Kabanata 8

230 21 0
                                    

Agad akong bumaba ng kotse pagkarating namin sa bahay. Ganoon din naman ang ginawa ni Shrell at si Cedrix naman ay binuksan ang likod ng kotse niya at inisa isa naman naming kunin ang mga laman no'n at ipasok sa loob. Tumulong na rin sina manang at Shrell sa paghahakot.

"Ang dami naman pala ninyong pinamili juskoo," reklamo ni manang pabalik sa kotse para kunin ang iba pa.

"Syempre naman manang. Madami kaya kaming ipapaluto sa inyo," ani naman ni Shrell.

Totoo 'yan. Actually nakaplano na lahat. Plinano namin ni Shrell kanina noong nasa sentro pa kami.

"Oh siya sige. Basta tulungan niyo ako sa pagluluto ha. Hindi ko ito kakayanin mag isa," bilin ni manang.

"Syempre naman manang! Dito ko na nga papatulugin si Shrell bago ang birthday ko eh," sabat ko naman.

Pinag usapan namin ni Shrell na the day before my birthday eh dito na siya sa bahay matutulog. Pumayag naman siya kasi bonding na rin naman namin 'yong magkaibigan.

Nang matapos na kami sa pagkuha ng mga 'yon ay pumunta muna si Shrell sa kusina para makiinom daw ng tubig. Kilalang kilala ko na si Shrell. Sinadya niya talagang pumunta ng kusina kasama si manang para maiwan kaming dalawa ni Cedrix dito. Ghad! Kung hindi ko siya bestfriend eh matagal ko na siyang nabatukan.

Naiilang pa naman ako kay Cedrix. Hanggang ngayon kasi 'e pansin ko pa rin ang mga motibong pinapakita niya sa 'kin. Hindi naman ako manhid para hindi makita at maramdaman 'yon.

"Uh pasok ka sa loob. Tara!" Pag aya ko sa kaniya.

Mukha kasing wala pang balak lumabas si Shrell eh. Dito ko nalang sila pakainin tutal manananghalian na rin naman.

"Ayaw mo ba akong kausapin?" Aniya habang nakatingin nang diretso sa mga mata ko. Umiwas naman ako ng tingin sa kaniya. Kahit kailan talaga, napaka straight forward talaga ng lalaking 'to.

"About?" Balik kong tanong sa kaniya.

Wala naman kaming dapat pag usapan ha pero may pumapasok na ideya sa isip ko. Huwag mong sabihing doon na naman hahantong ang usapan namin?

"Nevermind. Tara!" Natatawa niyang tugon.

Napailing na lamang ako dahil doon. Nauna siyang pumasok sa loob at sumunod naman ako sa kaniya.

Alam ko kung ano ang ibig niyang sabihin. Gusto niya akong kausapin tungkol sa 'amin' where in fact wala namang kami. Gusto niya akong kausapin tungkol sa nararamdaman niya sa 'kin.

Una palang sinabihan ko na siya na wala siyang aasahan pero hindi ko alam kung bakit parang wala lang sa kaniya ang sinabi kong 'yon. Patuloy pa rin siya sa pangungulit sa akin na pumayag na akong magpaligaw sa kaniya.

Of course, I refused. I always refused. Kasi may hinihintay ako, kasi may pangako akong dapat tuparin kahit anong mangyari.

Pagkapasok namin sa loob ay nadatnan kong naghahanda na sila ng pagkain. Oo nga pala magtatanghalian na kaya naghahanda na si manang ng mga pagkain sa lapag.

Si Shrell naman ay tumutulong sa paglagay ng mga baso sa hapag. May mga nakalagay na ring mga plato roon. Iniisa isa ko namang tingnan ang mga ulam na nakahanda. May sinabawang karne, sari-saring gisadong gulay at adobo. Agad akong nakaramdam ng gutom nang makita ang adobo. Sheez! It's my favorite!

"Oh kayo pala! Hali kayo rito, kumain na tayo!" Alok ni manang.

Agad naman kaming umupo para kumain. Si Shrell naman ay ganoon rin ang ginawa. Habang kumakain ay panay ang tanong ni manang kay Cedrix at ganoon din naman si Cedrix.

"Where's tito pala?" Tanong ni Cedrix.

Ba't niya naman hinahanap si dad? Tiningnan naman ako ni manang na animoy sinasabing ako ang sumagot sa tanong ng binata.

The Untold Story Of Us (COMPLETED)Where stories live. Discover now