Kabanata 26

157 15 1
                                    

Maghapon akong nagkulong sa kwarto dahil sa mga nangyari. Iniisip ko pa rin 'yong naging pag uusap namin ni Cedrix. Hindi pa rin ako makapaniwala na nalaman niya na ang sikreto ko.

I just hope na hindi niya ipagsasabi kay daddy ang mga nalaman niya. Sana nga pero hindi ako nakakampante. Malapit siya kay daddy kaya hindi imposibleng hindi niya sabihin ang tungkol sa bagay na 'yon lalo pa't sobra ko siyang nasaktan.

Chini-check ko rin from time to time ang cellphone at messenger ko para tingnan kung may reply na ba si Cedrix sa mga chats at texts ko sa kaniya pero wala. Sineen niya lang iyong last kong chat sa kaniya.

Napatakip ako ng mukha sa sobrang pag aalala. Hindi ko na alam ang gagawin ko. Agad akong napaupo mula sa pagkakahiga nang tumunog ang messenger ko. I thought it was from Cedrix but I was wrong.

Shrell Ramos:
Girl :(

Agad naman akong nagreply sa chat niya. Nag aalala ako kay Shrell dahil sa chat niya. Parang there's something wrong. Hindi kasi siya ganito eh at sa pagkakaalam ko ito ang unang beses niya magchat nang ganito na iba ang nararamdaman ko.

Cassandra Villary:
Hey. What's wrong?

Shrell Ramos:
I'm grounded :(

Cassandra Villary:
Hala! Bakit?

Shrell Ramos:
It's prank! AHAHAHA

Cassandra Villary:
Baliw ka talaga!

Actually hindi ako naniniwala sa excuse niya. Sinasabayan ko lang siya. Ganito si Shrell, halos puro kalokohan pero sa pagkakataong 'to ramdam ko na may mali.

Shrell Ramos:
Joke lang nga eh. Anyway, kumusta kana?

I'm actually not good, Shrell. Kung kaya at pwede ko lang sabihin sa 'yo na hindi ako okay ay ginawa ko na, but, hindi eh. Baka iba rin ang maging reaksiyon mo. How I wish I could tell and share you my thoughts right now.

Cassandra Villary:
Ayos lang naman. Ikaw?

Shrell Ramos:
Mabuti naman. I'm good. I'm better. Anyway, thanks for the time. If you have any problem, just call my name and I'll be there haha!

How I wish I could tell Shrell but I couldn't. Gustong gusto kong sabihin kay Shrell lahat ng problema at dinadala ko ngayon pero hindi ko magawa. Hindi ko magawa dahil hindi ako sigurado kung maiintindihan niya ang sitwasyon ko ngayon.

Hindi ako handa sa magiging reaksiyon niya kung sakaling sabihin ko. Tama na muna na si Cedrix ang nakakaalam dahil hindi ko na kakayanin pa pati kung si Shrell.

Nagreact nalang ako roon sa message niya at ibinaba ko na ang cellphone ko.

I skipped lunch today. Halos hindi nga ako nakakaramdam ng gutom dahil sa sobrang pag aalala na baka sabihin ni Cedrix kay daddy ang mga nalaman niya.

I'm so scared to the point na naiisip ko palang na alam na ni daddy, sobrang natatakot na ako.

Maagang dumating sa kwarto si Rendon. Sinigurado ko munang maayos ang itsura ko bago pa siya makapunta rito. Ayoko kasing mahalata niya ang pag iyak ko kahit halata naman dahil sa pamamaga ng mga mata ko. Sana nga ay hindi niya mahalata.

"You cried?" Pambungad niyang tanong.

Wew! Unang bugad, halata agad.

"H-Hindi ah. Teka kuha lang ako ng pagkain."

Agad akong bumaba sa kusina at kumuha ng pagkain. Naabutan ko naman doon si manang na kasalukuyang nagluluto ng hapunan.

"Ay juskoo mabuti namang lumabas kana sa kwarto mo. Nagugutom ka ba? Gusto mo bang kumain? Oh eto itinabi ko talaga sa 'yo 'yan kanina. Ininit ko na rin 'yan. Alam ko kasing bababa ka rin mamaya," ani manang.

The Untold Story Of Us (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon