Kabanata 36

145 13 1
                                    

Dalawang araw na ang nakakalipas simula nang sabihin niya ang mga katagang sobrang nagpadurog ng puso ko. Ang mga salitang sana'y hindi ko nalang narinig. Sariwang sariwa pa sa akin ang sakit na dulot ng mga salita niya. Sariwang sariwa pa sa 'kin ang boses niya habang sinasabi ang mga salitang iyon na siyang naging dahilan kung bakit ako nalulungkot ng sobra ngayonm

Hindi ko siya maintindihan. Sana nakakabasa rin ako ng isip para alam ko kung bakit niya nagawang putulin ang koneksyon sa pagitan naming dalawa. Ang hirap at ang sakit-sakit na. Doble ang sakit na dulot ng pag iwan niya kaysa sa sakit na nararamdaman ko sa mga nangyayari nitong mga nakaraang araw.

Dalawang araw na ang nakalipas pero heto pa rin ako, patuloy na umiiyak sa paglisan niya at pagputol ng bagay na namamagitan sa 'min.

Pagkatapos kasi niyang sabihin 'yon at agad na siyang umalis na parang wala lang. Agad siyang umalis na hindi man lamang ako nakapagsalita. Ni hindi niya man lang hinintay ang magiging sagot ko sa biglaan niyang desisyon. Kung okay ba sa 'kin 'yon o payag ba ako roon, pero wala.

Umalis agad siya na parang ayaw niyang mapakinggan kung ano man ang mga hinaing ko sa mga sinabi niya. Hindi ko alam pero, parang sa ipinakita niya ay wala lang ako at ang pinagsamahan naming dalawa.

Am I nothing to you now, Rendon?

Ang mga tingin niya sa 'kin na parang hindi niya ako kilala ang huli kong nakita. Ang sakit. Hindi niya man lang ako binigyan ng dahilan o rason kung bakit ganoon nalang ang desisyon niya.

He left me...clueless and hanging. I feel like, I am nowhere to be found now.

Hindi man lang siya nagpaliwanag para naman hindi sobrang sakit sa 'kin dahil may rason siya kung bakit niya ginawa. Hindi 'yong iiwan niya nalang ako nang basta basta. Iiwan niya nalang ako ng walang sapat na dahilan. Iiwan niya nalang ako na maraming tanong sa isipan ko at patuloy kong iisipin ang mga kasagutan doon.

Pinunasan ko ang ang luha ko at pinagpatuloy na ang pagligo dahil susunduin ko ngayon si manang. Kailangan ko ng maayos na mukhang maihaharap sa kaniya. Mamaya na kasi ang labas niya galing ospital. Mabuti nalang talaga eh nagising na siya noong nakaraang araw pa.

Pagkatapos kong maligo ay nag ayos at nagbihis na ako. Hindi na ako nagulat nang maabutan ko na nasa kusina si daddy at may katawagan sa cellphone dahil halos araw-araw na siya rito. Para ngang dinala niya na ang mga trabaho niya rito dahil hindi na talaga siya umaalis.

Kung dati rati eh lumilipas ang isang Linggong hindi man lang siya tumatapak dito pero ngayon hindi na. Halos araw-araw ko na siyang nakikita rito sa loob ng bahay. Hindi naman ako nagtataka dahil alam at aware naman ako kung bakit.

"Dad, alis na po ako," pagpapaalam ko.

Ibinaba niya naman ang cellphone niya at tumingin sa akin. Nagdadalawang isip ba siya na payagan akong lumabas eh wala naman akong balak tumakas sa kaniya at wala na ring rason para tumakas pa ako.

Simula kasi kahapon, nag assigned si dad ng mga hunter na magbabantay sa palibot ng buong bahay. Sinisiguro niya kasi talagang hindi na ako umaalis o nakikipagkita pa kay Rendon. Ang hindi niya alam ay useless lang ang pagpapabantay niya sa 'kin at sa buong bahay dahil wala na akong pupuntahan o kikitain pa. Wala na. Nakaramdam naman ako ng kirot sa dibdib ko. Hanggang kailan ko ba mararamdaman ito?

"Oh sige. Bilisan mo lang dahil may pag uusapan tayo pagbalik mo," ani dad.

Ano na naman kaya ang mga pag uusapan namin? Sawang sawa na ako sa ganiyan dahil halos araw-araw ganoon nalang palagi. Kailan pa ba 'to matatapos?

Tumango naman ako sa kaniya at lumabas na ng bahay. Naiilang ako sa mga tingin ng mga tauhan ni dad sa 'kin. Siguro pati sila alam na rin na nagmahal ako ng isang bampira kaya ganyan nalang sila tumingin na parang nanghuhusga.

The Untold Story Of Us (COMPLETED)Where stories live. Discover now