Kabanata 23

169 16 0
                                    

Ilang minuto rin ang tinagal namin doon sa park. Hindi kami masiyadong nagsasalita pareho pagkatapos naming banggitin ang mga salitang 'yon. Hindi ko alam kung nahihiya kami sa isa't isa o sadyang ayaw lang namin maputol ang koneksiyon naming dalawa.

Hindi ko rin binabalingan ang oras kasi pakiramdam ko eh, kailangan ko nang umuwi kapag tumitingin ako sa orasan kaya hindi ko alam kung anong oras na ngayon.

Siguro malalim na ang gabi dahil nagsisiuwian na ang ibang taong naririto pero ako? Wala pa rin akong balak umalis. Gusto ko pang manatili rito kasama siya. Gusto ko pang magpahinga sa balikat at presensiya niya. Parang ayoko na ngang umuwi eh, pero kailangan ko pa ring umuwi dahil alam kong mag aalala sa akin si manang.

Nabalot kami ng katahimikan pagkatapos naming magpalitan ng I love you's. Hindi pa rin ako makaget over sa sinabi niya kanina. Naririnig ko pa rin ang boses niya sa isipan ko. Ghad! Ganito pala kalala ang epekto ng mga salitang 'yon kapag galing mismo sa minamahal mo.

"I love you."

Napangiti na naman ako habang inaalala. Para na akong timang dito dahil parang paulit ulit kong naririnig ang boses niya sa isipan ko. Nababaliw na siguro ako, nababaliw na sa kaniya sa pagkakataong 'to. Ghad! Rendon, why are you doing this to me?

Ano kaya kung dito nalang kami matulog? Kahit sa kotse nalang ay okay lang sa akin, pero hindi nga pala pwede kasi baka tawagan ni manang si daddy at sabihing nawawala ako. Hindi magandang ideya 'yon!

Ghad! Baka ipahanap pa ako ni dad sa mga katrabaho niya kapag nagkataon! Sigurado akong hahalughugin nila ang buong lugar namin doon. Oo nga pala, kailangan kong itext si manang na okay lang ako para hindi na siya mag isip ng kung anu-ano pa.

Bago ko pa makuha sa bag ko ang cellphone ko ay narinig ko na ang pagtunog nito. Sakto naman ang pagtext ni manang dahil marereplyan ko agad iyon.

From: Manang

Juskoo, Cassey. Nasaan ka na bang bata ka? Nag aalala na 'ko sa 'yo.

Agad ko namang nireplyan iyon. Si Rendon naman ay tahimik lang sa tabi ko at pinapanood ang ginagawa ko. Nacoconfused siguro siya kung ano itong hawak ko. Explain ko nalang sa kaniya mamaya para aware siya.

To: Manang

Pasensya na po manang, baka hindi po ako makauwi ngayon. Tutuloy nalang po ako kina Jap.

From: Manang

Juskoo mabuti namang nagreply kang bata ka. Oh siya sige mas mabuti nga iyon dahil malalim na ang gabi. Delikado pa naman sa daanan. Tatawagan ko na sana ang daddy mo juskoo. Sobra na kasi akong nag aalala sa 'yo iha.

Agad nanlaki ang mga mata ko sa nabasang text ni manang. Sinasabi ko na nga ba. Mabuti nalang eh hindi niya pa tinatawagan dahil kung oo, patay ako nito! Baka isang buong taon ako hindi palabasin ni dad sa bahay.

To: Manang

Manang 'wag po. 'Wag niyo pong tatawagan si dad. Okay lang po ako. Maayos po ang kalagayan ko rito kina Jap. Uuwi naman po ako bukas ng umaga. 'Wag na po kayong mag alala. Promise, okay na okay lang po ako.

From: Manang

Mabuti naman. Basta bukas, umuwi kana kapag may araw para siguradong ligtas sa mga bampira ha?

Napatitig naman ako sa naging mensahe ni manang. Hindi ko alam kung ano ang dapat kong maramdaman. Nagi-guilty din ako nang kaunti.

Ligtas naman po ako manang. Bampira nga ang kasama ko ngayon eh at alam kong hinding hindi ako sasaktan o ipapahamak ni Rendon because he loves me. He said, he really do.

Pinasadahan ko ng tingin si Rendon at nakitang nakatingin na siya sa unahan. Napansin niya naman na nakatingin ako sa kaniya kaya bumaling siya sa 'kin. Ngumiti naman ako sa kaniya at ibinalik ang atensyon sa cellphone ko.

The Untold Story Of Us (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon