Kabanata 29

138 14 0
                                    

"Lamara..." I whispered.

Bumungad sa 'kin ang hinang hina na si Lamara ngunit nang makita niya ako ay nagawa niya pa ring akong sugurin kaya napaatras ako sa kaba at takot. That was close! Muntik na ako! Binalot tuloy ako ng takot sa nangyari.

Mabuti nalang eh nakakadena siya dahil kung hindi, natuluyan niya na ako. Lumuhod din ako para magkatapat na kami ngayon pero sinigurado kong medyo may distansiya ako sa kaniya para kahit ibuntong niya sa akin ang galit niya ay hindi niya ako maaabot. Kahit na nakakadena pati ang mga tuhod niya ay siniguro ko pa ring huwag lumapit nang tuluyan sa kaniya.

"L-Lamara..." pagtawag ko ulit dito.

Kitang kita ko ang galit sa mga mata niyang nanlilisik nang ituon niya sa akin ang buong atensiyon. Pinasadahan ko naman ang buong katawan niya. Punit-punit na ang damit niya at ang dami niya ng sugat dulot ng paglatigo kanina.

Pero agad ko ring napagtanto na naghihilom ang sugat nila in just a minute kaya ibig sabihin pinahirapan pa siya bago umalis ang mga hunters dahil medyo sariwa pa ang mga sugat niya na nakikita ko ngayon.

Hindi ko lubos na ma-imagine ang sakit na naramdaman niya at nararamdaman niya hanggang ngayon.

"Lamara, I-I'm so s-sorry." Iyon ang tanging lumabas sa bibig ko nang magkaroon na ako ng lakas ng loob na magsalita.

Hindi ko alam kung bakit ako nagso-sorry sa kaniya. Pakiramdam ko kasalanan ko pa rin lahat ng 'to dahil hinayaan kong mangyari 'to pero hindi ko naman alam na ganito ang mangyayari.

Siguro kung hindi ako namulat sa existence nila at ng organisasyon na pinamumunuan ng ama ko ay hindi sana ako makakaramdam ng ganito ngayon. Simula noong mapagtanto ko ang mga misteryong bumabalot sa lugar namin ay parang naging magulo na ang lahat sa akin.

Nagsimula na namang bumuhos ang mga luha ko sa mga ideyang dumadaan sa isipan ko. Akala ko wala na akong mailuluha pa pero meron pa pala.

"T-Traitor..." Ani Lamara sa isang malamig ngunit may diin na boses.

Natigilan ako saglit sa pag iyak at bumaling sa kaniya. Am I a traitor? Traydor ba ako? Traydor ba ako sa lahi nila? Traydor ba ako kay Rendon? Tinatraydor ko ba ang lalaking mahal ko?

Napailing naman ako sa sinabi niya, trying to defend myself.

"N-No, I-I'm not," pagdepensa ko sa sarili ko.

Gusto kong magpaliwanag sa kaniya ng lahat-lahat pero sa ngayon ay walang lumalabas na boses sa bibig ko. Masiyado akong duwag sa ngayon lalo na sa harapan ni Lamara, ng kauri niya.

I am not a traitor because I am not supporting this organization. I am against with this. Nagkataon lang na anak ako ng commander na nagpapatakbo ng organisasyong ito at alam ko sa sarili ko na hindi ko gusto ang pagkakaroon ng ganitong grupo.

Narinig ko naman ang bahagya niyang pagtawa sa sinabi ko. Parang hindi man lang siya nasasaktan sa pagkakataong ito dahil sa tawa niya. Palakas nang palakas ang tawa niya na para bang sobrang nakakatawa ang sinabi ko para sa kaniya.

Nang tuluyan niya nang nailabas ang tawa niya ay nagsalita na ulit siya. Nanatili naman akong nakikinig sa mga sinasabi niya dahil pakiramdam ko ay magkakaroon kami ng pagkakataong magkalinawan ngayon.

"Kung hindi ka traydor, anong ginagawa mo sa lugar na 'to?" Tanong niya.

Nakatitig lang siya sa mga mata ko at hinihintay ang magiging sagot ko. Napansin ko rin ang pagkawala ng iba niyang mga galos at sugat sa mukha. Umiwas naman ako ng tingin at napayuko nalang. Pinunasan ko rin ang mga luhang kumawala sa akin kanina para mas maayos akong makapagsalita ngayon.

The Untold Story Of Us (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon