Kabanata 37

139 17 1
                                    

Nandito na ako ngayon sa kwarto ko at nag i-impake na ako ng mga gamit at damit ko para sa biyahe namin bukas. Halos dala ko na lahat-lahat at nag iwan lang ako ng iilan para naman kapag tiningnan ang cabinet ko ay hindi ako mukhang naglayas.

Isinama ko na rin ang photo album ko, diary at ang family picture namin sa side table ko. Lahat ng mga importanteng gamit tulad ng mga dokumento ay dala-dala ko para hindi na kailangan pang umuwi kung saka sakali.

Napasadahan ko ng tingin ang mga tuyong bulaklak na nakaipit sa mga libro ko nang buklatin ko ito. Dadalhin ko rin ba 'to? Para saan pa? Kapag nakikita ko ang mga bulaklak na ito ay naaalala ko lang siya pati na rin ang mga pinagsamahan namin. Bahala na nga. Naging parte rin naman siya ng buhay ko.

Sa huli ay kumuha nalang ako ng isang tuyong bulaklak at inipit ito sa diary ko. Magdadala ako ng isa para tuwing namimiss ko siya, titingnan ko lang ito para kahit papaano ay maibsan ang pangungulila ko sa kaniya.

Habang nag iimpake ako ay hindi ko maiwasang magdalawang isip sa naging desisyon kong 'to. Parang ayokong ilagay ang mga damit ko sa maleta. Parang gusto ko nang bawiin ang sinabi ko kay dad na papayag na ako pero syempre hindi naman pwede 'yon dahil naka oo na ako.

Nagdadalawang isip pa rin ako kung aalis na ba talaga ako sa kinagisnan kong lugar. Ang hirap pala magdesisyon ng ganito pero kung tutuusin, siya ang bilis niyang magdesisyon na iwanan ako.

Hays ayan na naman ako. Kahit anong gawin ko talaga eh hindi maiwasang hindi siya sumagi sa isip ko.

Inihanda ko na rin ang mga importanteng dokumentong kailangan ko para sa pahabol na enrollment sa papasukan naming university ni Shrell. Mabuti nalang daw ay tumatanggap pa sila ng mga late enrollees.

And speaking of Shrell, hindi ko alam kung alam niya nang pumayag na ako sa offer ni dad. Kailangan ko pa rin siyang i-inform.

Kinuha ko ang cellphone ko at hinanap agad ang number ni Shrell sa contact lists ko. Dinial ko ito at agad naman niyang sinagot.

[Hello Cassey?] Aniya sa kabilang linya.

"Hey! Shrell, pumayag na 'ko sa offer ni dad." Pambungad ko.

[Really? Ow em gee! Yes! Mabuti naman pumayag kana! Akala ko hindi ka papayag eh. Gusto ko na kasi umalis sa lugar na 'to eh kaya hindi na ako nag no sa offer ni dad.] Paliwanag niya.

"Hmm I see. Ako nga rin kailangan kong umalis dito. Anyway, nag i-impake na 'ko. Tomorrow daw alis natin according to dad."

[Ah yes! Ihahatid tayo ni dad sa terminal kaya daanan ka nalang namin bukas okay? Mag i-impake na rin ako ngayon so later na tayo mag usap. Bye bye!]

"Okay sige. Bye!"

[Babye! Labyu!]

Then she ended the call.

Malalim naman akong napabuntong hininga at pinagpatuloy ko na ang pag i-impake ko. Mabuti nalang eh malaki 'tong maleta ko kaya nagkasya ang mga damit ko. Sa backpack ko nalang ilalagay ang iba pang mga essentials katulad ng toothbrush, suklay at tissue.

Pinasadahan ko ang orasan at nakitang nasa 5:28 PM na. Bumaba na ako para magluto ng hapunan. Hindi naman kasi pwedeng si manang magpagod dahil kagagaling niya lang ospital kanina at saka isa pa hindi ko naman siya papayagan na magluto pa siya para sa 'min. Kaya ko naman gawin 'yon kaya ako na ang gagawa.

Nagluto lang ako ng kanin at ang paborito kong Adobo. Sinabayan ko na rin ng ginisang sari-sari para may gulay kahit pap'ano. Pagkatapos kong magluto ay dumiretso na ako sa kwarto ni manang para ihatid ang pagkain niya. Sinalubong niya naman agad ako nang makita ako.

The Untold Story Of Us (COMPLETED)Where stories live. Discover now