Kabanata 31

151 14 0
                                    

Kanina pa ako iyak nang iyak dito sa labas ng emergency room. Si Cedrix naman ay tulala lang at parang may iniisip. Hindi ko maiwasang hindi sisihin ang sarili ko sa nangyayari kay manang ngayon. Kasalanan ko 'to. Kasalanan ko kung bakit nandito siya ngayon sa ospital.

Dapat hindi na 'ko nagpaliwanag pa kay manang. Dapat hindi na ako sumagot sa kaniya. Alam kong dinibdib niya 'yong mga sinabi ko kaya siya nandito ngayon. Shit! Hindi ko man lang inisip na mahina ang puso ni manang at madali siyang ma-stress. Ghad! Ang tanga ko!

Napatayo kaagad ako sa kinauupuan nang lumabas ang doctor sa emergency room. Lumapit din si Cedrix sa gawi ko at itinuon ang atensiyon sa doktor.

"D-Doc, k-kumusta po si manang?" Kinakabahang tanong ko.

"The patient is stable now but she's still unconscious kaya mananatili pa rin siya rito sa ospital and right after na magising siya, hindi muna siya pwedeng umuwi because we would still monitor her condition. Sa ngayon, itatransfer na namin siya sa isang stable room and please make sure na kapag nagising na siya, iwasan ang mga bagay na makakapag pa-stress sa kaniya lalo pa't medyo may edad na ang pasyente." Paliwanag ng doctor.

Nabawasan naman ang pag aalala ko kay manang sa sinabi ng doctor. Kahit na okay na siya, hindi pa rin talaga siya maayos.

I'm so sorry, manang. Kasalanan ko 'to. Kasalanan ko kung bakit nandito siya. Ang dami niya ng iniisip tapos dumagdag pa ako.

"Thank you doc." Ani Cedrix.

"Okay. Maiwan ko muna kayo." Pagpapaalam ng doctor.

"Sige, doc."

Bumaling naman ako kay Cedrix at nagtama ang mga mata namin. Hindi ko mabasa o mahulaan kung anong emosyon ang nararamdaman niya ngayon. Marahil galit o kaya naman naiinis siya sa 'kin dahil alam niyang ako ang may kasalanan lahat ng 'to.

"Aalis muna ako. Pinapatawag ako ni tito sa headquarter." Malamig na tugon ni Cedrix.

Tumango naman ako sa kaniya. Kinakabahan ako dahil alam kong sa pagkakataong 'to, alam na ni dad ang tungkol sa nangyari kay manang at pinapapunta pa siya roon. Hindi ito maganda. Hindi maganda ang mangyayari ngayon. Sigurado akong galit na galit na si dad sa 'kin ngayon at hindi ko alam kung may mukha pa ba akong maihaharap sa kaniya.

Paano kung sabihin ni Cedrix ang tungkol sa 'min ni Rendon? Paano kung ilaglag niya ako? Paano na? Titripli ang galit ni daddy sa 'kin nito.

"Cedrix..."

Pinigilan ko siya at hinawakan sa braso. Napatigil naman siya sa paglalakad at bumaling sa 'kin.

"Cedrix, please?"

Alam kong alam niya ang ibig at gusto kong sabihin ngayon. Alam niya pero pinili niyang alisin ang pagkakahawak ko sa braso niya at sinabing...

"Let go of me."

Nagpatuloy na siya sa paglalakad at sa pagkakataong iyon ay nawalan na ako ng pag asa na hindi niya sasabihin kay daddy lahat. Bahala na. Fuck! Hindi ko na siya mapipigilan pa. Ang hirap hirap na!

Pagkaalis ni Cedrix ay napaupo ako sa hallway ng ospital. Napatakip ako sa mukha at ipinagpatuloy ang pag iyak ko. Hindi ko na kaya lahat ng 'to. Ang bigat-bigat na. Nag sabay-sabay na lahat-lahat. Nakakapagod. Napapagod na ako, sobra sobra at hindi ko alam kung kakayanin ko pa.

Napagdesisyunan kong kumain na muna kasi nakaramdam na ako ng gutom. Hindi kasi ako nakapag almusal kanina dahil isinugod namin sa ospital si manang. Tarantang taranta ako kanina at sobra akong nagpapanic. Sobrang takot ang naramdaman ko sa kalagayan ni manang kanina.

Pumunta ako sa food court dahil malapit lang naman dito 'yon. Wala na akong pakialam na pinagtitinginan ako ng ibang nandito kasi nakapantulog pa ako. Hindi ko naman kasi magawang ayusin pa ang sarili ko knowing na inatake na nga si manang sa puso.

The Untold Story Of Us (COMPLETED)Where stories live. Discover now