Kabanata 40

141 10 1
                                    

Mabilis na lumipas ang bawat araw. Nasasanay na rin kami ni Shrell sa buhay na ganito. 'Yong tipong, ang mga sarili lang ang inaalala namin.

Nasasanay na rin kami sa paulit ulit na routine naming dalawa. Hindi naman kasi nakakasawa dahil makulit at madaldal 'tong si Shrell kaya hindi boring ang ambience sa loob ng silid.

Kapag weekdays, gigising nang maaga, pupunta sa school, mag aaral tapos uuwi kapag gabi. Kapag weekend naman, kadalasan naglilinis kami at gumagawa ng mga gawaing bahay at after no'n ay magmo-mall kami o maglalakwatsa kung saan-saan.

Hindi dumadaan ang weekend na hindi kami lumalabas dahil itong si Shrell ay panay ang pag aya sa 'kin. Ayoko rin namang mag isa siyang maggala dahil baka kung saan saan pa 'to mapadpad.

Katulad ngayon, pinipilit ako ni Shrell na sumama sa kaniya lumabas dahil Sabado naman ngayon pero kahit anong pilit niya ay tumatanggi ako. Ngayon lang ako tumanggi ha dahil magrereview kasi ako ngayon dahil sa Monday na ang midterm examination namin.

"Hindi ka ba talaga sasama?" She asked for the nth time. Napairap naman ako dahil kanina niya pa tinatanong 'yan sa 'kin at paulit ulit lang naman ang sagot na naririnig niya.

"Pang ilang beses mo na 'yan itinanong sa 'kin pero alam mo naman na isa lang ang sagot ko."

"Ano ba 'yan." Malungkot niyang saad habang naglalagay ng pulbos sa mukha niya. Pagkatapos ay kumuha rin siya ng liptint at nilagyan ang labi.

"Huwag ka ngang kunyaring malungkot diyan dahil alam ko naman na masaya ka na hindi ako sasama para may time kayo ni Alfred sa isa't isa." Sabat ko sa kaniya.

Ngumisi ako nang makita ang pagkagulat sa itsura niya. Para siyang natataeng multo sa itsura niya ngayon kasi sa dami ng pulbo sa mukha niya na hindi pa nabe-blend nang maayos.

"Pa'no mo nalaman?!" Gulat niyang tanong.

"Hello? Narinig ko kaya tawagan niyo kagabi and besides kahit naman hindi ko marinig ay wala pa rin akong balak sumama. Nakakatamad kaya tsaka magrereview ako 'no!"

Nagising kasi ako sa tawagan nila kagabi kaya hindi ko sinasadyang marinig ang usapan nila. Naririndi ako sa hagikgik ni Shrell, masyado kasing malandi charot!

Sa totoo lang, halata naman sa mga tinginan nina Alfred at Shrell na may feelings sila sa isa't isa kaya hindi na nila sa 'kin kailangang i-deny. Kung ano man ang namamagitan sa kanilang dalawa ay tanggap ko iyon basta 'wag niya lang sasaktan ang bestfriend ko.

"Asus ikaw ha, kung hindi ko pa maririnig ay hindi ko pa malalaman. Wala ka bang balak na sabihin sa 'kin ang tungkol sa bagay na 'yon?" Tanong ko.

Inayos niya ang mukha at diretsong humarap sa akin.

"Sorry na, sasabihin ko naman talaga kapag sure na para hindi ako mapahiya," aniya.

"Sus, dami mong arte. Kala mo naman magtatagal sila," pang aasar ko rito kaya pinandilatan niya ako ng mata na siyang ikinatawa ko.

"Hoy! Watch and see! Magtatagal talaga kami."

"'Di ka sure,"

"Tse! Ayan kana naman." Tinawanan ko lang siya kaya binato niya naman ako ng suklay.

Ilang sandali pa ay nagpaalam na si Shrell na aalis na siya. Kunyari pang inirapan ako ng gaga pero kinilig naman nang sabihin kong enjoy sa date nilang dalawa.

I'll support her as long as she's happy. Wala namang kaso sa 'kin kung sino ang makakatuluyan niya basta ay masaya siya, masaya na rin ako. Basta ay mabait at maalaga, ay okay ako ro'n para kay Shrell because she deserves to be treated like a princess and I hope, that man would do it.

The Untold Story Of Us (COMPLETED)Where stories live. Discover now