Kabanata 38

143 14 0
                                    

Tumagal ng 19 hours ang biyahe namin papuntang Manila. Malayo kasi ang probinsya ng Bicol kaya naman umaabot ng halos isang araw ang biyahe, depende rin kung gaano kabilis ang pagmamaneho ng driver ng bus. Ang sinakyan namin ay pahinto hinto sa kada bust stop kaya naman madaling araw kami nakarating sa terminal sa Manila.

"Whoa! Ang unlad na ng Manila ngayon ah. Noong nakapunta ako rito no'ng bata pa ako, wala pa diyan 'yang mataas na building na 'yan. Ang laki na talaga ng pinagbago nito ngayon," komento ni Shrell habang manghang manghang nakatingala sa tapat ng kalsada kung saan makikita ang mga nagtataasang gusali.

Kasalukuyan na kaming nandito sa katabing lugawan ng terminal. Nag aalmusal muna kami para kahit papaano eh mawala ang jetlag namin sa biyahe.

Medyo masakit pa ang katawan ko dahil hindi naman ako nakatulog nang maayos sa biyahe. Ikaw ba namang matulog nang nakaupo buong biyahe, tingnan nalang natin kung hindi sasakit ang katawan mo.

Ibang iba ang Maynila sa probinsyang kinalakihan ko. Maraming matataas na building, maraming mga sasakyan at kung anu-ano pang mga imprastraktura. Maingay din ito dahil marami ang mga tao hindi tulad sa lugar namin na kakaunti lang.

Madaling araw palang naman pero napapansin ko na may mga naglilibot at naglalako na ng mga paninda. Ganito talaga siguro ang Maynila, sobrang busy ng mga tao sa kaniya kaniya nilang buhay.

Pagkatapos naming kumain ay sumakay na kami ng taxi at sinabi ang address na binigay sa amin ni Tito Rob. Tinawagan na raw ni Tito Rob ang may ari ng apartment na tutuluyan namin kaya hindi na hassle sa 'min ang tutuluyan.

"Grabe, ang ganda talaga! Tingnan mo oh, ang taas ng building na 'yon. Ilang floor kaya ang naroon?"

Napapailing nalang ako sa ingay ni Shrell sa loob ng taxi. Gusto ko sanang umidlip pero hindi ko nagawa kasi sa ingay ng babaeng katabi ko.

"Shrell, please kahit ngayon lang, pwede bang manahimik ka muna?"

"Wow! Ang sama ha,"

"Eh ikaw kasi, gusto ko sanang umidlip pero ang ingay ingay mo,"

"Pagpasensiyahan mo na ako, sadyang sabik lang talaga ako rito sa Maynila. At saka 'wag ka ng umidlip kasi malapit na rin naman tayo."

Tulad nga ng sinabi niya ay hindi na ako umidlip. Masakit din 'yon sa ulo kasi hindi madi-diretso ang tulog. Mamaya nalang siguro kapag nakarating na sa tutuluyan.

Maya maya pa ay tumigil na ang taxi kaya lumabas na kami at nag abot ng bayad. Tinulungan niya na rin kaming ibaba ang mga dala dala naming gamit.

"Salamat po, kuya!"

Sinalubong agad kami ng land lady ng apartment na aming tutuluyan. Kinausap niya kami tungkol sa renta ng apartment at mga patakaran dito. Masasabi kong mabait ang land lady na 'to kaya madali namin siyang mapakikisamahan.

"Hay grabe, nakakapagod ang biyahe. Ang sakit ng katawan ko kainis." Reklamo ni Shrell. Nandoon na siya sa kama niya at nakahilata.

Isang room lang ang kinuha namin at nasa 4th floor pa ito kaya sa taas nito ay rooftop. Wala na kasing available room na iba dahil occupied na lahat. Malinis at maluwag ang loob ng silid. May maliit na kusina at may banyo. Isang kwarto lang ang narito pero dalawa namang kama ang nakalagay kaya tig isa kami ni Shrell ng kama. Wala akong masabi sa new place namin dahil mukhang magiging komportable naman ako.

"Oo nga, nakakapagod talaga. Hindi nga ako nakatulog nang maayos," sagot ko habang inaayos ang mga damit at gamit sa loob ng cabinet. Mabuti nalang dalawa ang cabinet dito kaya tig isa kami ni Shrell.

"Matutulog muna ako ha. Ang sakit talaga ng katawan ko. Gisingin mo nalang ako mamaya. Maaga pa naman para pumuntang school."

"Ngayon na tayo magpapa-enroll?"

The Untold Story Of Us (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon