Kabanata 46

148 17 1
                                    

Naalimpungatan ako sa ingay na naririnig ko. Magkahalong sigaw at putok ng baril ang mga ito na animo'y nasa hindi kalayuan. Agad akong napabalikwas sa kinahihigaan ko at napahawak sa ulo. Medyo nahihilo pa ako kaya hinilot hilot ko muna ang sentido ko.

Nang masigurong ayos na ay inilibot ko naman ang paningin ko sa paligid ng buong kwarto. I'm sure this isn't my room. Halos wala akong nakikitang ibang gamit bukod sa kinahihigaan ko at ang maliit na mesa sa gilid nito.

"Shit." Marahan akong napamura nang maalala kung ano ang mga nangyari.

Ang mukha ni daddy ang huli kong nakita bago ako mawalan ng malay. Fuck! He even asked for forgiveness. Pinatulog niya ako para hindi ko mahadlangan ang plano niya. Ghad! Ibig sabihin nito ay nagkakagulo na ngayon. Shit!

Pinasadahan ko naman ng tingin ang bintana at nakitang maggagabi na kaya agad akong tumayo para subukang buksan ang pintuan.

"Open this damn door!" Sigaw ko habang pinupukpok ang pintuan ngunit tila'y wala man lang nakakarinig sa 'kin ngayon. Shit! So, I have no choice.

Buong pwersa kong tinulak at sinipa ang pintuan ngunit halos wala man lang pagbabago rito. Napahilamos nalang ako sa mukha ko. Shit! This can't be!

Maaaring kasalukuyan nang nilulusob ng mga hunters ang teritoryo ng mga bampira. Shit! Si Rendon! Kailangan ko siyang makita! Kailangan ko siyang iligtas! Hindi ko hahayaang mawala siya sa 'kin ngayon.

Mabigat ang paghinga ko nang balingan ko ang bintana. Wala ng sikat ng araw pero medyo maliwanag pa ang paligid. Mabibilis din ang tibok ng puso ko ngayon dahil sa pagkataranta sa mga nangyayari. Si Rendon, kailangan ko siyang makita!

Binuksan ko ang bintana pero sobrang tigas nito na animo'y nakalocked din. Napasabunot nalang ako sa buhok ko nang makita ang bakal na nagsusuporta sa bintana upang hindi ito mabuksan. Mukhang siniguro talagang hindi dapat ako makalabas dito.

"Shit! Wala akong madadaanan." I whispered.

Kinuha ko ang mesa sa gilid ng kama. Ito ang gagamitin ko para basagin ang bintana since wala namang ibang gamit dito. Medyo may kabigatan ang mesa pero buong lakas kong itinulak ito sa salaming bintana ngunit wala pa ring nangyayari rito.

Inulit ulit ko ang pagtulak sa bintana gamit ang mesa hanggang sa unti unting nagkakaroon ito ng crack at mabasag na rin sa huli.

Napangiti ako sa loob-loob ko at tuluyan na ngang lumabas sa bintana na hindi iniinda ang maliliit na galos na natamo ko kanina.

Nang makalabas ako ay mas lalong luminaw sa 'kin ang ingay na naririnig ko sa hindi kalayuan. It seems like na kanina pa nagsimula ang labanan sa pagitan ng dalawang uri. Shit!

Nagsimula na akong tumakbo sa loob ng kagubatan. Kailangan kong makita si Rendon! Kailangan ko siyang masigurong ligtas! Habang tumatakbo sa kung saan ay maraming tumatakbo sa isipan ko.

Katulad na lang ng paano ko mahahanap si Rendon sa ganito kalaking gubat? Paano kung nandoon pa siya sa kaharian nila? Papa'no kung nasakop na ng mga hunter ang teritoryo nila? Paano kung wala na siya? Shit!

Napailing ako habang tumatakbo sa kung saan. Hindi! Hindi pwede! Hindi siya mamamatay! Hindi siya mawawala sa 'kin! Hindi mangyayari 'yon!

Napadaing ako at napapikit sa sakit nang mapatid ako sa isang malaking sanga ng puno. Nang dumilat ako ay sumalubong sa 'kin ang bangkay ng isang hunter.

Napasigaw ako at agad na tumayo pero agad ko ring ibinalik ang atensyon sa bangkay para pagmasdan ang itsura nito. Nakadilat ito at maraming kalmot. Napansin ko rin ang pagkaputla nito na animo'y wala nang dugo. Shit! Sigurado akong bampira ang may gawa nito!

The Untold Story Of Us (COMPLETED)Where stories live. Discover now