Kabanata 10

235 21 0
                                    

Unti-unti ko na ring nararamdaman ang hapdi sa noo ko. Shit! Nakita ko naman si Cedrix na agad lumabas ng kotse at kinausap ang makakasalubong sana naming kotse. Hihingi siguro siya ng pasensya dahil sa nangyari.

Ilang sandali pa ay nakita ko namang umalis na ang kotse at binuksan ni Cedrix ang pintuan ko. Agad siyang lumapit sa akin at inalalayan akong makalabas.

"Masakit ba? Shit! Dadalhin kita sa ospital. Shit." Aniya. Puro mura naman ang naririnig ko sa kaniya dahil kahit siya at tarantang taranta na.

"Huwag na Cedrix. Okay lang ako," pagsisinungaling ko.

Nararamdaman ko na kasi ang hapdi ng sugat sa noo ko. Hindi ko mawari kung maliit lang itong sugat ko pero tinitiis ko lang ang sakit.

"Sigurado ka ba?" Nag aalalang tanong niya.

"Oo."

May mga first aid kit naman doon sa bahay at isa pa malayo naman ito sa bituka. Nakakainis! Bagong bago pa ang kotse ko pero mukhang may damage agad. Hays, nakakapanghinayang, sobra.

Pinagmasdan ko naman si Cedrix at nakitang wala naman itong galos o sugat sa mukha tanging ako lang. Hinawakan ko naman ang ulo ko nang maalalang nakalimutan ko nga palang mag seat belt kaya ako 'yong napuruhan.

Ghad! Ang tanga ko. Sigurado akong pagagalitan ako ni daddy nito. Sigurado akong mas mag aalala 'yon sa perang ginastos niya at hindi sa 'kin.

"Cedrix, umuwi nalang tayo," pag aya ko sa kaniya.

"Uuwi na talaga tayo, Cassey. Kailangan magamot 'yang sugat mo."

"S-Sige at saka sana hindi na 'to makarating kay dad."

Iniisip ko kasi since malapit siya kay dad eh kakamustahin siya nito at sasabihin ang nangyari ngayon at kapag nagkataon, baka bawiin sa 'kin ni dad ang regalo niya. Noooooo! Ayoko! Matagal ko ng pangarap magkaroon ng kotse 'no. Hindi ako papayag na mawala pa 'to.

Kasalukuyan na kaming bumabiyahe pabalik ng bahay. Si Cedrix ang nagmaneho at pansin ko na bihasang bihasa na siya rito. Napapangiwi naman ako sa tuwing kumikirot ang sugat ko. Sana naman hindi ito masiyadong malaki para mabilis lang maghilom.

Habang bumabiyahe kami ay hindi maalis sa akin ang ideyang may damage na agad ang bagong kotse ko. Nakakapanghinayang lang talaga. Kabago bago tapos ganito agad ang nangyari.

Hindi ko alam kung sisisihin ko ba ang sarili ko o si Cedrix na siyang piniling ibunggo ang kotse sa puno. Pero iniisip ko rin na kung hindi niya ginawa 'yon ay malamang mas malala pa siguro ang nangyari sa akin.

"Hays,"

"Huwag kang mag alala. Malapit na tayo." Ani Cedrix nang mapansin ang nga kinikilos ko.

"Hindi 'yan ang iniisip ko."

Nanatili pa rin ang atensiyon niya sa kalsada pero nakita ko ang marahang pagkunot ng kilay niya.

"Bagong bago may damage agad. Nakakainis!" Bulalas ko sa sarili.

"Ibang klase. Yung kotse pa talaga ang inaalala mo instead na 'yang sugat mo," aniya. Hindi na rin naman ako sumagot at nanahimik nalang.

Nang makarating kami sa bahay ay agad kaming sinalubong ni manang na gulat na gulat.

"Ay juskong bata ka! Anong nangyari sa iyo?!" Natataranta niyang tanong.

"Manang, mamaya ko na ho ipapaliwanag."

Dumiretso na ako papasok ng bahay at sumunod naman sila. Hindi ko magawang tingnan ang kotse ko bago pumasok kasi feeling ko mas lalo lang akong maiinis kapag ginawa ko 'yon.

The Untold Story Of Us (COMPLETED)Where stories live. Discover now