Kabanata 39

135 11 0
                                    

Nagising ako sa lakas ng tunog ng alarm clock namin. Bumangon agad ako para patayin ang nakakabanas na tunog nito. Bakit ba kasi nag alarm 'tong si Shrell eh wala naman kaming importanteng pupuntahan ngayon. Masiyadong istorbo sa tulog ang nakakarinding tunog ng alarm na 'yon.

Wait, may naiisip ako. Oo tama! May pupuntahan kami ngayon!

"Ahhhh! Shrell, gising!" Sigaw ko.

Binato ko pa siya ng unan sa kabilang kama at sumakto naman ito sa mukha niya kaya agad siyang nagising. Nakita ko naman ang pagkairita sa mukha niya pero hindi ko na 'yon pinansin dahil natataranta na ako rito.

"Ano ba 'yan! Bakit ka sumisigaw? Ang aga aga pa kaya." Reklamo niya at nagtalukbong ulit ng kumot na parang walang sumasagi sa isip niya ngayon.

Aba! Maaga raw. Hindi siguro 'to aware na ngayon ang unang araw ng pasukan! Magaling talaga. Napakagaling!

"Anong maaga pa? Late na tayo oy! First day of classes ngayon tapos late pa tayo! Ugh! Nakakainis!" Frustated na sabi ko.

Pinasadahan ko naman ang alarm clock at nakitang 7:00 AM na. Ghad! 7:30 AM ang pasok namin pero sure akong malilate kami dahil for sure traffic at punuan ang jeep. Ghad! Nakakainis naman. Ngayon lang kasi ako malilate sa buong buhay ko dahil palagi akong maaga sa iskwelahan dati.

"Ahhhhh! Oo nga! Shit! Ba't ngayon mo lang ako ginising?!" Natataranta niyang sagot habang inaalis ang kumot na nakabalot sa kaniya.

"Aba! Ngayon lang din ako nagising. Ako muna maliligo ha!" Kinuha ko agad ang tuwalya kong nakasabit at dumiretso na sa banyo nang hindi man lang nag aalangan. Siguradong sasakit ang tiyan ko nito dahil maliligo agad ako pero hindi bale na, ang importante ay hindi kami malate.

Dali-dali kaming nag ayos ng sarili ni Shrell. Habang naliligo ako ay nag aalmusal na siya. Pagkatapos kong maligo ay siya naman at ako naman ang mag aalmusal kaya nagsabay pa rin kami papasok.

Nagmamadali kaming bumaba ng hagdan nang makasalubong namin si AJ paakyat. Bahagya rin siyang nagulat sa presensya namin na tila ba'y hindi niya inaasahan na makita kaming natatarantang dalawa.

"Oh? Mukhang nagmamadali kayo." Aniya.

"Hindi lang mukha, nagmamadali talaga kami." Ani Shrell at saka hinila ulit ako pababa.

Aba! Binara niya si AJ ha. Ganito talaga siguro ang epekto kapag malilate na.

"Punuan na mga jeep kapag ganitong oras. Monday pa naman. Hatid ko na kayo." Ani AJ.

Napatigil si Shrell sa paghila sa 'kin at napabaling kay AJ. Ako naman ay hindi na umangal dahil need talaga namin ng help niya today! Ugh! Kung nandito lang ang kotse ko naku! Hinding hindi kami makikisabay sa kaniya.

"Talaga? Sure ka? Nakakahiya naman pero sige na nga! Teka, bakit parang ang chill mo lang? Hindi ka ba mali-late?" Sunod-sunod niyang tanong.

Juskoo naman Shrell! Nakuha mo pang magtanong eh mali-late na tayo. Gustong gusto ko na siyang batukan sa kadaldalan niya pero pinigilan ko lang ang sarili ko.

"Hindi. 8:30 pa pasok naming mga engineering students. Tara na! Mali-late na kayo!"

Hindi naman masyadong hassle ang biyahe namin papuntang school. Medyo matagal tagal din dahil hindi naman talaga nawawala ang traffic kahit may kotse ka pa.

"Salamat, AJ!" Sigaw ko nang bumaba na kami sa kotse.

"No problem!"

Nang makarating na kami sa school ay todo takbo ang ginawa namin ni Shrell para makarating sa education building. 2 minutes nalang kasi eh magsisimula na ang first subject namin. Juskoo! Ano ba 'to? First day of classes pero late agad. Awit. Bad impression ang dadalhin namin ni Shrell sa professor namin.

The Untold Story Of Us (COMPLETED)Waar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu