Kabanata 13

214 23 0
                                    

Hindi ako nakatulog nang maayos kagabi dahil sa ideyang nandito na nga siya. Nag hintay pa nga ako ng ilang oras sa bintana ko para sana abangan siya pero hindi siya nagpakita. Okay lang 'yon. Basta ang mahalaga, alam kong nandito na siya.

Kailan pa siya umuwi? Kailan kaya kami magkikita? Nasasabik na ako sa mga bagay-bagay na naiisip ko. Ang dami kong gustong itanong sa kaniya. Bakit ang tagal niya? Magaling na kaya siya? Wala na ba ang sakit niya? Mas lalo ba siyang gumwapo? Ghad! Ang pogi niya na siguro ngayon.

Mabuti na lang at bumalik siya kahit na matagal. Mabuti nalang at naghintay ako sa kaniya. Mabuti nalang ay tinupad namin ang pangako namin sa isa't isa.

Kasalukuyan kaming nag aalmusal ngayon at nandito rin si dad. Hindi ko alam kung kailan siya umuwi pero hindi ko na iniisip 'yon dahil mas pinagtutuunan ko ng pansin ang pagbabalik ni Rendon.

Nalaman na rin ni dad ang nangyari sa kotse ko at hindi ko na magawang magsinungaling dahil may ibidensiya na siya. Napagalitan pa nga ako dahil hindi raw ako nag iingat at syempre as usual pasok sa kabila at labas sa kabilang tenga ang mga sermon niya. Gano'n lang 'yon.

Hindi ko na rin magawang maging malungkot dahil sa mga sermon ni dad dahil lumilipad ang utak ko tungkol sa kaniya. Nababaliw na ata ako dahil may sinisermonan bang nakangiti?

Hindi tulad ng dati na kapag pinapagalitan ako ni dad eh kinikimkim ko kaagad pero ngayon ay hindi ko magawa. Mas nangingibabaw sa akin ngayon ang saya.

Tinawagan ni dad kanina ang isa niyang katrabaho para kunin ang kotse ko at iparepair. Hays, kung sinu-sino nalang ang gumagamit sa kotse ko ha. Hindi ko pa nga 'yon nagagamit nang mag isa.

Aalis pa naman ako ngayong araw para magsubmit ng mga requirements for the next school year. Akala ko pwede ko nang magamit ang kotse ko. Mukhang matagal pa bago ko magamit 'yon ha.

Habang kumakain ay panay lang ang tanong ni dad tungkol sa outing namin kahapon. Gusto ko rin sana magtanong ng tungkol sa trabaho niya pero hindi ko magawa kasi pakiramdam ko, eh iniiwasan niya 'yon. Kapag naitatanong ko ay hindi niya sinasagot nang maayos at iniiba niya rin ang topic.

"Kumusta ang outing?" Tanong niya.

"Ayos naman po. Actually, masaya dad." Sagot ko at pinagpatuloy ang pagkain ko. Yeah, it was really memorable for me. Sana maulit pa 'yon.

"That's good." Iyon na lamang ang tanging nasabi niya.

Kinamusta rin niya sa akin si Cedrix at sumasagot naman ako. Gano'n na siguro sila kaclose dahil nagagawa niya nang kamustahin sa 'kin ni Cedrix.

"Kumusta kayo ni Cedrix?" Napahinto ako sa pagkain at uminom muna ng tubig bago magsalita. Bakit bigla bigla niya lang 'yon natatanong?

"Uh we're fine and we're okay. We're friends dad." Sagot ko at itinuon na ulit sa pagkain ang atensiyon.

Bigla ko namang naalala 'yong pinag usapan namin. Tama, okay kami ni Cedrix kahit na ganoon ang pinag usapan namin.

"Cedrix is a nice guy." Komento ni dad.

Hindi na rin ako sumagot doon dahil baka humaba pa ang usapan namin tungkol sa kaniya.

Marami pa siyang mga sinasabi tungkol kay Cedrix. Tumatango tango nalang ako. Hindi naman kasi ako interesado sa buhay ni Cedrix eh.

Nabanggit ko rin kay daddy na sasabay ako sa kaniya papuntang sentro dahil magpapasa ako ng mga requirements for enrollment namin. Magfi-first year college na ako next school year. Mabuti nalang ay may state college rito sa 'min kahit papano. Nasa sentro nga lang kaya medyo may kalayuan.

The Untold Story Of Us (COMPLETED)Where stories live. Discover now