Kabanata 17

231 19 0
                                    

Pagkatapos ng pag uusap namin ni manang ay halos hindi ako pinatulog ng mga bagay na pumapasok sa isipan ko. Hindi ako makapaniwala. Masakit pala talaga malaman ang katotohanan. Akala ko, madali lang tanggapin pagkatapos mo nang malaman pero nagkakamali ako, sobrang hirap pala. Parang hindi na kinakaya ng utak ko.

Hindi ko alam kung ano na ang mangyayari sa amin ngayon ni Rendon dahil doon sa mga nalaman ko. Kagabi bago ako matulog ay nakita ko ang tatlong bulaklak sa labas ng bintana ko pero hindi ko magawang kunin 'yon hindi dahil sa natatakot ako kung 'di dahil ay nasasaktan ako sa mga nalaman ko.

Akala ko pwede na kami kasi nagkalinawan na kami ng nararamdaman namin sa isa't isa. Akala ko magiging masaya na kami at hindi na hahadlang ang panahon at pagkakataon pero akala ko lang pala. Hindi pala kami pwedeng dalawa.

Hindi kami pwede kasi mali at kasalanan ang magmahalan kami. Isa akong tao at siya ay isang bampira. Magkaiba kami ng uri at kahit pagbaliktarin pa natin ang mundo ay hindi pa rin kami pwede.

Sabi nga ni manang, ang mga tao ay para lamang sa mga tao at ang mga bampira ay para lamang sa mga kauri nito. Magkaiba kami kaya hindi kami pwedeng dalawa.

Napaiyak na naman ako sa mga naisip ko. Ang hirap tanggapin ng katotohanan. Ang dami ko ngang nalaman pero ang bigat bigat naman para sa 'kin lahat ng 'yon. Akala ko, magiging okay na ang lahat pero hindi pala. Hay, masasanay nalang siguro ako na ganito.

Ipinagkatiwala naman sa akin ni manang ang maliit na baul na ipinakita niya sa akin. Aniya'y ako na raw ang magtago dahil alam ko na rin naman ang totoo at wala na rin naman siyang itinatago. Pumayag naman ako dahil para sa akin, memory rin ito ni mommy at ng nilalang na minahal niya.

Binuklat ko ang diary ni mommy at nagsimulang magbasa roon. Habang binabasa ko ang mga nakasulat, hindi ko maiwasang hindi paghambingin ang sitwasyon nilang dalawa sa sitwasyon namin ni Rendon ngayon. Halos parehong pareho kami ni mommy. Nagkikita sila nang palihim katulad ng ginagawa namin ni Rendon.

Sa kabilang banda naman ay nagagalit ako sa mga kauri ni Rendon, nagagalit ako sa mga bampira. Dahil kung hindi dahil sa paglusob nila sa lugar namin ay hindi sana mamamatay si mommy pero somehow, alam kong may kasalanan din si mommy.

May malaking parte rin siyang ginampanan para mangyari ang nakakatakot na pangyayari na 'yon. Kung hindi siya nagmahal ng bampira ay hindi iyon mangyayari pero hindi ni mommy itinuring na kasalanan ang pagmamahalan nilang dalawa dahil nagmahal lang naman sila at wala namang masama roon. Tanging nagiging masama lang 'yon dahil iyon ang tinitingnan nila na anggulo.

Nasa kalagitnaan ako ng pagbabasa ng diary ni mommy nang tumunog ang cellphone ko. It was a text. Inaasahan kong si Shrell ito pero pagkabukas ko ng message ay si Cedrix ang bumungad.

From: Cedrix
Are you free today?

Nireplyan ko naman iyon.

To: Cedrix
Why?

From: Cedrix
May pupuntahan sana tayo if okay lang sa 'yo.

To: Cedrix
Where?

From: Cedrix
Your dad's workplace.

Nabuhayan ako pagkabasa ko no'ng reply niya. Malakas ang kutob ko na may kinalaman ang trabaho nila dad sa mga bampira dahil base sa kwento ni manang, sila dad at ang grupo nila ang nagligtas kay mommy at sa lugar na ito noong sumalakay ang mga nilalang.

Hindi na ako nagdalawang isip sa offer ni Cedrix kaya agad akong nagreply sa kaniya.

To: Cedrix
Sure. Pick me up.

Naligo na ako at nag ayos pagkatapos masend 'yon. Nagsuot lang ako ng plain shirt na may kaunting print sa unahan at jeans para hindi hassle gumalaw. Ilang sandali pa ay narinig ko na ang busina sa labas ng bahay. Kinuha ko na ang backpack ko at bumaba.

The Untold Story Of Us (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon