Kabanata 47

145 15 0
                                    

Rendon's POV

Pagkatapos ng gabing saksi sa kung paano kami nasaktang dalawa sa magkaibang pagkakataon, pakiramdam ko parang mas lalong lumalamig ang bawat gabing dumaraan sa buhay ko.

Ang mga araw, oras at panahon ay hindi na katulad ng dati na kay saya at sigla. Pakiramdam ko, hindi na matatawag na gabi ang gabi ng wala siya. Pakiramdam ko may kulang sa 'kin at alam kong siya 'yon.

Hinding hindi ko makakalimutan ang itsura niyang nasasaktan ng dahil sa 'kin, ng dahil sa mga sinabi ko. Ang bawat luhang pumapatak sa mga mata niya ay ang paulit ulit na kirot na nararamdaman ng puso ko.

Seeing her crying is a torture for me. Mas nasasaktan ako kapag nakikita ko siyang nasasaktan kahit ako ang dahilan.

I broke up with her without reasons. Alam kong masakit 'yon para sa kaniya pero mas pinili kong huwag na lang magbigay ng rason kung bakit ako nakikipaghiwalay kahit na basang basang ko sa isipan niya na gusto niyang bigyan ko siya ng rason kung bakit.

Ayokong sabihin ang totoong dahilan dahil alam kong hindi naman siya papayag. Ayoko namang gumawa nalang ng dahilan dahil ayoko sa kaniya magsinungaling. Mas mabuti ng walang rason para siya na mismo ang mag isip kung bakit ako nakikipaghiwalay at nang sa gano'n, magalit siya sa 'kin at mabilis niya akong makalimutan.

Mas pipiliin kong masaktan ako sa desisyon at gagawin ko kaysa makita siyang nasa panganib. Hindi biro ang kakayahan ni Dilan. Maaari niya akong traydurin at magkagulo ang lahat. Maaari niyang ipahamak si Cassandra tulad ng sinasabi niya. Kayang kaya niyang gawin ang mga bagay na mas lalong magpapasakit sa 'kin at sa kaniya.

Mahihirapan kami kung hindi ito ang naging desisyon ko dahil alam kong may gagawin si Dilan na hindi ko ikatutuwa. Alam na alam niya kung ano o sino ang kahinaan ko kaya wala akong ibang choice. Gusto ko palagi siyang ligtas. Kahit wala man ako sa tabi niya, sisiguraduhin ko pa rin ang kaligtasan niya.

Kaya nang gabing makipaghiwalay ako sa kaniya, umalis agad ako. Hindi ko kayang tingnan nang matagal ang itsura niya. Hindi ko kayang makita siyang nasasaktan dahil sa mga sinabi ko. Hindi ko kayang pagmasdan ang maganda niyang mukha na ngayon ay durog na durog na sa akin.

Umalis lang ako sa harapan niya pero hindi talaga ako umalis sa paligid kung nasaan siya. Babantayan ko siya. Kahit may kalayuan na ako sa kaniya, parang nakikita ko pa rin ang itsura niya. Naririnig ko pa rin ang mga hikbi niya at nababasa ko ang mga iniisip niya.

Punong puno siya ng tanong na bakit. Bakit ko ginawa iyon? Bakit parang ang dali lang para sa 'kin bitawan ang mga salitang 'yon?

Gustong gusto ko siyang balikan. Gustong gusto ko siyang yakapin at alisin ang sakit na nararamdaman niya kahit ako ang dahilan nito pero hindi maaari. Hindi pwede dahil baka bawiin ko nalang ang mga sinabi ko kapag ginawa ko 'yon.

Baka kalabanin ko nalang lahat ng mga kauri ko at magpakalayo layo nalang kasama siya pero hindi pwede dahil hindi kami magiging masaya kung nasa tabi lang namin ang panganib. Kaya mas mabuti nang ganito. Mas mabuti nang nakipaghiwalay ako sa kaniya para hindi na siya mapahamak pa.

"Kuya Rendon?"

Hindi ako lumingon kay Reevor. Alam kong kanina pa siya nariyan at pinagmamasdan ako pero wala akong pakialam. Wala akong pakialam kung anong iisipin niya.

"Umiiyak ka, kuya?" Tanong niya.

Itinaas ko naman ang kamay ko para kapain ang mga mata ko at oo, umiiyak nga ako. Yes, vampires do cry because we also have feelings and emotions. Nakakatawa na hindi ko man lang namalayan.

"I'm not crying, Reevor." I lied kahit na sobrang obvious na.

Tumayo na ako sa pagkakaupo at hindi pinansin ang presensya ng batang bampira. Tumalon ako sa balcony at nagsimulang tumakbo papunta sa bahay nila.

The Untold Story Of Us (COMPLETED)Where stories live. Discover now