Kabanata 30

152 14 0
                                    

Pagkarating namin sa bahay ay umakyat agad ako sa kwarto ko at doon ibinuhos lahat ng bigat na nararamdaman ko ngayon. Hindi ko kaya kung kikimkimin ko lang lahat ng 'to. Kailangan ko itong iiyak. Hindi ako matatahimik kung ganito kabigat ang nararamdaman at pinagdadaanan ko ngayon. Kailangan ko itong ilabas.

Si Cedrix naman ay nanatili sa baba at kinakausap si manang. Bago kasi ako umakyat dito ay tinanong ako ni manang kung anong nangyari pero hindi ko siya magawang sagutin. Marahil si Cedrix na ang nagpaliwanag sa kaniya ng lahat-lahat. Mabuti na rin siguro iyon para hindi ko na maisip ang mga pangyayari kahit papano.

Hindi ko pa rin maiwasang hindi isipin lahat ng mga nangyari ngayong araw. Ang pagkakadakip kay Lamara, ang pagkakaroon ng operasyon ng mga hunter, ang galit na nararamdaman ni dad sa 'kin at ang mga sinabi ni Cedrix na siyang nagpapagulo ng isipan ko. Masyadong komplikado at masyadong masakit. I am so tired!

Pakiramdam ko hindi ako makakatulog dahil sa mga bumabagabag sa 'kin. Kahit anong pilit kong paglimot, hindi ko pa rin magawa. Isama mo pa ang sinabi sa 'kin ni Cedrix bago kami pumasok sa bahay.

"Carefull, Cassey. What you are doing right now is soon to be your vampire's downfall."

His downfall? Ako ba ang magpapabagsak sa kaniya? Ako ba ang magpapahamak sa kaniya? No! Hinding hindi ko ipapahamak si Rendon. Hinding hindi ko siya sisirain.

Hindi ko kayang gawin iyon dahil kaya kong kontrolin ang sarili ko. Ni isipin ko nga na ipapahamak ko siya hindi ko na kaya, ang gawin pa kaya?

Speaking of him, ano na kaya ang ginagawa niya ngayon? Pupunta kaya siya rito? Alam niya na ba ang nangyari kay Lamara?

Pero nagkakaroon ng operation ang mga hunters ng ganitong oras kaya siguro baka hindi siya pumunta rito. Okay lang naman sa 'kin na dahil mas importante ang kaligtasan niya sa ngayon.

Siguro mabuti na rin iyon na 'wag na muna siyang pupunta rito dahil masyado pang delikado lalo pa't magtataka na 'yon si dad sa nakita niya kanina. Magtataka na 'yon kung ano ba ang koneksyon ko sa mga bampira.

Kilala ko si dad, hindi siya titigil hanggat hindi niya nalalaman ang mga bagay na nagpapagulo sa isipan niya at natatakot ako na baka malaman niya ang tungkol sa 'min. Kapag nagkataon ay hindi ko alam kung paano ko lulusatan 'yon.

Nakahilata lang ako sa kama at nakatitig sa kisame nang may makarinig akong katok sa pintuan ko. Hindi naman ako sumagot o nagsalita dahil baka si Cedrix iyon. Ayoko muna siyang makausap at makita ngayon dahil sa mga nangyari kanina.

Nang hindi ako rumisponde ay kumatok ulit siya.

"Cassey ako 'to," ani manang.

"B-Bakit po?" Tanong ko ngunit hindi pa rin ako umaalis sa pwesto ko. Hindi ko alam kung papapasukin ko ba si manang o hindi na. Baka mamaya intrigahin niya ako kung bakit ganito na lamang kabigat ang awra ko.

"Maaari ba kitang makausap sandali?" Tanong niya ulit.

Tungkol saan naman kaya ang pag uusapan namin? Malamang tungkol iyon siguro sa mga sinabi ni Cedrix. Alam niya na kung ano ang mga nangyari kaya gusto niya sigurong malinaw sa kaniya.

Napagdesisyunan kong tumayo na at pagbuksan ng pintuan si manang. Siguro mas mabuti ring may makausap ako ngayon para naman mabawasan ang bigat sa dibdib na nararamdaman ko. Hindi ko 'to kaya mag isa eh and besides parang magulang ko na rin si manang. Hindi naman siya ibang tao sa akin.

Pagkabukas ko ng pinto ay bumungad sa 'kin si manang na may dalang tray ng pagkain. Oo nga pala, hindi pa pala ako kumakain ng dinner pero sa totoo lang hindi naman ako nakakaramdam ng gutom. Kahit nga ang pagkilos pakiramdam ko eh wala na 'kong gana. Parang ayoko na ng gumalaw, magsalita at mag isip. Mas lalo lang kasi akong nahihirapan.

The Untold Story Of Us (COMPLETED)Where stories live. Discover now