Kabanata 21

189 16 0
                                    

Pagkatapos ng discussions ni dad ay nagpaalam na akong uuwi na ako. Mag a-alas singko na kasi kaya nagmamadali na ako ngayon.

"Bakit nagmamadali ka, Cassey? May pupuntahan ka ba?" Tanong ni Cedrix. Nakasunod lang siya sa 'kin papuntang parking ng headquarter. Hindi ko alam kung bakit sumusunod pa siya, eh pwede naman siyang manatili roon.

"Wala. I'm just tired. Sige na, una na 'ko. I really need to go," pagpapaalam ko.

"Pero--"

Sinarado ko na agad ang kotse at sinimulang paandarin ito. Naiirita ako ngayon. Naiirita ako sa mga sinabi ni dad kanina. Parang siya na ang nagdedesisyon sa 'kin.

Pakiramdam ko ay parang obligasyon ko pang tuparin 'yong sinabi niya dahil sinabi niya sa harap ng mga katrabaho niya at dapat para sa kaniya ay gano'n nga ang mangyari.

Hinampas ko ang manibela sa sobrang inis na nararamdaman.

"Bwisit!"

Hindi ko nakikita ang sarili kong maging isa sa kanila. Nandoon ako para makakuha ng impormasyon tungkol sa mga bampira hindi para maging isa sa mga hunters!

Pagkarating ko sa bahay ay kinalma ko agad ang sarili ko. Bumuga muna ako nang tatlong buntong hininga bago lumabas ng kotse. Baka kasi mapansin ni manang ang mood ko at magtanong pa siya. Ayokong pati si manang ay madamay sa inis na nararamdaman ko ngayon.

Pagkapasok ko sa labas ng bahay ay naabutan ko si manang na nagsisimula nang maghiwa ng mga gulay at karne. Napansin niya naman ang presensya ko kaya napalingon agad siya sa gawi ko.

"Oh, andito kana pala. Halika rito at tulungan mo ako," aniya.

"Opo manang. Saglit lang po."

Kumuha naman ako ng tubig sa ref at uminom doon para mas makalma ang sarili ko. Umakyat ako sa kwarto para ilagay ang mga gamit ko at pagkatapos ay bumaba ulit ako para tulungan si manang. Nakakahiya, ako pa naman nagrequest nito.

"Oh, eto hiwain mo 'to sa maliliit lang tapos etong pechay hiwaan mo sa gitna para maging dalawa lang," paliwanag ni manang.

Dini-demonstrate niya pa sa 'kin kung ano ang gagawin ko kaya sinimulan ko nang hiwain ang mga iyon. Si manang naman ay nagsimula na ring magluto dahil may mga nakahanda na ring sangkap sa mesa.

"Iabot mo nga sa 'kin ang patatas at carrots." Utos niya.

Agad ko naman iyong ginawa.

"Nahugasan na ba ito?" Tanong ni manang bago ilagay sa niluluto.

"Opo, manang."

Tumagal din ng sobra isang oras ang ginugol namin sa pagluluto. Ay mali, ang ginugol ni manang sa pagluluto. Hindi naman kasi ako tumulong sa mismong pagluluto eh dahil naghiwa lang ako ng mga sangkap. Gusto ko sanang ako ang magluto kaso hindi pa ako marunong. Mapag aralan nga next time.

Tulad nga ng mga nirequest ko, may Adobo, Kare-kare, Sinigang at dinagdagan niya pa ng Menudo ang mga niluto niya kaya perfect! Sana magustuhan ito lahat ni Rendon. Nae-excite na ako para mamaya.

Pagkatapos no'n ay umakyat na ako ng kwarto para mag ayos ng sarili. Nagbihis ako dahil natapunan ng sarsa ang damit ko kanina.

Pinasadahan ko ang orasan sa gilid ng kama ko at nakitang 6:13 PM na. Baka maya-maya ay nandito na 'yon kaya nae-excite na tuloy ako. Pakiramdam ko kasi ay mag asawa kami at hinihintay ko siya galing trabaho hehe. Ang feeling ko pero roon din naman mapupunta 'yon eh.

Hopefully.

Ilang sandali pa ay narinig ko na ang pagtawag ni manang sa ibaba. Aniya'y kakain na raw kami. Lumabas ako ng kwarto para marinig niya ang sasabihin ko. Magpapalusot nalang ulit ako kung bakit mamaya pa ako kakain. Hindi ko naman kasi pwedeng sabihin na may inaantay akong kasabay ko.

The Untold Story Of Us (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon