Kabanata 3

358 27 0
                                    

"Cassey..."

"Cassey...itong batang 'tong talaga." Naalimpungatan ako sa ingay na naririnig ko.

"Cassey bumangon kana. Inaantay kana ng dad mo,"

Kinusot ko ang mata ko para mas mabuhayan ang diwa ko. Itinaas ko ang dalawang kamay ko upang ma-stretch ito.

"Cassey...bumangon kana riyan. Juskoong batang 'to."

Naaninag ko si manang na inilalabas sa cabinet ko ang uniporme ko. Binalingan ko ang orasan sa gilid ng kama ko at nakitang 5:37 AM na ng umaga.

Bumangon ako at umupo sa kama. Kinusot kusot ko pa ang mga mata ko para mas luminaw ang paningin ko.

"Ang aga pa po manang," pagrereklamo ko.

"Basta bumangon kana riyan. Hinihintay kana ng dad mo sa baba," aniya.

Bahagyang lumaki ang mata ko sa narinig mula sa kaniya. Ako? Inaantay ni dad? Sigurado ba siya?

"Ha? Bakit po?" Nagtataka namang tanong ko.

"Isasabay kana raw niya papuntang school niyo dahil madadaanan naman daw 'yon sa pupuntahan niya. Nakahanda na ang baon mo at magmadali kanang mag almusal at maligo dahil kanina pa nag aantay ang daddy mo," mahabang paliwanag naman ni manang.

Agad akong napabangon sa narinig ko at kinuha ang tuwalya ko na nakasabit sa gilid.

"Mag almusal ka mu--" hindi na napatapos ni manang ang sasabihin niya nang magsalita ako.

"Hindi na po manang. Nagmamadali po ako." Natataranta kong sagot at agad pumasok sa banyo.

Nasasabik ako at natutuwa dahil ngayon nalang naging ganito ulit si dad sa akin. Ngayon nalang kami magsasabay sa pag alis sa bahay at ngayon nalang niya ako maihahatid sa school.

Paglabas ko ng banyo ay agad na akong nagbihis at nag ayos. Namiss ko ang ganito. Iyong natataranta at nagmamadali akong kumilos dahil kanina pa nag aantay sina mom and dad. Pero ngayon ay gano'n pa rin ang pakiramdam kahit si dad nalang ang nariyan.

Pagbukas ko ng pinto ay narinig ko ang pag andar ng kotseng papaalis. Agad akong napababa sa hagdan at sumalubong sa akin si manang na nag aalala.

"Umalis na ang dad mo. Ang tagal mo raw kasi. Male-late na siya sa trabaho." Sagot ni manang nang makita ako at inilapag ang mga pagkain sa mesa.

Tumakbo ako sa labas upang habulin sana ang kotse ni dad ngunit natanaw ko na medyo malayo layo na ito.

"Dad! Dad!" Sigaw ko ngunit batid kong hindi niya ako naririnig.

Hindi niya man lang ba titingnan ang side mirror niya? Ganoon ba talaga kaimportante ang pupuntahan niya para hindi ako magawang antayin kahit konti?

Ang kaninang buhay na buhay kong diwa ay parang napalitan at nabalot ng katamlayan. Sana pala hindi nalang ako nagmadali kung iiwan niya lang ako. Akala ko pa naman mababalik na ang dati naming samahan bilang pamilya. Akala ko lang pala dahil masiyado lang akong umasa sa mga sinasabi niya.

"Cassey, halika na. Kumain kana muna bago pumasok,"

Tahimik akong tumungo sa hapag kainan. Alam kong maski si manang ay ramdam ang nararamdaman ko ngayon.

"Hayaan mo na. Marami pang susunod na pagkakataon," ani manang at umupo sa harap kong upuan.

Tumango nalang ako sa kaniya bilang tugon. Naramdaman ko ang pagtulo ng mga luha ko. Siguro sobra akong umasa na magsasabay kami ni dad paalis ngayon at dahil hindi 'yon natupad ay sobrang nadisappoint ako.

"Punasan mo ang luha mo. Hindi bagay sa magandang dalagita ang umiyak," ani manang.

Napatawa naman ako nang kaunti sa sinabi niya. Dalagita, oo nga dalagita na ako. Buti nalang kahit papaano ay nandito si manang bilang tumayong nanay ko.

The Untold Story Of Us (COMPLETED)Where stories live. Discover now