Kabanata 43

137 12 1
                                    

Hindi ko tinext si manang na uuwi kami kapag sem break dahil gusto ko sanang surpresahin siya pero mukhang ako ata ang nasurpresa sa naging sagot ni daddy.

Well, hindi pa ba ako nasasanay? Palagi namang ganito eh. Ni minsan hindi ko naramdaman na natuwa siya sa ginagawa ko. Ni minsan, hindi ko naramdaman na masaya siya tuwing makikita niya ako. Parents supposed to miss their child, right? Pero bakit si dad, parang ayaw akong makita?

Okay na rin siguro 'yon kasi sanay naman na ako na palaging ganoon ang trato niya sa akin. Mula pa pagkabata, ganito na ang nararamdaman ko sa kaniya kaya wala ng bago, pero, may parte pa rin sa 'kin na sana maramdaman ko na balang araw, ipaparamdam niya rin sa 'kin na anak niya ako at proud siya sa mga bagay na nagawa ko.

Bago matulog ay napag usapan namin ni Shrell na 'wag nalang kami pumasok bukas since hindi naman na required pumasok dahil mag se-sem break na rin naman.

Pumayag naman agad si Shrell dahil okay raw 'yon, aayain niya raw si Alfred lumabas. Sabi na nga ba, magdedate na naman ang dalawa. Bigla namang may pumasok na ideya sa 'kin. Magdate rin kaya kami ni Rendon? Papayag kaya siya? I think so.

Pumasok naman ako sa banyo para mag half bath. Hindi kasi ako nakakatulog kapag hindi nakakapag half bath kasi mainit sa pakiramdam. Habang nagsasabon ng katawan ay napansin ko ang sugat ko sa tagiliran. Nakaramdam naman ako ng pangamba nang maalalang ito ang sinugat sa 'kin ni AJ.

Nagpatuloy nalang ako sa ginagawa ko at ipinagsawalang bahala nalang 'yon dahil paunti unti ko na rin namang kinakalimutan ang mga pangyayaring 'yon. Ayokong makulong sa ideyang gano'n kaya sinusubukan ko ng alisin sa isipan ko ang mga nasaksihan.

Pagkatapos ko maghugas ng katawan ay dali-dali naman akong kumilos dahil alam kong may naghihintay sa 'kin. Sinuklayan ko naman ang buhok ko at itinali ito para naman hindi magulo kapag tiningnan ni Rendon.

Nagpaalam naman ako kay Shrell na magpapahangin lang sa rooftop since hindi pa 'ko inaantok. Hindi na rin naman siya nagtanong pa dahil hindi naman siya nanghihinala sa akin na halos gabi-gabi ako sa rooftop. Baka iniisip niya lang na gusto ko lang talaga magkaroon ng time para sa sarili ko.

"Okay, matutulog na 'ko. Kanina pa 'ko inaantok eh. Ikaw na bahalang maglock pagbalik mo ha," paalala niya. Nakahiga na siya ngayon sa kama niya at mukhang inaantok na nga pero napansin kong pinipilit niya pa ring gumamit ng cellphone.

"Yes, ma'am!"

"Baliw."

Pagkasarado ko ng pintuan sa kwarto ay dumiretso muna ako sa kusina para uminom ng tubig. Sinigurado ko namang nakasara na ang lahat ng bintana namin. Dumiretso na 'ko sa pintuan at binuksan ito. Pagkasarado ko nito ay napatitig na naman ako sa pintuan ng apartment ni AJ.

Napalunok ako ng laway at dahan-dahan akong lumapit doon. Parang may kung anong nag uudyok sa aking tingnan kung ano ang makikita ko sa likod ng pintuan na 'yan. Napalunok ako dahil sa kaba nang huminto ako sa tapat nito.

Kung bukas nga ito at makapasok ako sa loob, ano naman ang gagawin ko riyan? Wala naman akong kailangan. Maghanap kaya ako ng information about sa pamilya niya para sabihin kung ano ang nangyari sa kaniya.

Pero, kapag ginawa ko iyon, mapapahamak ako lalong lalo na si Rendon. Hays! Hindi ko na alam ang gagawin ko! Kinakain na talaga ako ng konsensya ko. Bahala na nga. Isipin ko nalang sigurong wala akong nasaksihan at panaginip lang lahat 'yon.

Nanginginig kong itinaas ang kamay ko para hawakan ang door knob. Nang mahawakan ko ito ay hindi muna ako gumalaw. Napapikit ako at nag isip kung bubuksan ko ba ito o hindi. Iminulat ko ang mga mata ko. Unti-unti kong inikot ang door knob at napahinto ako nang may maramdamang malamig na kamay na humawak sa braso ko.

The Untold Story Of Us (COMPLETED)Where stories live. Discover now