Kabanata 41

133 15 1
                                    

Alam kong malalim na ang gabi pero nandito pa rin kami sa rooftop at nanatiling nakatingin sa lalaking nagngangalang Demeter, ayon kay Rendon. Nakatitig lang ito sa amin na parang binabantayan bawat kilos kahit ang paghinga namin, tuloy ay hindi ako makagalaw.

Naging agresibo ang itsura niya nang magtama ang paningin naming dalawa ngunit nanatili siyang kalmado sa kinatatayuan niya ngayon. Naaamoy niya siguro ang dugo ko ngayon kaya naman nag iba ang expression ng mukha niya.

"Sino siya?" Bulong ko kay Rendon na ngayon ay nag iiba na rin ang emosyon.

Nanatili pa rin akong nakakapit sa braso niya dahil natatakot na naman ako sa sitwasyon namin. Ayokong bumitaw dito dahil pakiramdam ko mapapahamak ako kapag ginawa ko 'yon.

"Siya ang kanang kamay ni ama at minsang nagpahamak sa 'ming mga bampira." Sagot niya pabalik nang hindi man lang natitinag ang tingin niya rito.

Para bang bawat salitang binanggit niya ay puno ng galit at pagkamuhi sa bampirang tinitingnan niya. Bakit kaya gano'n na lamang ang tingin sa kaniya ni Rendon? Sobrang laki ba ng ginawang kasalanan nito kaya ganito na lamang si Rendon kagalit sa kaniya?

Ibinalik ko ang tingin ko sa kaniya at nakitang nakangisi na ito. Isa pala itong traydor kung ganoon. Naramdaman ko naman ang pagdaloy ng takot sa buo kong katawan dahil sa ngisi niyang 'yon. Para bang ipinapahiwatig nito na isang maling galaw ko lang ay manganganib na agad ang buhay ko.

"May kasama ka palang tao. Isang maganda at sariwang binibini."

Hindi na ako nagtaka nang malaman niyang isa akong tao dahil naaamoy niya ang dugo ko sa sugat. Pisting yawa kasing Arjhon 'yan.

"Anong kailangan mo, Demeter?" Kalmadong tanong ni Rendon ngunit bakas sa tono ng pananalita niya ang inis sa presensiya nito

"Siya." Maikling sagot nito.

Itinuro niya pa ako kaya bahagya akong napaatras sa takot pero hindi ko pa rin binibitawan ang pagkakahawak ko kay Rendon. Mas lalo ko lamang itong hinigpitan kaya bahagyang napatingin si Rendon doon bago ibinalik sa unahan ang atensiyon.

"Kailangan ko siya para pawiin ang uhaw ko. Matagal tagal na rin mula nung makainom ako ng sariwang dugo ng tao at mukhang siniswerte ako ngayon," dagdag pa ni Demeter.

"Don't...hurt her or else...I'll kill you." May pagbabanta sa tono ng boses ni Rendon. Napasinghap na lamang ako nang ako mismo ay makaramdam ng takot sa mga salitang binitawan ni Rendon.

Natawa naman si Demeter sa naging sagot ni Rendon. Tila ba ang mga sinabi nito ay isa lang biro lamang para sa kaniya.

"Nagpapatawa ka ata, Rendon. Pinatay mo ang kaibigan ko tapos ngayon sasabihin mong huwag kong sasaktan ang taong 'yan? Isang malaking kahibangan haha!" Sigaw nito.

Pinatay? Ibig sabihin, patay na si AJ? Shit! Isang suntok lang naman 'yon kaya inisip kong nawalan lang siya ng malay pero hindi pala. Napatay siya ni Rendon! Anong gagawin namin? Paano ko 'to ipapaliwanag sa mga pulis?

Nawala ang mga pangamba ko nang mapaisip naman ako sa mga sinabi ni Demeter. Sinabi niyang kaibigan niya si AJ. Ibig sabihin sa silid ni AJ siya naninirahan. Now, everything makes sense na.

Kaya pala nakita ko si AJ na may dalang dugo. Para pala ito sa kaibigan niyang bampira. Pero bakit naman niya gagawin iyon? Bakit naman niya hahayaang tumuloy ang isang bampira sa silid niya? Bakit niya ito tutulungan? Matagal na ba silang magkasama? Hindi ba siya natatakot? Paano kung niloloko lang pala siya ng bampirang ito para gawing biktima niya?

"Marahil nagtataka ka tao kung ano ang koneksiyon ko sa kaibigan mo," ani Demeter na siyang ikinakuha ng buo kong atensiyon.

Kaibigan daw. Pagkatapos ng ginawang kahayupan ni AJ, ituturing ko pa siyang kaibigan? Hell no! Hindi ko siya kaibigan at hinding hindi ko siya ituturing na kaibigan!

The Untold Story Of Us (COMPLETED)Where stories live. Discover now