungad si dad na bihis na bihis. Kailan pa siya umuwi? Bakit hindi ko alam? Umuwi ba siya kagabi? Ba't hindi niya man lang ako ginising?

"Dad?" Gulat kong bungad sa kaniya pagbukas ko ng pintuan.

"Mag ayos kana riyan at bumaba. May pupuntahan pa ako. Bilisan mo, Cassey," aniya saka ako tinalikuran bago bumaba sa hagdan.

Wait, did I heard it right? Isasama niya ba ako sa pupuntahan niya? Saan naman kaya kami pupunta?

Napadaan naman si manang sa pintuan ng kwarto ko kaya tinawag ko agad siya.

"Manang ano pong meron? Bakit ang aga akong ginising ni dad?" Tanong ko sa kaniya.

"May ipapakita sa 'yo ang dad mo kaya bilisan mo na riyan," sagot niya naman.

Tumango naman ako sa kaniya bilang tugon. Akala ko isasama niya ako sa pupuntahan niya. May ipapakita lang pala siya.

Iniligpit ko na ang higaan ko at nag ayos. Dali-dali naman akong kumilos dahil baka mabadtrip na naman si dad sa pag aantay. Kailan pa kaya siya umuwi?

Pagkababa ko ng hagdan ay bumungad sa akin si dad na nakahawak sa bewang niya at malalim na nakatingin sa 'kin. Kinabahan na naman ako sa ipinakita niyang itsura dahil alam kong galit na naman siya sa paghihintay.

"D-dad, sorry po,"

Hindi ko alam kung bakit ako nagsorry eh sa pagkakaalam ko ay wala naman akong nagawang kasalanan. Nagsorry ako dahil I have this feeling na magsorry sa kaniya dahil pinaghintay ko siya. Kung sana ay alam ko na darating siya, eh 'di sana maaga akong nakapaghanda. Pero hindi ko naman alam eh.

"Kanina pa ako katok nang katok, Cassey," aniya. Siguro 'yon nga ang kasalanan ko.

"Pasensya na dad. Napasarap ang tulog ko," saad ko naman.

"Halika, sumunod ka sa 'kin. I have something for you," aniya.

Oo nga pala! Sinabi niya sa 'kin kahapon na may regalo siya. Nakaramdam naman ako ng kaunting excitement doon. Ano kayang ibibigay niya?

Sinundan ko naman siya at tuluyan na kaming nakalabas sa bahay.

Nang tuluyan na kaming nakalabas ay nanlaki ang mga mata ko sa bagay na nakikita ko sa harapan ko. Nakatakip ito ng parang black na tela.

The Untold Story Of Us (COMPLETED)Where stories live. Discover now