Kabanata 14

227 19 0
                                    

Pagka uwi ko sa bahay ay agad akong umakyat ng kwarto at humiga. Hindi kasi maalis sa 'kin ang pangyayari kanina. Hindi ako makapaniwala na nawala siya agad pagkalingon ko. Alam kong imposible 'yon pero naging posible kanina. Baka namalikmata lang ako pero sigurado akong hindi eh. Hays! Kung anu ano na naman ang iniisip ko.

"Cassey, kakain na. Bumaba kana riyan." Pagtawag ni manang mula sa baba. Nanatili pa rin akong nakahiga at nakadungaw sa kisame.

"Opo manang. Susunod na po."

Tumayo na ako at pinasadahan ko ng tingin sa labas. Maliwanag ngayon gabi huh? Pumunta ako ng bintana at nakitang wala pang bulaklak doon. Siguro mamaya pa siya mag iiwan. Napangiti naman ako sa ideyang 'yon. Gusto ko nang maramdaman ang presensya niya. Hindi na ako makapaghintay na makita siya ulit.

Tiningala ko naman ang langit at nakitang full moon kaya pala maliwanag. Napangiti ako nang maalala ko ang gabing nangako kami sa isa't isa. I was just 10 years old that time at hindi ko aakalain na seseryosohin ko ang pangako naming 'yon.

Hindi ko maiwasang hindi siya maalala tuwing nakikita ko ang buwan. Parang nakadikit na ang pangalan at alala ko sa kaniya tuwing tinitingnan ko ang buwan.

He is a resemblance of the moon.

"Cassey, asan kana?" Tawag ulit ni manang.

Oo nga pala, kanina pa akong tinatawag ni manang. Masiyado namang naging occupied ang isip ko tungkol sa kaniya to the point na nakalimutan ko na ang sunod kong gagawin.

Bumaba na ako para kumain ng hapunan. Nakita kong nakahanda na ang mga pagkain sa mesa. May dalawang plato na nakalagay doon which means kami lang ni manang ang nandito sa loob ng bahay. Well, as expected. Hindi naman na unusual sa 'kin ang ganito eh.

Umupo na ako roon at ganoon din si manang. Nagsimula na kaming kumain pero binabagabag pa rin ako ng pangyayari kanina kaya hindi ko magawang kumain nang maayos.

"Oh bakit ang tahimik mo ata? May masakit ba sa 'yo?" Nag aalalang tanong ni manang.

"Wala ho manang. May...may iniisip lang po," simpleng sagot ko.

"Sino ba iyan at bakit parang okupado ang buong isipan mo?" Ani manang sa isang mapang asar na tono. Juskoo! Baka ang iniisip ni manang eh si Cedrix itong iniisip ko. Sino pa naman ang tanong niya!

"Hindi po manang, kayo talaga. Iyong kaninang pangyayari po ang iniisip ko," sagot ko.

"Ano ba 'yon? Ikwento mo nga sa akin at makikinig ako," aniya.

Siguro tama ngang i-share ko ito kay manang para naman hindi ko kinikimkim mag isa. Para hindi ako binabagabag mag isa ng pangyayaring 'yon.

"Manang kasi po...kanina...may...may nakasalubong akong lalaki," pagsisimula ko.

Binalingan ko siya at nakita kong nanatili siyang nakikinig sa mga sinasabi ko. Nagdesisyon akong magpatuloy sa pagsasalita.

"Tapos no'ng nakalagpas na siya sa likuran ko eh nilingon ko tapos pagkalingon ko bigla siyang nawala. Hindi ko po alam kung paano nangyari 'yon," dagdag ko pa.

Habang nagsasalita ako ay inaalala ko ang pangyayari kanina. Iyong kaba at enerhiyang naramdaman ko noong dumaan siya sa gilid ko. Alam kong may mali, may iba.

Hindi naman nagsalita si manang at pinagpatuloy ang pagkain niya. Ganoon din ang ginawa ko habang iniisip pa rin ang mga ideyang bumabagabag sa 'kin.

"Manang, may kakaiba po ba sa lugar natin?" Tanong ko ulit.

Bigla ko kasing naisip ang reaksiyon ng trycicle driver na sinakyan ko kanina. Ayaw niya tumuloy sa lugar namin dahil natatakot daw siya. Nawi-weirduhan ako sa kaniya. Wala namang katakot takot sa lugar namin. Siguro natatakot siya kasi kakaunting bahay lang ang nakikita sa lugar namin.

The Untold Story Of Us (COMPLETED)Where stories live. Discover now