Kabanata 6

244 24 0
                                    

"K-Kuya Rendon?!"

Nakatayo lang siya roon at nanatili pa ring nakatitig nang diretso sa mga mata ko. Habang ako ay gulat na gulat pa rin na makita siya rito sa harapan ko. Ibig sabihin ba nito ay siya ang nag iiwan ng mga bulaklak sa labas ng bintana ko? Bakit niya naman kaya ginagawa 'yon? Hindi kaya...

Dugdug. Dugdug.

Imposible naman ata ang iniisip ko. Masyado siyang matanda para sa akin at masyado naman akong bata para sa kaniya. Kuya ko siya kaya dapat hindi ko bigyan ng malisya ang mga ganito bagay.

"K-Kuya Rendon? I-Ikaw ba..." hindi ko matuloy tuloy ang sasabihin ko dahil nagugulat pa rin ako ngayon. Wala rin naman siyang imik. Alam niya na siguro kung ano man ang itatanong ko.

Siya nga siguro ang nag iiwan ng mga bulaklak sa labas ng bintana ko at tiyempo naman na hindi pa ako tulog nang mag iwan siya ng bulaklak ngayon kaya hindi pa siya nakakaalis.

Malaking palaisipan sa akin dati kung sino ang nag iiwan ng mga bulaklak dito pero ngayon, nalaman ko na na si Kuya Rendon ang nag iiwan ng mga ito. Bakit niya naman kaya ginagawa 'yon?

Napansin ko namang naglalakad na siya papalapit sa akin. Pupunta kaya siya rito sa 'kin? Paano naman siya makakapunta rito eh nasa pangalawang palapag itong kwarto ko? Imposible naman siguro na kumatok siya sa pintuan namin dahil hindi naman siya kilala ni dad.

Nagulat na lamang ako nang mapagtantong nandito na siya sa mismong harapan ko. Hindi ko man lang 'yon namalayan dahil masiyado akong nag iisip ng kung anu ano.

Kumurap kurap pa ako para masigurong hindi ako namamalikmata at napagtanto kong totoo nga na nasa harapan ko siya ngayon. Teka! Paano siya nakaakyat dito at tuluyang makaapak sa bubong?!

Ang kwarto ko kasi ay sa taas na ng balkonahe. Ibig sabihin sa baba ng bintana ko ay bubong ng balkonahe namin. Paano niya nagawang makapunta rito? Mas lalo tuloy akong kinakain ng pagtataka.

Wala pa rin naman siyang imik hanggang ngayon. Bukod sa kinakabahan ako dahil nandito siya, eh mas nagpapadagdag sa kabang nararamdaman ko ang ideyang baka may makakita sa kaniya.

Ano nalang kaya ang iisipin nila? Pero wala naman kaming ginagawang masama eh at isa pa tinuturing ko na siyang kuya ko kaya hindi na magandang pag isipan nila siya ng masama.

"K-Kuya Rendon...p-paanong..."

"Pinagalitan ka ba ng ama mo?" Diretsong tanong niya. Teka! Paano niya nalaman? Pati ba naman 'yon, alam niya?

"P-Paano mo nalaman?" Nagtatakang tanong ko.

"Narinig ko." Maikling sagot niya. Narinig niya? Ibig sabihin ba no'n eh nandiyan na siya sa labas no'ng time na pinapagalitan ako ni dad kaya niya narinig? Ano naman ang ginagawa niya sa labas ng bahay namin?

Napayuko nalang ako dahil dumaan na naman sa isipan ko ang mga sagutan namin ni dad. Hindi ko naman siguro kailangan pang sabihin sa kaniya ang mga detalye ng pagtatalo namin ni dad dahil narinig niya naman na eh.

Ilang saglit lamang ay tumingala ulit ako sa kaniya ata isinandal ko na ang ulo ko sa may bintana. Sliding window kasi ang bintana ko kaya ganoon.

"B-Bakit ka pala nandito?" Tanong ko.

Sheez, bakit parang hindi ko siya kuya kung kausapin? Nakalimutan ko na ang paggamit ng po. Baka kung anong sabihin at isipin niya dahil ganito ako umaakto ngayon.

"Kasi kailangan mo ng kausap." Diretsong sagot niya.

Napayuko ulit ako sa narinig mula sa kaniya at binalingan nalang ang bulaklak na hawak-hawak ko ngayon.

The Untold Story Of Us (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon