Kabanata 12

226 24 0
                                    

Dahil birthday ko ngayon at na-appreciate ko ang mga sorpresang inihanda nila para sa 'kin eh pumayag na ako. Wala namang masama 'di ba? Kakausapin lang naman ako ni Cedrix kahit alam ko na kung saan naman hahantong ang pag uusap namin.

Nakasunod lang ako sa kaniya. Hindi ko alam kung saan kami pupunta basta sumusunod lang ako sa kaniya sa paglalakad.

Naghiyawan at nag asaran naman ang mga kaibigan namin noong dumaan kami banda sa kanila. Syempre, nangunguna ang gagang si Shrell.

"Uy uy, ano 'yan ha? Saan kayo pupuntang dalawa? Magmo-moment ganon?" Ani Shrell sa mapang asar na tono. Ginagatungan naman ng iba pa ang mga sinabi ni Shrell. Napapailing nalang si Cedrix sa mga sinasabi nila.

"Umayos nga kayo. Mag uusap lang kami." Sagot ni Cedrix na parang nahihiya dahil sa pang aasar ng mga kaibigan namin.

"Anong klaseng pag uusap 'yan? Sama me hihi." Sabat naman ni Jap pero agad naman siyang tinapik ni Mary Anne.

"Kapal mong bakla ka. Ang sabihin mo gusto mo lang masolo si fafa Cedrix." Ani naman ni Mary Anne.

"Che! Pangit mo!" Pang aasar pabalik ni Jap kay Mary Anne at syempre napikon ang babae kaya naghabulan sila doon sa swimming pool.

Todo banta pa si Mary Anne na sasakalin niya si Jap kapag nahuli ito. Iniwan nalang namin sila roon at nagpatuloy nalang kami sa paglalakad sa kung saan.

Ilang sandali pa ay natanaw ko na ang gate ng resort. Agad ko namang kinalabit si Cedrix.

"Teka! Aalis tayo?" Gulat kong tanong sa kaniya. Bumaling naman siya sa 'kin.

"Nope. Hindi naman talaga tayo aalis. May pupuntahan lang," saad niya.

"'Eh, ba't lalabas pa tayo?" Tanong ko ulit sa kaniya.

"Basta. Just trust me, okay?"

Hindi ko alam pero tumango nalang ako sa kaniya. Hindi naman siguro namin iiwan ang mga kaibigan namin doon 'di ba? Walang gagawing masama sa 'kin si Cedrix dahil alam niyang malaki ang tiwala sa kaniya ni dad.

Maya-maya pa ay huminto si Cedrix at ganoon din ako. Andito na pala kami. Namangha ako sa ganda ng view na nakikita ko ngayon. Nasa itaas kaming parte at sa baba naman ay kitang kita ang malawak na mga swimming pool ng resort na ito.

Nakikita ko rin ang mga kalokohang ginagawa ng mga kaibigan namin. Sa unahan naman ay nakikita ang labas ng resort which is sabi ng nangangalaga rito ay isa raw malawak na palaisdaan. Kaya pala sa loob ng resort ay may parte doong may mga isda.

"Ang ganda pala nito," papuri ko sa paligid.

Si Cedrix naman ay nanatiling tahimik at dinadama rin ang ganda ng natatanaw naming view. Napagdesisyunan kong magsalita na dahil mukhang wala pang balak magsalita 'to si Cedrix.

"Cedrix," napalingon naman siya sa 'kin. "Ano ba 'yong pag uusapan natin?" Tanong ko.

Ayoko kasing magtagal dito dahil gusto ko na rin naman magswimming at makisali sa mga kalokohan nila sa baba.

"Actually, wala naman. May ibibigay lang ako sa 'yo," aniya.

May kinuha siya sa bulsa niya na isang maliit na box. Kinuha niya ito at tumambad sa 'kin ay isang bracelet na may mga butterfly design na nakapalibot dito. Napaangat ako ng tingin sa kaniya at nakita kong nakangiti na siya.

"Para saan 'yan, Cedrix?" Tanong ko.

Sumenyas naman siya sa 'kin na itaas ko ang kamay ko at dahil ayokong makasakit na naman ako eh, ginawa ko nalang.

"This is for you, Cassandra. Happy birthday! I will always be your number one admirer." Binibigkas niya ang mga salitang 'yan habang sinusuot sa akin ang regalo niya.

The Untold Story Of Us (COMPLETED)Where stories live. Discover now